Chapter 35

9.6K 413 37
                                    

THE RUTHLESS DADDY

CHAPTER 35

-

A N D R E I


Kalalabas ko pa lang sa ʼking lungga ngunit ang buwesit na Sir Henryʼng ʼto agad ang bubungad sa 'kin. Ayoko sanang aminin ʼto pero ang presko niya ngayon. Palagi naman siyang fresh pero ibang-iba ang aura niya ngayon. Iba ang dating nito sa suot na puting shorts, tapos naka-blue siya na collared T-shirt na inserted sa short niyang pangmalakasan, at puting cup. Hulaan ko, mag-go-golf ito ngayong araw.

Alam ko na, e. Ganito kasi mga nakikita kong suot ng mga taong naglalaro nun.

“Good morning, Sir!” masigla kong bati, sabay lawak nang pagkakangiti ko ngunit ang puso koʼy gusto nang sumabog.

Ano ba, Drei! Ilang beses ko nang ipinapaalala sa ʼyong amo mo iyan. Huwag kang feeling at mag-day dream ng happy ending ninyong dalawa. 

“We're going out today,” sabi nito imbes na mag-good morning din sa 'kin. Aba nakakatampo iyon, a.

"Saan po tayo pupunta?" tanong ko, kahit na alam ko naman kung ano'ng klaseng lugar ang pupuntahan namin.

"We're playing golf today, Ande!"

Mabilis akong lumingon dito nang sumulpot si Senyorito Finley. Yes opo! Ande talaga tawag nito minsan sa 'kin kapag good mood. Pero kapag trip naman niyaʼy 'bakla', 'yaya', 'panget', at kung ano-ano pa ang tawag niya. Dedma na lang dahil hindi naman totoo mga sinasabi nito. Iyong saliyang bakla at yaya, totoo. Pero panget? Mukhang  ʼto?

Tiningnan ko naman ang suot nito at yes oo ulit, magkapareho sila ng suot ng ama. Ngayon ko nga lang din napansin ang check sa mga T-shirt nila. Ibinalik ko ang tingin kay Sir Henry. Nagtaka pa ako bakit bigla itong napaayos ng tayo. Problema niya?

"May sinalihan po ba kayong dance contest?" 

Kunot-noo ako nitong tiningnan. "What?"

Bumuntonghininga ako. Ang hirap naman mag-joke sa lalaking ʼto. Walang rumor sa katawan. 

"Wala po! Sige po't magpapalit lang ako," sabi ko't agad na siyang tinalikuran.

-

Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon. Ang tamlay-tamlay ko. Simula pa 'to kahapon nang mag-usap kami tungkol ni Sir Henry sa sinabi ng ama niya. Aminin ko man o hindi pero nababahala ako sa puwedeng mangyari.

Papaano kung malaman nitong ang pinakilalang girlfriend ni Sir Henry sa kanilaʼy hindi tunay na babae? Alam kong peke lang iyon ngunit trabaho ko ang nakasalalay. Hindi ko lubos na kilala ang tatay ni Sir Henry at natatakot ako sa possible nitong gawin.

Kaya kagabi, habang nanonood ako ng bold, napag-isip kong dapat na namin itong itigil. Nasa ibang bansa naman na ang mga biyanan niyaʼt wala na kaming problema. I-ta-tape ko na lang ang bibig ni Marlou para hindi 'to makapagsumbong sa mga magulang.

Ayoko nang magpatuloy sa pagpapanggap lalo paʼt may nararamdaman na akong kakaiba. May kumekerengkeng na sa puso ko.

"We're here," narinig kong sabi nito nang tumigil ang kotseng sinasakyan. 

Tumingin ako sa labas. Isang puting mataas na gate ang bumungad sa akin. May nakasulat na pangalan ng lugar sa may itaas nito. Foreign City. Hindi ko naiintindihan ang ibig sabihin ngunit nang tuluyan kaming makapasok ay roon nasagot ang katanungan ko.

Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon