Chapter 12

12.6K 585 42
                                    

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 12

--

A N D R E I

Saktong natapos kaming magluto ni Auntie Dolly ng sopas nang dumating ang mag-ama. Magkasunod itong pumasok sa loob ng kusina. Bagong ligo si sir Henry at shuta, ba't hindi man lang siya nag-abalang magsuot ng pang-itaas na tanging manipis na puting pajama ang suot?

Inaakit ba niya ako? Aba'y go! Sabi ng nanay ko noon ay hindi dapat tayo tumatanggi sa grasya, dahil minsan lang magkaroon ng pagkakataon sa ating buhay. Kaya nga, grab all you can.

Ibibaling ko naman ang tingin ko kay Senyorito Finley, na tahimik lang nakaupo sa kaniyang high chair. Nakatingin lang ito sa kaniyang mangkok na mayroong mainit na sopas.

"Tawagin niyo lang po kami kapag may iuutos kayo sa amin," biglang sabi ni Auntie Dolly at hihilain na sana ako nito papaalis ng kusina nang tumingin sa amin si Sir.

"Mr. Arellano, please stay and join us," sabi nito. Tumingin naman siya kay Auntie Dolly. "Manang, kumuha na lang po kayo at ihatid ninyo sa mga kasambahay at sa drivers natin."

"Sige po, sir. Masusunod." Kaagad na umalis ang gaga at naiwan akong mag-isang nakatayo malapit sa refrigerator.

Nang bumaling si sir sa akin ay kumunot ang kaniyang noo. "You didn't understand what I have said?" tanong niya.

"N-Naiintidihan po, p-pero nakakahiya po kasi," sagot ko at gusto kong pukpukin ang ulo ko ng tite-char! Gusto kong pukpukin ang ulo ko ng martilyo dahil sa pagkautal ko. Bakit ba ako nauutal? Hindi naman ako kinakabahan!

"Then why are you still standing there? Maupo ka na't sabayan mo na kami rito."

Hindi na lang ako sumagot at dahan-dahang lumapit sa upuan na kaharap ni Senyorito Finley. Tahimik pa rin nitong inuubos ang sopas na para bang walang pakialam sa kaniyang paligid. Nagtataka tuloy ako kung bakit hindi man lang ito nag-react nang maupo ako at sasabay sa kanila.


Bahala na nga! Nagugutom ako. Masarap kasi itong sopas na niluto namin ni Auntie Dolly. Hinaluan ko kasi ito nang pagmamahal. Charut! Pero seryoso, masarap ito. Kung gusto niyo, luto rin kayo.

Tahimik lang kaming kumakain. Nakatuon lang din ang buo kong atensiyon sa sopas dahil ngayon lang ako nakaramdam ng kaba. Para bang ang sikip-sikip dito sa kusina at tanging ang pagkalampag lang ng mga kubyertos ang naririnig. Ganito ba talaga ang mag-amang ito? As in, super tahimik habang kumakain?


Pero nabasag lang ang katahimikan nang magsalita si Sir Henry. "Finley, what should we say when someone saved us?"

Naingat ko ang tingin at dumako iyon kay Senyorito. Tumigil ito sa pagkain at saka iniangat din ang ulo, kaya nagkasalubong ang aming mga mata.

"T-Thanks," aniya. Lumundag ang puso ko dahil sa tuwa. Simpleng pagpapasalamat lang ngunit masaya na ako na kahit papaanoʼy alam niya ang sasabihin kapag may tumulong sa atin.

Napangiti ako. "Tungkulin ko po na iligtas at bantayan kayo. Kahit ano pa pong mangyari, nandito lang ako. Tandaan niyo po 'yan," sagot ko.


--

Kinabukasan ay maganda na ang sikat ng araw. Pagkatapos naming mag-agahan ay kaagad kaming umalis ng mansion, kasama ko si Senyorito Finley, hatid ng kotse na minamaneho ni Manong sino nga ito? Ah basta, driver ni Senyorito ito. Nauna na kasing umalis si Sir Henry kanina. Pagkagising ko'y nagmamadali itong lumabas ng bahay na para bang may emergency, hindi pa nga nito naiayos ang necktie na suot. Pero bagay na bagay pa rin naman sa kaniya.

Pagdating naman sa eskwelahan ay kaagad na pumasok si Senyorito sa kanilang classroom. Kaya naupo na ako sa dati kong puwesto kung saan katabi ko naman itong tsismosang Yaya ng kung sino mang bata sa loob.

"Himala, 'te. Mukhang tumagal ka yata sa amo mong iyan, a?" Kitams? Mahilig makialam sa buhay ng iba. Hindi na lang nito atupagin ang naninilaw na niyang ngipin.

Taas noo ko siyang hinarap. "Bakit naman hindi, beh? Ikaw, bakit hindi ka nagsisipilyo?"

Sumama ang mukha nito sa sinabi ko. Oh common! Nagsasabi lang ako ng totoo. 'Wag niya akong artihan at baka maibalibag ko siya sa pader.

Sasagot pa sana ito ngunit isang malakas na pag-iyak ang narinig namin. Kaya mabilis at nag-unahan kami sa pagpasok sa loob ng day care. Naroroon si Senyorito Finley na nakakuyom ang maliit na kamao habang may isang batang nakaupo sa sahig at umiiyak.

Hala! Ano'ng nangyayari?

"Senyori–"

"Sir Stanley!" Sinundan ko ng tingin ang tsismosang katulong na nilapitan ang batang natumba sa sahig. "Ayos lang po ba kayo?" tanong nito sa alaga.

Tiningnan ko si Senyorito Finley na masamang nakatingin sa batang si Stanley.

"Yaya, Finley pushed me po," sabi ng bata habang umiiyak.

Tumayo ako sa gilid ni Senyorito Finley at saka dahan-dahang pinantayan ang bata. "Totoo po ba ang sinasabi niya, Senyorito?" malumanay kong tanong, dahil ayokong maramdaman nito na naiinis ako sa ginawa niya. "Alam mo ba-"

"Would you be mad at me when I said he's right?" tanong nito at tumingin sa akin na seryoso.

Umiling ako. "O-Oo, kasi hindi tama iyong ginawa mo."

Hindi ito sumagot bagkus lumingon siya kay Stanley. "Tell them the truth, Stanley." Napakabata pa niya pero ganito na siya kung umasta. Sigurado ba talaga si Sir Henry na anak niya 'to? Baka reincarnation ito ni Judas, a.

"You-" Sasagot na sana si Stanley ngunit biglang bumukas ang pintuan ng classroom kung saan pumasok doon si Sir Saul, na missing in action. Lumabas kasi ito kanina dahil ipinatawag daw ng Head Master at heto na nga't nangyari na 'tong gulo ng mga bata.

"What's the commotion here?" tanong nito.

"E, sir, ito pong alaga ni Bakla, tinulak itong alaga ko." Nanlaki ang mga mata ko nang si Yellow Teeth ang sumagot. Nakatayo na ito at masamang nakatingin sa akin. Aba, te! Bakit parang kasalanan ko?

"Mr. Arellano and Ms. Dimagiba, please follow me to my office. At sa lahat ng maiiwan dito, puwede na kayong umuwi. Class will be dismiss early for today."

--

Pumasok kami sa loob ng opisina ni Sir Saul. Taray din naman, te. May sariling office si sir.

Naupo kami ni Senyorito sa harapan ng mesa at sa harapan naman namin ay ang mag-Yaya na kanina pa masama ang tingin sa amin. Bakit ba ang laki ng problema ng babaeng ito? Sa pagkakaalam ko'y wala akong nagawa sa kaniya. Kakampihan ko pa sana ang alaga nito kung totoo ngang ginawa iyon ni Senyorito, e.

"Tell me what happened," biglang sabi ni Sir Saul, kaya sa kaniya ako bumaling.

"Teacher, itinulak po niya ako kahit wala naman po akong ginagawa-"

"Liar!" biglang singhal ni Senyorito Finley. May anger issue talaga itong batanes na ito. "You called my Nanny gay and weird!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Napatingin ako kay Saul na mukhang maiiyak na naman. Tumingin ako sa Yaya nito pero hindi ito makatingin sa akin.

"Totoo ba ito, Saul?"

"I-It's true po, Teacher. Akala ko po kasi ay galit siya sa Yaya niya kaya ko po nasabi iyon..."

"Then what should you say when you did bad things to other?"

Tumingin ito sa amin. "I-I'm sorry po for what I've done. H-Hindi ko na po uulitin," sabi nito.

Napangiti ako. "Ayos lang. Totoo namang bakla ako. ʼWag mo na lang uulitin iyon, okay?"

"Tss!" narinig kong sabi ng katabi ko. Hindi ko na lang pinansin iyon. At least, alam kong effective ang mga plano kong mapalapit dito.

At mabuti na rin na ito ang ginawa ni Sir Saul kaysa ipatawag pa ang mga magulang ng mga bata. Masyadong maliit na problema lang ito kumpara sa nawawalang 15 bilyong peso na ninakaw ng Philhealth.

Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon