THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 17--
A N D R E I
Pagmulat ko pa lang ng mga mapupungay kong mga mataʼy ang ponyetang sinag ng araw agad ang bumungad sa akin. Shutacca, manong araw! Gandang-ganda ka ba sa akin kaya ako agad ang sinisinagan mo?
Hindi ho ako bulaklak, pero marunong akong bumukaka!
Char!
Iyon na nga, mga beh kong tsismosa. Kakagising ko lang at agad kong naramdaman ang kirot sa akin buta-char! Sa aking ulo, para ngang puputok ito dahil sa sakit. Inalala ko naman ang nangyari kagabi, kung may nangyari ba sa aming dalawa ni Sir Henry. Hindi naman niya ako ginahasa, ano? Subukan lang niya, hindi ko talaga siya mapapatawad! Charut.
Inilibot ko ang paniningin at mabuti na lang dahil sa kuwarto ko pa rin ako nagising, ibig sabihin lang nun ay buhay pa ako? Dahil wala pa ako sa langit.
Malamang, 'teh! Buhay ka pa at sabi ni San Pedro, hindi raw tanggap mga bakla sa langit.
Tse!
Kung puwede lang sampalin ang inner self, matagal ko ng ginawa. Namumuro na talaga ito sa akin. Pakiramdam ko, mababaliw ako kakausap sa sarili ko. Kaya agad na akong bumangon at saktong pagbukas ko sa pinto ng aking kuwarto ay ang seryosong tingin sabay nakapamewang na si Auntie Dolly ang bumungad sa akin.
"Problema mo, 'teh? ʼWag mo akong inaano riyan dahil masakit ulo ko, baka ilambitin lang kita nang patiwarik." Inirapan ko siya. Ano ba'ng problema ng babaeng 'to? Minsan, hindi ko siya maintindihan, may sira ba ulo nito? Sabihin ko kaya kay sir na ipakunsulta ito sa Veterinarian?
Ay, pang-hayop lang pala iyong vet. E, 'di ba, hayop naman to kasi kamag-anak ni Berting?
"Ano'ng oras na, Senyorita Andrei? Ba't ngayon ka lang nagising aber?" seryoso nitong sabi.
Kumunot ang noo ko at saka nagkibit-balikat. "Malay ko ho, wala ngang orasan itong loob ng kuwarto ko at saka iyong keypad ko pong phone ay Dubai time," sagot ko.
Pumikit siya nang mariin na tila ba pinipigilan na lang niya ang sariling huwag akong sakalin. Nagsasabi lang naman ako ng totoo, tinamad na kasi akong i-time iyong cell phone ko kaya hinayaan ko na lang iyon nang mabili ko ito sa snatcher sa bayan namin. Isa pa, wala ring nakadikit na wall clock o orasan sa kuwarto ko.
"Tanghali na, Andrei!" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kaya mabilis ko siyang hinawi, kahit na bubuka pa sana ang mabaho nitong bibig dahil may sasabihin pa siya, agad na akong tumakbo papasok sa mansion. Imbes na sa banyo sana ako tutungo para maghilamos at magsipilyo man lang, hindi ko na ginawa.
Dire-diretso at tila ba lumilipad ako sa bilis nang pagkilos ko hanggang sa makarating ako sa kuwarto ni Senyorito Finley. Tumigil muna ako sa nakasaradong pinto at saka bumuntonghininga.
Shet! Nakakapagod iyon, a. Para akong nag-exercise sa ginawa kong pagtakbo.
Hinawakan ko ang door knob at saka ko iyon pinihit. Mabuti na lang at bumukas iyon. Dahan-dahan ang ginawa kong pagtulak. Sumilip muna ako sa loob baka may baril na nakatutok sa akin ngunit mabuti na lang at wala. Tuluyan akong pumasok at isinara ang pintuan.
"Senyorito..." tawag ko ngunit walang sumagot. "Gising na po ba kayo? May klase pa po kayo," dagdag ko ngunit wala pa rin.
Kaya nilapitan ko na ang kama. May maliit munang hallway bago mo tuluyang makikita ang malinis at puting bedsheets ni Senyorito Finley. Kumunot ang noo ko nang hindi ko siya nakita sa kaniyang kama. Kaya pumasok ako ng banyo ngunit wala rin siya roon. Saktong paglabas ko naman ng banyo ay bumungad muli si Antie Dolly na nakasandal sa may edge ng pinto.
"Auhmm... Iyan ang napapala ng hindi pakikinig, ano?" aniya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Saan mo itinago ang mag-ama k—mag-ama?" tanong ko, muntikan pa akong ilaglag ng malanding pagkatao ko.
"Pinagsasabi mo? Naka-drugs ka ba hah?"
"Sagutin mo na lang ang tanong ko, Antie Dolly! Saan mo sila itinago?"
Ituro niya ako. "May sira yata iyang ulo, Drei. May pasok si Senyorito, na sa eskwelahan na siya. Dahil iyan sa kakapuyat mo, what if mamatay ka kakapuyat mo, hah?" Inirapan niya ako. "At na sa trabaho si sir, bakit mo siya hinahanap, aber? Jowa ka ba?"
"H-Hindi!" mabilis kong sagot. "I-I mean, hindi pa. Char! Tara na nga, kumain na tayo. Nagugutom na ako, e." Agad na akong lumabas ng kuwarto ni Senyorito at dumiretso sa kusina. Sakto namang handa na ang agahan namin, kaya agad na akong umupo at saka kumain.
- -
Alas-dose ang uwian nina Senyorito, kaya hindi na ako sumama pa sa pagsundo rito. Inutusan ko lang iyong driver na kunin siya sa eskwelahan. Inihahanda ko kasi ang sarili ko sa ano mang sasabihin nitong masasakit na salita sa akin. Ba't ba kasi ako napuyat?!
Inalala ko ang nangyari kagabi, iyong paglapit ng mukha ni sir sa akin at mabilis na pagdampi ng kaniyang labi sa matatamis kong - naputol ang ini-imagine ko nang may kotseng bumusina sa labas. Saktong nasa sala lang ako habang inaalipusta ang mga kasambahay rito at ako na ang nagprisintang buksan ang gate. Mukhang sila Senyorito na iyan.
Pero nang buksan ko ang gate ay hindi ang kotseng minaneho ng driver na inutusan ko ang bumungad, kundi ang mamahaling itim at makintab na makintab, kasing kintab ng ulo nung kilala kong Senator, ang bumungad sa akin. Kotse ito ni Sir.
Shuta! Ngayon ko lang din napagtanto ang lahat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang pagkatapos nitong ipasok ang kotse ay agad itong lumabas doon at tumingin sa akin. Lupa, lamunin mo ako ng buo! Hindi ko gusto ang kakaibang titig na ibinabato nito sa akin.
Nagsisisi na ako kung bakit pa ako lumabas sa kagabi at makialam sa problema niya. Ayoko na! Bathala ng mga bakla, ikaw na rito sa puwesto.
"N-Napaaga ho yata ang uwi ninyo," nauutal kong tanong nang makalapit ako. Hindi ko rin magawang tumingin sa mga mata niya nang diretso, dahil pakiramdam ko'y nilalamon ako nito ng buo.
"I forgot some important things in my room," aniya't mabilis na pumasok sa loob ng kaniyang bahay.
Nakahinga ako nang maluwag. Mukhang keme lang ni sir iyong kagabi na mag-pretend as his wife, 'di ba? Joke lang iyon! Pero ba't ganoon? Nakakaramdam ako nang pagkadismaya. Dismaya dahil mukhang hindi niya naalala iyong mga ginawa namin sa ibaba-char, wala talagang nangyaring ganoon. It was just all in my imagination. Pabarito ko kasi iyong krimstick nung bata ako.
Agad din naman akong sumunod sa pagpasok. Sakto rin na pababa na ito sa hagdan at mukhang babalik na sa kaniyang trabaho. Ano kaya trabaho ni Sir? Modelo kaya? Stripper? Pero ang layo ng mga iyon, feel ko drug dealer because he makes me crazy.
Tumigil ito sa paglalakad at tumingin sa direksiyon ko. Mabilis naman akong umiwas at tumingin sa punyetang flower vase na mas maputi pa sa akin.
"Prepare yourself because it's time for you to change, they wanted to meet you," anito at basta-basta na lang akong iniwan nang isang malaking katanungan.
Ano'ng ibig sabihin niya? Prepare daw? Sarili ko? Shet! Biglang nag-init ang magkabila kong pisngi nang mapagtanto ko ang sinabi niya.
Ihanda ko raw ang sarili ko dahil ipapakilala niya ako sa junjun niya mga accla!? Okay, time to clean my hole.
BINABASA MO ANG
Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) [Completed]
RomanceHenry Finn Alcantara: The Ruthless Daddy Written and Owned by IthinkJaimenlove Date started: October 31, 2021 Date finish: August 1, 2022 [DESCRIPTION] - Unofficial and can be changed. "You messed my life. Now, take the responsibility to stay with...