Chapter 10

12.9K 559 13
                                    

HAPPY HOLIDAYS!

-

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 10

--

A N D R E I

Nakaginhawa ako nang maluwag nang maaga kaming nakauwi at walang kababalaghang nangyari sa buhay ko habang nasa eskwelahan ako ni Senyorito Finley. Buong durasyon kasi ng klase nitoʼy tahimik lang siya hanggang sa kamiʼy makauwi rito sa kanilang mansion.

At mabuti na lang talagaʼy hindi ko nakita iyong dalawang guwardiyang nagdala sa akin sa kulungan. Naku lang talaga! Makakatikim talaga silang dalawa sa akin ng tig-iisang sampal gamit ang pala. Hindi ko alam kung saan sila pumunta o baka nakarma na kaagad dahil sa ginawa nila sa akin. Wala akong pakialam. Ang concern ko ngayon ay ang makulimlim na kalangitan.

Bigla kasing dumilim na para bang may demonyong nagriritwal sa kalangitan. Nagbabadya yata ang ulan. Wala namang sinabi si Kuya Kim na uulan ngayon. Ano 'to, surprise?

Kakatapos lang kumain ni Senyorito Finley at pinaakyat ko na muna siya sa kaniyang kuwarto. Dahil kami namana ang kakain. At, mabuti na lang din dahil sumunod ito dahil kung hindi ay bahala siya sa buhay niya. Kanina pa ako nagugutom.

Pito kaming naninilbihan dito sa mansion ni sir Henry. Dalawang guwardiya, isang driver na driver ni Senyorito Finley at apat na kasambahay, kasama na ako roon at si Auntie Dolly na siyang cookingina rito. Impyernes naman kasi dahil masarap ang mga luto nito. Ngunit ngayo'y dalawa lang kami ni Auntie Dolly na kumakain dahil iyong tatlo ay tapos na iyon kanina pa.

"Mukhang bumabait-bait iyang alaga mo, a." Napatigil ang kamay kong may hawak na kutsara't naglalaman ng kanin nang magtanong ang kasama ko ngayon. Ibinaba ko na muna iyon at saka tumingin sa kaniya.

"Paanong bumabait?" nakakunot noo kong tanong. Wala naman kasi akong napapansin dahil hindi naman talaga nagbago. Masungit pa rin iyong batang iyon kumpara sa mga kaklase niyang mabait sa kanilang mga Yaya. Wala tuloy itong kaibigan dahil sa kasungitan niya't iyon ang napansin ko habang binabatantayan ko ito kanina sa eskwelahan niya. Kaya papaanong nasabi nitong si Auntie Dolly na bumabait iyong batang iyon? Paano?

"Hindi ka ginawan nang masama?" aniya, patanong iyon na parang hindi sigurado. Umiling ako bilang sagot. "Edi iyon nga! Bumabait sa ʼyo at sana namaʼy magpatuloy-tuloy ʼyan," dagdag niya pa.

Tumawa ako at napapailing na ibinalik ang tuon sa pagkain ko. "Malabo ho," sagot ko at saka nagpatuloy sa pagkain.

Malabong mangyari nga ang bagay na ʼyon. Kung posible ngang bumait ito, sa tingin koʼy hindi ako ang makakagawa niyon. Wala sa akin ang susi ng Encantadia–char, ang ibig kong sabihin ay wala sa akin ang paraan para bumait nga ito. Pero tulad nga ng sabi ko, kung wala man sa akin iyon ay gagawa ako ng paraan para lang magbago ito. Ang lungkot kaya ng buhay niya at saka hindi magandang tingnan sa isang bata ang masungit, dahil walang magkakagusto sa kaniya dahil sa ugali niya.

Saktong patapos na ako sa pagkain nang biglang kumulog nang malakas. Mabuti na lang at hindi ako magugulatin, at hindi takot sa kidlat ngunit nagulat ako nang makarinig ako nang malakas na sigaw ng isang bata.

Mabilis akong napatayo kahit hindi pa man ako nakakainom ng tubig ay mabilis akong lumabas upang puntahan si Senyorito Finley. Hindi ako pwedeng magkamaliʼt boses nito ang narinig ko. Isa pang pagkulog nang malakas ang ginawa ng kalangitan at kasunod nito'y ang muling pagsigaw ni Senyorito Finley. Mabilis din naman akong nakarating sa kaniyang kuwarto ngunit naka-lock ito.

"Senyorito! Buksan niyo ho ito!" sigaw ko habang pinupokpok ang pinto ng kaniyang kuwarto.

"M-Mama!"

Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko dahil sa unang pagkakataon ay narinig ko ang pag-iyak nito dahil sa takot. Kaya mas lalo kong nilakasan ang pagtawag sa kaniyang pangalan kasabay nang pagpokpok ko sa pinto nito.

"Senyorito, n-nandito lang ako! B-buksan mo na ʼto, please?" sinubukan kong malumanay ang boses ko ngunit hindi ko magawa dahil na rin sa takot. Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya sa loob. “Auntie Dolly! Tulungan niyo ʼko!” sigaw ko, nagbabakasakaling marinig ako ng hinayupak na iyon na kumakain pa rin nang iwan ko.

"M-Mama! P-Please, help me!" muli kong narinig ang pag-iyak nito't pagtawag sa kaniyang Mama na matagal nang wala. Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa kung papaano ito humagulgol sa loob na tila ba takot na takot sa kulog at kidlat.

"AUNTIE DOLLY!!" muli kong sigaw at ilang sandali lang ay dumating ito dala-dala ang mga spare key ng bawat kuwarto rito sa mansion. "Shutacca! Kanina pa kita tinatawag!"

"Pasensiya na, hinanap ko pa kasi ang mga ito," aniya tukoy ang hawak-hawak na mga susi. Mabilis ko namang inagas iyon sa kaniya nang iabot niya. "Iyong silver ang susi niya," dagdag nito.

--

Nang makapasok ako sa loob ay mabilis kong nilapitan si Senyorito Finley na nasa sulok ng kaniyang cabinet kung saan kasyang-kasya ang tulad niyang maliit doon. Kaagad akong umupo sa kaniyang harapan at walang pag-aalinlangan ko siyang hinapit upang mayakap.

"Ssshhh. Ayos lang ang lahat, nandito lang ako. Hinding-hindi ako aalis," bulong ko. Lumambot ang puso ko nang maramdaman ko ang mga maliliit nitong braso na mabilis na yumakap sa akin nang mahigpit. Hinagod-hagod ko ang kaniyang likuran upang siyaʼt patahanin.

Punyawa kasing PAGASA ʼyan, wala man lang pasabi na uulan pala ngayon. Ang init-init kaya kanina!

"Mama, d-don't leave me," ani Senyorito Finley habang nakayakap sa akin. "I-I'm scared," dagdag pa nito.

Ako naman ang napahigpit ang yakap dahil sa narinig ko mula sa kaniya. Wala na akong pakialam pa sa kung ano ang itinawag nito sa akin dahil ang nais ko lang ay maibsan ang takot na nararamdaman nito.

"Oo naman. Hinding-hindi ako aalis sa tabi mo, kaya tumahan ka na," bulong ko.

Nilingon ko si Auntie Dolly kung saan kakatapos lang nitong isara ang mga bintana ng kuwarto. Ngumiti lang siya't nagpaalam na ipagpatuloy ang paglilinis nito sa kusina. Tango lang ang isinagot ko at saka ibinaling ang tingin kay Senyorito Finley na tumahimik na. At kaya pala ito tumahimik na dahil nakapikit na ang kaniyang mga mata, na sa tingin koʼy nakatulog dahil humihinga pa naman.

Hindi na ako nag-aksaya pa nang oras at kaagad itong binuhat upang dahan-dahang ihiga sa kaniyang kama. Pagkatapos kong maiayos ang kaniyang higa, saka ko naman siya kinumutan.

Nakahinga ako nang maluwag dahil mabilis itong tumahan.

Pinagmasdan ko ang kaniyang maamong mukha at nakikita ko ang kabataan ng Daddy nito sa kaniya. Ang amo nito habang natutulog na tila ang bait-bait niyang bata. Ramdam ko namang mabait siya, sadyang malayo lang talaga ang loob niya sa mga taong nakapaligid sa kaniya, kasama na roon ang kaniyang Daddy.

"Hayst. Sana naman, sa ginawa kong itoʼy hindi ka na magiging masungit sa akin." Sana lang talaga ay maging mabait na siya sa akin.

*****

©IthinkJaimenlove

Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon