Chapter 6

13.1K 578 24
                                    

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 6

--

A N D R E I


Hindi ko talaga maintindihan ang mag-amang 'to. Sarap nilang pag-untuging dalawa. Ayoko ngang maupo rito sa harapan  dahil sa mas gusto kong katabi si Senyorito para magawa kong palihim itong makurot ng nail cutter. Pero heto ako, sis! Nakaupo sa passenger's seat habang nakatingin sa labas ng bintana.

Pinipigilan kong huwag lumingon sa puwesto ni Sir Henry. Pigil na pigil ako. Iyong tipong, natatae ka sa eskwelahan tapos mas bet mong magpigil kaysa ilabas iyon sa banyo niyong may napkin na nakasabit sa bintana. Ayokong lumingon sa kaniya dahil ang guwapo niya, baka hindi ko magpigilan ang sarili ko't mandilim ang paningin ko.

Ang sarap niyang itapon sa labas, kasama iyong anak niyang may saltik sa pag-iisip.

"DADDY, STOP THE CAR!!"

Dahil sa pagsigaw na iyon ni Senyorito Finley ay mabilis na inapakan ni Sir Henry ang preno ng kotse. At shutangina! Literal na nandilim talaga ang paningin ko't umiikot-ikot pa nang malakas akong nauntog sa unahan. Napadaing ako sa sakit. Para akong nahulugan ng isang buko, iyong berde pa ang kulay. Sapo-sapo ang noo na lumingon ako kay senyorito Finley dahil sa ginawa nito at ang demonyo, nakangisi lang na parang tuwang-tuwa sa ginawa niya.

"Are you hurt, Yayo?" Tumawa siya. "Next time, you should put your seat belt on po, okay?"

Gusto kong pumatay ng bata!

Mabilis kong hibubad ang tsinelas ko't papaluin sana siya nito ngunit may mabili na brasong pumigil sa kamay ko. Lumingon ako rito nang masama at ang seryosong mga tingin ni sir Henry ang sumalubong sa akin.

Shit! Bakit ka ganiyan makatingin, bebe?!

Umiling ito. "He's right. Dapat ay ikabit mo ang seat belt mo," sabi lang nito bago bitiwan ang kamay ko't nagpatuloy sa pagmamaneho.

Wow! As in wow na wow! Iyon na iyon? Hindi niya ba pagsasabihan ang anak niya dahil sa kawalanghiyaang ginawa nito sa akin? Aba'y kaya naman pala sila nilalayasan ng kanilang mga katulong dahil sa mga ugaling mayroon sila! Sila pala ang napakalaking problema!

Pero sino ba ako para sagutin siya? Siya lang naman ang nagpapasweldo sa akin at nagbigay ng advance na sweldo. Kaya wala akong nagawa kundi ang bumuntonghininga't bumalik sa pagkakaupo.

Pasimple ko na lang na ikinabit ang  punyetang seat belt at saka tumingin sa labas. Nag-iisip ako ng paraan para makaganti sa demonyong batang 'yan! Makikita niya! Hindi ako nagpapaapi at mabilis kinakarma ang nang-aapi sa akin dahil ako mismo ang karma.

Napangisi ako.

"Why are you smiling like stupid? Epekto ba iyan nang pagkakauntog mo kanina?" Nawala ang ngisi ko't tumingin dito.

"Wala po, sir. Masaya lang po ako, bawal po ba?" Napapailing na lang itong tumingin sa harapan.

Lumingon naman ako kay Senyorito Finley pero sana ay hindi ko na lang iyon ginawa dahil sa ang sama nitong makatingin sa akin. Aba naman! Siya na nga 'tong nangdedemonyo, siya pa may karapatang tingnan ako ng ganiyan? Pasalamat ka, kasama mo  Tatay mo ngayon dahil kung hindi, baka kanina pa kita pinasagasa sa bus.

--

Mabilis naman kaming nakarating sa eskwelahan ni Senyorito Finley. Unang beses akong makakapunta rito dahil nung dumating ako'y wala naman pasok ang alaga ko. Lumabas na ako ngunit nagtaka ako kung bakit hindi pa rin lumalabas si Senyorito Finley. Kaya nagkusa akong buksan ang pinto ng kotse.

"Senyorito, nandito na po tayo." Lumingon ito at saka sa kaniyang Daddy.

"I-I don't want to go to school," bigla nitong sabi.

Ano raw? Ayaw na raw niyang pumasok? Aba naman, ang galing ano? Nagsuot-suot pa siya ng uniporme, nagpahatid-hatid pa rito, at sa tingin ko'y nanghingi pa ito ng baon tapos hindi pala papasok?

Are you gagoing us, beh?

"Finley!" Napatalon ako sa gulat nang hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si sir Henry. Kaya bahagya akong umatras upang bigyan siya ng daan. "Huwag mong subukan ang pasensiya ko ngayon."

Napansin ko ang pagbabago sa ekspresiyon ni Senyorito Finley dahil sa sinabi ng Daddy niya. Mabilis naman nitong kinuha ang kaniyang bag at saka lumabas ng kotse. Hindi man lang ito nagpaalam dahil basta-basta na lang itong umalis.

Tumingin ako sa kaniyang Daddy na saktong nakatingin sa akin. "Go. Follow him," anito.

"Ah sige po, Sir. Mag-iingat ho kayo sa byahe." Ngumiti ako't saka mabilis na sumunod sa tiyanak.

Mabuti na lang at maliliit ang biyas nito, kaya kaagad ko siyang naabutan.

"Senyorito, sandali! Ano ba! Batang 'to naman, oh!" pagpipigil ko dahil ang bilis niyang maglakad.

"Stop following me, you gay! People were looking at us."

"Wow! Sarap mong batukan, a! Hoy, kay bata-bata mo pa, kung ano-ano na iyang sinasabi mo. Hindi tayo talo!"

'At saka, kay Daddy Henry lang ako.' Balak ko sanang idugtong iyon ngunit hindi ko na lang ginawa. Baka isumbong pa ako ng batang ito.

Mabilis kaming nakarating sa kaniyang classroom at kaagad naman itong pumasok sa loob. Hindi na ako tumuloy pa at sa mga benches na nasa labas ng kaniyang classroom ako pumuwesto.

"Bago ka?" Lumingon ako rito. Nakatingin ito sa akin. Nakasuot ito ng uniporme ng mga katulong. Kaya sa tingin ko'y katulad ko rin itong may alaga rito.

"Opo. Kayo po? Bulok na?" Tumawa siya. Mukha ba akong nagbibiro? Totoo naman kasing nabubulok na siya, nabubulok iyong ngipin.

"Sinong alaga mo? Si Mr. Alcantara?"

"May lahi ho ba kayong tsismosa?"

"Ito naman, nagtatanong lang, e. Kasi halos lingo-lingo may bagong tiga-bantay sa batang 'yan. Nagtataka lang talaga ako," sabi niya.

Ngumiti na lang ako't hindi na lang siya sinagot. Wala lang. Ayoko na siyang magsalita pa dahil nalalanghap ko iyong masang-sang na amoy sa kaniyang bibig. Baka imbornal ang tubig nito sa pinagtatrabauhan niya.

Anyways, eheeem! Napapa-English na naman ako.

Iyon na nga. Dahil nasa tabi lang bintana nitong classroom ng alaga ko ang puwesto namin. Sumilip ako sa loob at inilibot ang tingin upang hanapin si Senyorito. Napakunot ang noo ko nang makita ko itong nakaupo lang sa kaniyang upuan, nakayuko. Habang ang mga kaklase niya'y masayang nagkukulitan dahil hindi pa dumarating ang kanilang Teacher.

"Andiyan na si Sir Saul!" Kaagad ko namang ibinaling ang tingin ko rito nang tumili itong katabi ko. Sinundan ko ang tinitingnan nito't dumako iyon sa naka-unipormeng guro. Kulay Asul ang polo nito na may logo sa ng eskwelahan sa bandang dibdib.

Iniangat ko ang tingin at tila ba huminto ang mundo sa pag-ikot nang magtagpo ang aming mga mata. Ang guwapo niya, ses! Para siyang korean. Korean pornstar na nakikita ko sa Twitter. Char! Pero seryoso ako na ang guwapo niya tapos bagay na bagay pa sa kaniya ang suot nitong uniporme. Mas lalo siyang pumuti at saka, bakit siya nagliliwanag?

Ano kayang sabon ni Sir?

"Good morning, sir!" masayang bati ng mga kasama kong katulong dito sa labas nang makalapit ito sa puwesto namin. Tumigil siya't saka kami tiningnan isa-isa habang may ngiti sa kaniyang labi.

Sir, hindi ho kami ang estudyante niyo!

"Good morning, guys," aniya at saka tumuloy na papasok sa loob.

"OMG, 'teh! Tiningnan niya ako! Eye to eye! As in! Kinikilig ako. Puwede na yata akong mamatay ngayon!" Napanganga ako sa sinabi ng katabi ko kaya tumingin ako rito.

"Sa labas po kayo ng campus magpakamatay, baka multuhin pa itong eskwelahan ng mga bata," sabi ko at saka ngumisi. Inirapan lang niya. Siya pa galit sa lagay na 'yan, a!

*****

©IthinkJaimenlove

Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon