THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 42A N D R E I
Nakaka-stress talaga 'pag sobra mong ganda. Iyong tipong hindi ka magkandaugaga sa mga gagawin mo dahil hirap na hirap ka na, pero nanatili ka pa ring maganda. 'Yan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Gulong-gulo na ang isipan ko, pero maganda pa rin naman ako. Hindi puwedeng hindi tayo maganda.
Ewan ko ba sa takbo ng buhay ko ngayon. I never thought that-charot ba't ba ako napapa-english? Iyon na nga, hindi ko naman inaasahan ang lahat ng ito nang una ako tumapak dito sa Manila.
Well, yes, siguro. Inasahan kong may mahuhulog sa ganda ko. Pero hindi pumasok sa isipan ko ang maraming balakid.
Sino ba kasing producer, director, at script writer ng buhay ko nang makapag-meeting kamiʼt ibahin na lang ang takbo nito? Like, ako si Darna na ibang bato ang nilulunok! Mga ganoon. Ayoko nito. Ang complicated ng buhay ko.
Gusto ko na lang maging bato sa gilid o cactus, para kahit ibato ako o hawakan ako, hindi ako ang masasaktan.
Bakit ba kasi ako napunta sa sitwasyong ito? Bakit ba kasi ako naging maganda kahit may tit-kahit may buntot ako sa harapan? Napakahirap sagutin.
Bumuntonghininga na lang ako at lumabas na ng aking kuwarto. Madilim na pala ang paligid. Hindi ko man lang namalayan. Nag-marathon kasi ng mga movie ni Malik Delgati. Ang poge-poge rin kasi nun, dzai!
Pagpasok ko sa kusina nitong bahay nina sir Henry ay tahimik ang lahat. Kumunot ang noo ko. Hindi kasi ako sanay, lalo na itong si Mirabellat na kumakain ng strawberry. Tsismosa ito, e. Pati yata aso ng kapitbahay nina sir Henry, may dalang tsismis na kesyo nasalisihan daw ng Aspin.
Lumapit ako rito at kumuha ng isang strawberry at mabilis iyong kinain. Napatingin siya sa akin pero tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Tangna mo naman, Drei! Binili ko 'yan online at alam mo bang ang mahal-mahal niyan tapos kukuha ka lang ng hindi nagpapaalam?" Masama siyang nakatingin sa akin pero bilang isang magandang dilag kahit kailan hindi kakalat ang lahi, ngumiti ako.
"Magkano ba, beh? Mag-wi-withdraw ako mamaya, babayaran kita, doble pa!" sabi ko sabay irap sa kaniya.
"400 iyang isa!"
Nanlaki ang mga mata ko't mabilis na tumingin sa kaniya. "4-400?" ang hindi ko makapaniwalang tanong. Ang liit-liit ng kinain ko, tapos ang mahal-mahal. Ilang kilo na ng bigas mabibili ng 400 na iyon!
"Oo. May pangbayad ka ba?"
Ngumisi ako at saka siya sinagot, "utang muna, teh. Bawi na lang next life. Saka alam mo ba, first time kong matikman ang strawberry. Ganoon pala ang lasa? Isa pa nga." At kumuha na naman ako ng isa't mabilis iyong kinain.
"Masarap?"
Tumango ako. "Sarap pala, kahit medyo maasim. Isa-" Mabilis niya akong tinapik at dinuro-duro gamit ang wait, saan 'to nakakuha ng kutsilyo? Wala namang kutsilyo rito sa mesa, a?
"Gusto mo na bang mauna sa impyerno, bakla? Baka lang naman." Nakakatakot na ang tingin ni Mirabellat sa akin at mukhang hindi talaga siya nagbibiro.
Tumawa ako at tinapik ang kaniyang balikat. "I-Ikaw naman, 'teh. Hindi ka na mabiro. Sige, pupuntahan ko lang alaga ko. Salamat sa strawberries!" sabi ko at mabilis na lumabas ng kusina.
Pero hindi pa ako nakakarating sa kuwarto ni Senyorito Finley ay napatigil ako nang makasalubong ko si Sir Henry. Malas! Sa dinami-rami ng makakasalubong ko ay iyong taong gusto ko ng iwasan. Puwede namang si kamatayan na lang.
Char! Ayoko pang mamatay, ikakalat ko pa ang lahi ng mga magaganda.
Nagkunwari akong hindi siya nakita at lalampasan na sana siya nang mabilis nitong nahawakan ang braso ko. Babawiin ko na sana ngunit hindi ako nakaangal nang siya namang pagkaladkad niya sa akin patungo sa isang kuwarto dito sa baba. Isinandal ako nito sa pinto ng nakasaradong kuwarto at kinulong gamit ang kaniyang naglalakihang mga braso.
Tumingin siya sa aking mga mata. Tumingin din ako roon ngunit mabilis akong umiwas. Para itong nag-aapoy na hindi ko mawari kung ano'ng ipinapahiwatig, at bakit ang lalim ko na magsalita?
"Why are you avoiding me, Andrei? Did I do something that's makes you mad at me?"
"B-Ba't naman po kita iiwasan?" tanong kong hindi pa rin makatingin sa kaniya ng diretso. Ang mga mata ko'y diretso sa kaniyang dibdib, isang polong puti lang ang suot niya't nakabukas pa ang tatlong butones nito sa itaas.
Mukhang kararating lang nito sa trabaho. Pero kahit maghapon si Sir sa trabaho ay ang bango pa rin nito. Rawr!
Pero mabalik tayo sa tinanong nito, hindi ko naman talaga siya iniiwasan ng dalawang araw. Sadyang abala lang kaming pareho sa mga gawain namin. Siya sa trabaho, habang ako nama'y dito sa kaniyang bahay at sa pag-aalaga kay Senyorito. Madalas nga, sa kuwarto kami ni senyorito nagkukulong at nanonood maghapon ng bold. Siya namaʼy gabi na kung umuwi. Kaya malamang, hindi kami magkikita rito sa kaniyang bahay.
"Look me in the eyes and answer me," sabi nito pero hindi ko siya pinakinggan. Hindi ko kaya, kasi kapag ginawa ko iyon baka mapaluhod ako rito bigla dahil sa nanlalambot na ang mga tuhod ko sa kaba.
Bakit ba kasi sobra nitong lapit? Puwede naman kaming mag-usap ng hindi ganito kalapit sa isa't isa, na halos maamoy na nito ang maasim kong leeg.
"H-Hindi ko nga po kayo iniiwasan, busy lang po talaga kayo." Pero parang wala itong narinig nang bigla-bigla na lang niyang hawakan ang baba ko't iharap sa kaniya. Ngayo'y magkasalubong na ang mga mata naming dalawa.
Seryosong-seryoso itong nakatingin sa akin. Ako nama'y tinotodo na ng puso ko ang pagkabog dahil sa kaba. Aatakihin yata ako sa puso ng wala sa oras nito.
"You're lying, Andrei. I could see it in your eyes. Tell me, what's the problem? Ayoko ng ganito, I want you to tell me the problem so I can fix it. Nagsisimula pa lang tayo pero nagkakaproblema na," sabi niyang halos hindi ko na maintindihan dahil sa bilis ng tibok ng ponyawa kong puso.
Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko upang sagutin siyaʼy bigla na lamang ako nitong hinalikan sa labi. Hindi ko napaghandaan ang paghalik nito. Kaya nakadilat ang mga mata ko habang nakadampi ang kaniyang malambot na sa labi sa dry at nagbabalat kong labi. Sana sinabi niya, para naman makapag-lip gloss ako!
Bumitaw siya't tumingin muli sa akin. "No matter what will happen or whoever else hindered the two of us, I won't let them. Hinding-hindi ako makakapayag na layuan mo ako, tandaan mo 'yan!" At muli na naman ako nitong hinalikan.
Mali yata itong napasok kong trabaho. Maling-mali. Kahit pa sinabi nitong hindi niya hahayaan ang kahit na ano mang mangyari, mali pa rin sa mata ng iba. Lalong-lalo na sa mata nung Tatay niyang hindi pa yata nakatikim ng kapareha.
Pero, poge naman si Sir Henry. Pumikit na lang akoʼt nagpatianod sa agos ng aking damdamin.
Mali sa paningin ng iba, edi pumikit sila!
BINABASA MO ANG
Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) [Completed]
RomanceHenry Finn Alcantara: The Ruthless Daddy Written and Owned by IthinkJaimenlove Date started: October 31, 2021 Date finish: August 1, 2022 [DESCRIPTION] - Unofficial and can be changed. "You messed my life. Now, take the responsibility to stay with...