Chapter 46

8.1K 361 45
                                    

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 46

A N D R E I

    “Ano’ng ginagawa mo rito? In English, what is your doing here?!” taas-kilay kong tanong sa buwakanangshit na ‘to na kay aga-agang pumunta rito sa pamamahay namin.

Akala ko ba’y nasa impyerno na ito’t nagpapaalipin kay Satanas? ‘Di ko alam na masama pala siyang damo’t kay tagal mamatay. Napapa-english tuloy ako dahil sa kaniya. Baka gusto pa nitong mamura ng ‘damn’ ‘fck’ at ‘shit?’ o ‘di naman kaya’y ‘tangina’ na pinakamalutong sa lahat?

“Andre—“

“’Wag na ‘wag mo ‘kong matawag-tawag na Andrei!” inis kong sabi at saka isasara na sana ang pinto ng aming palasyo nang may isa na namang nakakarinding boses akong narinig.

“Bakla!” sigaw nito’t dali-dali lumapit sa harapan ng aming bahay, katabi nito ang hayop.

Tumaas ang kilay ko nang siya’y tumingin sa akin. Ngumiti siya at saka tinuro niya, gamit ang nangingitim na niyang nguso, ang katabi.

“Oh, ano ngayon?!” tanong ko.

‘Di ko na mapigilan ang inis ko. Pakiramdam ko’y may dalaw ako o ‘di kaya’y naglilihi. Ngunit sana’y ‘wag si Berting ang paglihian ko. Dahil kapag naging kamukha niya magiging anak ko, baka lunukin ko pabalik ang bata!

“Nagkita na pala kayong muli ni Max,” sabi ni bakla at saka ngumisi. “So, kumusta? Muling ibalik na ba ang tamis ng pag—“

Sinamaan ko siya ng tingin na nakapagpatigil sa kaniya sa dapat niyang sasabihin. O bakit ‘di niya ngayon matuloy? Natatakot ba siyang makipagpalit ng mukha sa tsinelas na hawak ko ngayon?

“Umuwi na kayong dalawa. Kay aga-aga, sinisira niyo ang araw ko.” Tumingin ako kay Max. “Lalo na kana. Baka hinahanap ka na ng Nanay mong mas mukha pang bakla sa akin,” sabi ko at tuluyang isinarado ang pinto ng aming bahay.

“BAKS! HOY! DIYAN AKO MAG-AALMUSAL!” sigaw ni Berting sa labas ng bahay. Wala talagang hiya kahit kailan.

“UWI!!” sigaw ko pabalik at saka bumalik na sa loob ng kusina.

Bumuntonghininga ako. Kinabahan ako ng very slight nang makita ko si Max, ang ex-boyfriend kong ‘di pa ako sigurado kung minahal ba niya ako o ginawa lang akong bank account. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko’t bakit mapagbigay ako? Kaunting kalabit lang nito sa akin, isang libo agad ang hinuhugot ko sa aking bulsa.

Kaya siguro ang daling masaktan ng mga bakla. Kapag nagmahal ay halos makalimutan na ang sarili, mapasaya lang ang lalaking mahal nila. Bumibigay agad sila. Marupok, kumbaga. ‘Eto namang mga lalaki’y tingin nila sa amin ay pera. Pati yata mga pangit, nakukuhang manghingi ng pera sa mga bakla. Excuse me lang, may taste po kaming mga bakla.

Guwapo si Max. ‘Di gaanong kahubog ang katawan nito noong maging kami. Pero ngayo’y muntik ko pang ‘di makilala dahil sa ganda ng katawan niya. Kung noon ay may kaunting pimples pa siya, ngayo’y ang kinis-kinis na niya. Ilang taon na ba? Limang taon? Hindi ko na matandaan. Ang alam ko lang, dati akong uto-uto at tanga.

Naghiwalay kaming dalawa dahil sa Ina niyang ‘di ko alam kung saan nagmula. Noon kasing ‘di na bumibenta ang mga paninda ko’t ‘di ko na nabibigyan ng pera si Max, doon naman nagpakita ang bruha’t sinabing hiwalayan ko ang anak niya kundi kakasuhan daw ako nito ng rape at child abuse.

Gago ba siya?! Dalawang taon ang tanda ni Max sa akin at kahit kailan, walang nangyari sa amin maliban sa halik. Kung alam ko lang na isa rin ito sa mga nakikinabang sa mga perang ibinibigay ko noon sa anak niya, baka nakalbo ko na ito.

Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon