THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 37--
THIRD-PERSON POV
Nagising si Henry na masakit ang kaniyang ulo. Hindi naman marami ang nainom niya kagabi sa Blue Moon, isang bar sa metro. Hindi rin mahina ang tolerance niya sa alak. Ang alam niyang rason bakit masakit ang ulo niyaʼy hindi siya nakatulog nang maayos kagabi.
He remembered everything. Simula sa pag-alis niya sa bahay niya hanggang sa siya'y makauwi. Wala siyang balak umuwi pero nakatanggap siya ng tawag sa kaniyang katulong. Hindi niya alam ba't siya nito tinawagan pero nang magsimula nang magsalita si Andrei, his heart immediately went crazy.
He didn't even notice that he was smiling while listening to him. Dali-dali rin siyang umuwi noon at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit imbes na dumeretso siya sa kaniyang kuwartoʼy sa kuwarto ng mga katulong siya tumungo.
He tried to stop himself but he couldn't. Para bang may sariling buhay ang kaniyang puso at isipan at ang buong katawan niya'y napapasunod. Namalayan na lang niyang nasa harapan na siya ng pinto ni Andrei.
"Shit!"
Mabilis siyang bumangon at pumasok sa loob ng kaniyang banyo. He took a quick bath and went outside of his room after changing into his suit. Sa kakaisip niya sa kasambahay ay hindi niya namalayang malapit na siyang ma-late sa trabaho. Although, siya ang CEO, hindi pa rin tama na na-la-late siya. Baka magkaroon pa ng pagkakataon ang mga empleyado niya na magpahuli rin sa trabaho.
Suot ang seryosong ekspresiyon, bumaba siya't tumungo sa kusina. Pasimple niyang inilibot ang paningin, searching for the person who makes his heart crazy and confused. But he wasn't there.
"Ah, sir. Tulog pa po si Andrei," ani ni Dolly na mabilis niyang nilingon.
Nagsalubong ang kaniyang kilay at napapailing. Papaano nito nalamang si Andrei ang kaniyang hinahanap? Obvious ba ang kaniyang ginagawa? Or maybe, they know him well?
Tumango lang siya rito at saka naupo na sa kaniyang puwesto. "Let him sleep for a while," aniya at saka nagsimula nang kumain.
Napapatanong siya sa sarili, kung bakit tulog pa rin ito. Napuyat din ba 'to katulad niya? Iniisip din ba siya nito habang nakahiga sa kama?
Napangiti siya nang hindi niya namamalayan. Dahil sa isang eksenang pumasok sa kaniyang isipan. Nahahawaan na siya nito. Nagiging baliw na rin siya ʼtulad ni Andrei.
-
A N D R E I
Kay sarap talaga ng buhay lalo na kapag tatlong taon ang tulog mo. Para akong si Sleeping beauty na hinalikan ng isang prinsipe't nagising. Ang kaibahan lang namin ay mas maganda ako sa kaniya at walang humalik sa akin. Nagkusa na akong gumising. Kakatamad kayang maghintay.
Tiningnan ko ang oras, alas-dose na?! Nanlaki ang mga mata ko't mabilis na lumabas ng aking kuwarto at tinungo ang kusina.
Giatay! Ang tagal ko bang nakatulog?Pagdating ko roo'y kumakain na ang mga hinayupak ng tanghalian. Si Auntie Dolly na nakataas pa ang isang paa habang sarap na sarap sa luto niya. Aba! Mga walanghiyang 'to? Ni hindi man lang nila ako ginising? Wala ba silang awa sa 'kin? Paano kung hindi na pala ako humihinga?
"Sarap ng buhay niyo, ano?" sarcastic kong tanong na parang may choreography pa sila dahil sabay-sabay silang lumingon sa akin.
"Oh, gising ka na pala, mahal na Prinsesa. Kumain ka na hoʼt maghuhugas ka pa mamaya."
BINABASA MO ANG
Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) [Completed]
RomanceHenry Finn Alcantara: The Ruthless Daddy Written and Owned by IthinkJaimenlove Date started: October 31, 2021 Date finish: August 1, 2022 [DESCRIPTION] - Unofficial and can be changed. "You messed my life. Now, take the responsibility to stay with...