Chapter 3

14.2K 614 39
                                    

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 3

-

ANDREIʼS POINT OF VIEW

Dzai! First day pa lang ng trabaho ko, pero kumukulot na agad ang mga bulbul ko. As in! Naii-stress ako sa ugali ng batang ito. Tama nga ang sabi sa akin sa description na binigay ng auntie ng baklitang si Berting. Na hindi basta-basta ang trabaho ko rito.

Akala ko pa naman ay anghel iyong batang iyon. Nagkakamali pala ako! Isa pala siyang tiyanak! Demonyo! Hinayupak! Shutangina! Naiinis ako sa ginawa niya. Naku! Kung hindi ko lang talaga siya amo, baka matagal ko nang sinakmal ang leeg niya hanggang sa maubusan siya ng hininga.

Pero mahal ko paʼng buhay ko. Keri ko pa naman ang ginawa nitong pagbato sa akin ng itlog. Iyong nilagang itlog talaga ang ibinato sa akin pagkapasok ko pa lang sa kaniyang kuwarto.

Puta, beh! Hindi ko alam saan nakakuha ang batang ito ng nilagang itlog. Ayos lang naman sana kung itlog ng poge, kaso ang sakit sa ulo, sis!

“Ayos ka lang, Andrei?" Tumingin ako kay Ante Dolly nang pumasok siya rito sa kusina, kung saan ako tumakbo upang kumuha sana ng kutsilyo at pagsasaksakin ang batang iyon. Pero hindi ako natuloy dahil ang sakit ng bukol sa ulo ko, ses!

"Sa tingin mo, Ante? Ikaw kaya ang batuin oo ng nilagang itlog?" pilosopo kong sabi rito. Naawa naman itong tumingin sa akin. Mukha ba akong kawawa? "Huwag nga ho kayong tumingin ng ganiyan, malayo ho 'to sa bituka. Dahil ulo ko ang tinamaan hindi tagiliran," dagdag ko pa.

Pinakaayaw ko sa lahat ay kawawain ako ng kung sino. Kaya hangga't kaya ko, ayaw kong ipakita sa kanila na nahihirapan ako. Keri ko pa naman 'to! Hindi talaga masakit, promise! Mamatay man ang anak ni Boss Henry. Char!

"Pasensiya ka na, Drei. Napakademonyo talaga ng ugali ng batang iyon. Ganoon talaga kapag lumaking hindi kasama ang mga magulang," sabi nito na ikinagulat ko nang husto.

Umiling-iling siya na tila ba hindi makapaniwala sa ugali ng batang iyon. Ako rin naman, noong una ay akala ko talagang mabait ito pero beh! Hindi ko keri ang ugali niya. Tawagin ba naman akong faggot? Ano bang ibig sabihin niyan?

"Bakit po? Nasaan ho ba ang mga magulang niya? Ampon  ba siya?" sunod-sunod kong tanong, hindi naman sa nangingialam sa buhay nang may buhay pero kailangan lang ng nating ng konteng impomasyon tungkol sa target natin. Hindi ba?

Naupo si Ante Dolly sa bakanteng upuan sa tabi ko. Napansin ko ang pagbuntonghininga niya at saka nagsimulang magkuwento. Hindi ko kinaya ang talambuhay ni Senyorito Finley, sis! Kaya nga nang matapos magkuwento si Ante Dolly ay nagpupunas na ako ng aking mga luha.

Nakakaiyak! Puwede nang pang-SOCO ang kwento niya.

“Naaawa nga ako sa kaniya. Kaya siguro siya ganiyan ay dahil gusto niya ng atensiyon ng kaniyang ama, pero sadyang wala talagang pakialam si sir Henry sa anak," dagdag pa nito.

Puwede na siyang maging tsismosa ng taon dahil sa rami ng kaniyang nalalaman. Kailangan na siguro siyang ipatumba, hano?

Bumuntonhininga ako. Himas-himas ko pa rin ng cold compress iyong bukol sa ulo ko habang nag-iisip nang malalim. Tama si Ante Dolly, kawawa nga talaga iyong batang iyon. Kulang sa uraga!

"Hey, Faggot! Why didn't you bring me snacks?!" Nagulat ako nang pumasok sa kusina si Senyorito Finley na nakasuot na nang pangtulog. Gabi na rin kasi at kakatapos lang nitong kumain kanina nang pinuntahan ko siya upang sanaʼy painumin ng kaniyang vitamins. Pero ang tiyanak, pinagbabato ako ng itlog na ako rin ang nagligpit kalaunan.

"Hoy ka rin! Kita mo nang masakit pa 'tong ginawa mong kawalanghiyaan!" Sinamaan ko siya ng tingin at nang tumingin ako sa tabi ko'y biglang naglaho si Ante Dolly. Saan nagpunta ang babaeng iyon? The flash ka, beh?

"Stupid!" singhal nito at mabilis akong tinalikuran.

Hindi ko na lang siya sinundan pa. Bahala siya sa buhay niya. Niligpit ko na lang ang mga ginamit kong pangpawala ng kirot sa bukol ko at saka ko pinatay ang ilaw sa kusina. Umakyat na muna ako sa kuwarto ni Senyorito Finley at bahagyang sumilip doon, nanatiling nakabukas ang television sa kaniyang kuwarto kaya unti-unti akong pumasok.

Naabutan ko siyang nakahiga na sa kama at nanonood. Anong oras na, bakit gising pa ito? Hindi sa pinag-o-overthink ko siya pero paano kung mamatay siya kakapuyat?

"Senyorito, ibiniliin po sa amin ng iyon Daddy na matulog po kayo—"

"Shut up! Can't you see I'm watching? Get out!" sabi nito nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

Tumingin ako sa pinapanood niya at nagulat ako nang nanonood siya ng por-char! Marvel movies talaga. Alas-diyes na ng gabi. Kaya kinuha ko ang remote ng kaniyang TV at pinatay iyon. Mabilis siyang tumingin sa akin nang masama, pero hindi ako nagpatinag at tumingin din sa kaniya.

"Matulog ka na! Bukas mo na lang ipagpatuloy ang panonood," sabi ko rito at tatalikod na sana ngunit natigilan ako nang bigla itong umiyak.

Bes! Gulat akong napatingin dito. Kaya taranta akong lumapit sa kaniyang ngunit pinagsisipa lang niya ako. Natamaan pa tuloy ang bukol sa noo koʼt dahilan nang pag-atras ko dahil sa kirot.

Sasabog yata ang ulo ko sa batang ito!

"ANO'NG NANGYAYARI DITO?!" Mabilis akong napalingon dito nang bigla-biglang pumasok dito ang kaniyang shet! D-Daddy!

Nawala yata iyong kirot ng bukol ko nang mapatingin ako sa kaniyang katawan. Dzai! Hindi ko na keri, para akong hihimatayin. Hindi ko na talaga kaya. Biglang nandilim ang paningin koʼt ang huling naaalala koʼy mabilis na yumakap ang malulusog na braso ni Daddy Henry sa katawan ko upang ako'y saluhin.

Mataas na ang sikat ng araw nang maimulat ko ang mga mapupungay kong mga mata. Pinagmasdan ko ang buong kuwarto kung nasaan ako ngayon, at sa pagkakatanda koʼy hindi ito ang kuwarto ng mga katulong.

May king size bed, malawak ang espasyo, at malinis din dito sa loob. Nanlaki ang mga mata ko nang bumukas ang isang pinto rito at lumabas doon si sir Henry, na tanging suot ay isang manipis na pajama lang.

Bakat!

"You're awake," aniya habang walang buhay na tumingin sa akin.

"B-Bakit po ako nandito?" iyan ang unang lumabas sa aking bibig. Nanatili akong nakaupo sa kama habang naguguluhang tumingin sa kaniya, na paminsan-minsang pinapasadahan ng tingin ang kaniyang kabubuuan.

Daddy!

"Nahimatay ka kagabi dahil sa kagagawan ng anak ko, at dito na kita dinala dahil ayaw kong istorbuhin ang mga kasambahay sa baba," sagot niya.

Kaagad naman akong bumaba sa kama. "M-Maraming salamat po! B-Babalik na po ako sa trabaho," sabi ko't naglakad na papalabas ng kaniyang kuwarto ngunit natigilan ako nang siya ay magsalita.

"I'm sorry for what my son did to you."

Lumingon ako rito at ngumiti. "Ayos lang po, naiintindihan ko ang ugali ng anak niyo." Tumango lang siya bilang sagot. Kaya lumabas na rin naman ako.

Ayokong magtagal doon kahit gustuhin ko man. Basta! Biglang nag-init ang malandi kong katawan na itinatago-tago ko. Pero dahil sa hubad na katawan ni sir Henry na parang katawan ng mga Japanese Porn actors! Bigla akong sinilibahan.

Sheit! Kasalanan talaga ito ni Berting, nilason niya ang katawan ko. Papakulam ko talaga ang baklang iyon kahit hindi siya tinatablan.

©IthinkJaimenlove

Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon