THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 29A N D R E I
-
Habang nasa sasakyan ako, ang dami ko nang dasal na nabanggit. Pati yata dasal ng demonyo'y binubulong ko. Pero hindi pa rin ako tinatakasan ng kaba. Ang bilis pa rin ng kabog ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan, o alam ko na sa una pa lang ang dahilan pero natatakot lang akong aminin.
Pero sige na nga, dahil mapilit kayo'y sasabihin ko na. Natatakot akong mawalan ng trabaho. Hindi ako natatakot na mapagalitan ni Sir Henry. Ayos nga lang sa akin kung parusahan niya ako. Ayos lang! Kahit na palu-paluin pa niya ako sa puwet o sakal-sakalin. Ayos lang!
Chariz!
Pero iyon na nga mga bebs, takot akong mawalan ng trabaho. Nandito na ako e. Maganda na ang trabahong nakuha ko. Malaking tulong sa pamilya ko sa probinsiya. At, kapag nawala ito, saan ako pupulutin? Wala pa naman akong perang naitatago dahil ipinadala ko lahat sa probinsiya. Kung tatanggalin ako ni Sir – na sana'y hindi niya gawin – pero mukhang iyon naman talaga ang kahahantungan ng lahat.
Ayokong isipin. Kinuha ko na lang ang cellphone ko sa bulsa at nagulat ako nang makita kong halos abutin ng isang daan ang missed calls sa notification ko. At lahat ng iyon ay galing sa iisang tao, kay Sir Henry.
Shutaena!
Hindi ko naramdaman. Naka-vibrate naman ito at malakas – na parang vibrator ni Auntie Dolly na aksidente kong nakita sa kaniyang kuwarto no'ng nakaraang linggo.
Bumuntonghininga ako. Paano ko nga pala mararamdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko kung naka-costume ang ringtone nito – na napunta pa kay Sir Henry ang mute.
Ang bobo, Andrei!Tse! Dinedma ko na lang ang eksaheradang isipan ko't binuksan ang twitter. Manonood na lang ako ng bold para mawala sa isipan ko ang posibleng kahihinatnan ng buhay ko pagdating ko sa bahay.
"Hoy!"
"Ay titeng daks!" Mabilis akong lumingon dito dahil sa gulat. Sinamaan ko ng tingin iyong driver na nakatingin sa rare view mirror. "Ano ba, kuya! Bakit ka nanggugulat diyan. Kita mo nang nanonood ako e!" inis kong sabi.
"Gago! Ang lakas ng volume niyang pinapanood mo!" aniya.
Bigla akong natauhan dahil sa sinabi niya. Ngayon ko lang din nakita na naka-full volume pala iyong pinapanood ko. E si Blake Mitchell pa naman at iyong jowa niya ang nasa screen. Shet! Nag-init ang pisngi ko at saka mabilis na ibinulsa ang cellphone ko.
"H-Huwag mo na lang po intindihin iyon. P-Prank po ng kaibigan ko," sabi ko at pekeng tumawa. Napakamot ako sa likod ng ulo ko dahil sa kahihiyan. Bwesit kasing Marlou na hindi naman kamukha ni Xander Ford iyon! Sana madapa siya at mabagok ang ulo.
Tumawa si Manong driver. "Ayos lang bata, paborito ko rin naman iyan," aniya sabay ngisi. Muli na ring pinaandar ang kotse nang mag-green light na ang traffic lights.
Gulat at hindi agad nakasagot. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay nina Sir Henry. Kaya dali-dali kong kinuha ang sukling nakuha ko sa pera ni Marlou kanina at saka iyon iniabot kay Manong Driver.
Lalabas na sana ako nang pigilan ako nito. Lumingon ako ritong nakakunot ang maganda kong noo.
"Kulang itong bayad mo, limang daan dahil halos isa't kalahating kilometro ang layo nitong bahay mo."
Tumaas naman ang kilay ko sa narinig. "Kapal–"
"Wag na maarte, bebs. Mahal na gasolina ngayon."
Padabog kong kinuha ang wallet ko. Pasalamat siya may sapat pa akong pera dito. Iniabot ko iyon sa kaniya at saka lumabas ng kaniyang taxi. Agad ding umalis ang taxi. Tumingin ako sa mansion at muli na namang akong tinubuan ng kaba. Sana huminog na 'tong kaba para mapakinabangan ko.
Bumuntonghininga ako. Ihahanda ko ang sarili ko. Kung ano man ang ibibigay na parusa ni Sir – sana spanking na lang para may pleasure. Char! Pero kung ano man ang ibibigay niyang parusa, tatanggapin ko, ano pa nga ba?
-
Pagpasok ko pa lang ay ang panget na mukha ni Mirabel ang bumungad sa akin. At ang gaga, nakangisi sa akin habang nilalapitan ako bitbit ang walis at dustpan.
"Hala ka, baks! Lagot ka talaga," sabi niya. Gustuhin ko mang burahin ang pagmumukha niya sa mundong ʼto pero hindi ko ginawa. It's such a waste of time! Char, tama ba grahams ko?
Tinaasan ko siya ng kilay. Kunwari ay unbothered queen ako pero ang totoo niyan, kabado na ako sa mga oras na ito.
"Pake ko?" Inirapan ko siya't nilampasan.
"Mr. Arellano."
Didiretso na sana ako sa kusina nang mapatigil ako sa paghakbang dahil sa boses na iyon. Mariin at tila ba may itinatagong hagupit sa kaniyang boses. Ayokong mang lumingon pero iyon puwede. Lumunok muna ako ng laway dahil bigla akong tinayua–natuyuan po! Yes opo! Nanuyo ang lalamunan ko.
Dahan-dahan akong lumingon dito. Nagsalubong ang mga mata naming dalawa. At agad kong nasilayan ang tila ba mata ng leon sa kaniyang mga mata – na handa nang lapain ako ng buhay. Muli akong napalunok. Dumoble, hindi, triple na yata ang bilis ng tibok ng peste kong puso dahil sa takot.
"Sir–" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang tumalikod ito at humarap sa hagdan.
"Follow me," malamig niyang sabi at umakyat sa taas.
Napalunok na naman ako. Takot ako sa mga oras na ito pero ang peste kong malanding pagkatao, hindi na naman mapirmi't nakuha pang pagmasdan ang kabuuan ni Sir Henry.
Shuta ka, bakla! Ang landi mong hayop ka.
Dahil ayoko pang mawalan ng trabaho. Agad akong sumunod kay Sir Henry. Pumasok ito sa kaniyang opisina. Pagpasok ko roon ay nakaupo na siya sa kaniyang swivel chair at ang bilis naman yata niyang nahubad ang suot na suit kanina. Ang natitira na lang ay ang dark blue necktie na pasimple niyang niluwagan at isang puting long-sleeved.
Bakit kahit nakakunot ang noo niya't masama siyang nakatingin sa akin ay ang poge pa rin? Masyado naman siyang binigyan ng atensiyon ng Diyos para gawing perpekto.
"What did I told you the first time you entered my house and accept the job?" mahinahon ngunit ramdam ko ang diin sa bawat salitang kaniyang binigkas.
Hindi ako nakasagot. Wala akong maisagot. E kasi naman beh, hindi ko na maalala kung ano'ng sinabi nito sa akin. Kailangan ko pa bang mag-flashback para alalahanin iyon?
Umiwas ako ng tingin. Nakakatakot kasi ang mga mata ni Sir.
"H-Hindi ko po matandaan."
Sana pala nag-take note ako, hindi ko alam na may exam pala akong kahaharapin. E 'di sana nakapag-study ako.
"I told you to take care of my son, but what did you do? Trabaho ang pinunta mo rito, hindi paglalandi!"
Nagulantang ang kepyas ko sa sinabi niya. Alam kong tama ang sinabi nito – na trabaho naman talaga ang pinunta ko rito. Pero iyong huli, parang hindi makatarungan. Bigla akong nasaktan.
Napatitig ako sa kaniya, deretso sa kaniyang mga mata. Pero agad din akong umiwas. Yumuko ako.
"H-Hindi ko po sinasadya. At mali rin po kayo ng iniisip. Hindi po ako nakikipaglandian," sabi ko.
"You're not? Pero kung makapag-usap kayong dalawa, parang walang mga taong nakatingin sa inyo."
Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga sinasabi nito. Wala rin naman siyang kodigo na itinatago. Mas lalo tuloy akong naguluhan sa sunod nitong sinabi.
"You're my wife, but you're with someone else. Sa karibal ko pa."
****
Hello! Thank you for reading at sa biglang pag-boost ng follows. 4k na tayo!
BINABASA MO ANG
Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) [Completed]
RomanceHenry Finn Alcantara: The Ruthless Daddy Written and Owned by IthinkJaimenlove Date started: October 31, 2021 Date finish: August 1, 2022 [DESCRIPTION] - Unofficial and can be changed. "You messed my life. Now, take the responsibility to stay with...