Chapter 30

10.3K 426 67
                                    

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 30

A N D R E I

-


Ang mumukbangin natin ngayong gabi ay sama ng loob na isinawsaw sa magulong damdamin. Sa magulong isipan. Sa magulong–buwakanangshit!

Chariz!

Pero masama talaga ang loob ko kay Sir Henry. E kasi naman, inasahan ko na sasabihin nitong, “lumapit ka sa 'kin, Andrei at kumandong ka sa aking mga hita.” Mga ganoon linyahan. Pero ang yawa, ginulo lang ang damdamin ko.

Akala ko pa naman, magmumukbangan na kaming dalawa. Iyon pala, magsasarili lang ako. Isa pa bakit niya ba iyon sinabi? Ano'ng ibig niyang sabihin? Ni hindi man lang niya ako hinayaang magsalita at linawin sa kaniya ang lahat. Basta-basta na lang niya akong pinalabas sa kaniyang opisina.

Nakakairita din na hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko–sa hindi ko malamang dahilan. Kagagawan ba ʼto ng mga masasamang yokai? O baka may orasyon ang yawang Marlou na malayong maging kamukha nung kilala kong Marlou sa social media.

"Hayst!"

Bumuntonghininga ako at saka naglakad na patungo sa kuwarto ni Senyorito Finley. Nawala sa isipan ko na kailangan ko pa palang humingi ng tawad sa alaga ko. Sa dami ba naman ng gumugulo sa isipan ko, malamang ay makakalimutin ko na si Senyorito.

Kumatok ako ng tatlong beses. Walang sumagot. Hindi rin bumukas ang pinto. Kumatok ulit ako ng tatlo pang beses. "Senyorito," sabay sabi ko. Ngunit wala akong narinig sa likod ng pinto. Tiningnan ko ang door knob at sinubukang buksan iyon ngunit naka-lock.

Nagjajako–jackstone kaya siya sa loob?

"Huy, baks. Ginagawa mo diyan?" Mabilis ko itong nilingon pero sana hindi ko na ginawa. Ang nakabwesit na mukha lang kasi ni Mirabel ang makikita ko. Kaya gumuho si Casita dahil sa buwakanang ʼto, hindi kasi matanggap ni Casita na pangit siya.

Pinaikutan ko siya ng mata. "Duh! Bulag ka ba, beh?"–Tiningnan ko siya mula ulo mukhang paa–"Hindi mo ba nakikitang nakatayo ako?"

Namewang siya sabay taas ng drawing niyang kilay.

"Alam mo, hindi kita ma-gets. Kung bobo ka o talagang bobo ka na in the first place! Common sense ba, beh! Mindset-mindset!"

Aba! Nakuha pa akong pangaralan ng hinayupak na ʼto. For her information, hindi ako bobo. Dati akong honor student noong nag-aaral pa ako, kasi masipag ako at close ko mga teachers sa school. Isampal ko pa sa kaniya ang loyalty award ko noong elementary e.

Pero hindi ko na lang siya sinagot. Pagod ako. Pakiramdam ko kasi ay ang dami kong ginawa samantalang wala naman. Siguro, pagod lang ang bunganga ko sa kakasalita at maging ang isipan ko sa kakaisip ng mga sinabi ni Sir Henry sa akin.

Asawa ko raw siya? Kailan pa? E 'di ba nga, peke lang ang lahat. For the show? Clout chasing? Pagpapanggap? Para lang hindi kunin ng mga magulang nang dati niyang asawa si Senyorito.

Pero bakit niya ba kasi iyon sinabi? Pakiramdam ko kasiʼy totoo. Umaasa ako. Kasi bakla ako...madaling paasahin, madaling utuin. Pakitaan mo lang ng motibo, kikiligin naʼt mangagarap na agad. Ganoon ako at alam ko, hindi lang ako. Marami akong kilalang bakla na assuming, kaya marami din sa kanila ang nauwing luhaan.

At kahit gaano ko kagustong pigilan ang damdamin ko. Hindi ko kaya. Hindi ko rin alam kung papaano ko iyon gagawin.

"Hmp! Natulala na ang gaga!" narinig kong sabi ni Mirabel bago ako nito tinalikuran. Napabalik din ako sa reyalidad at mabilis siyang piniglan. Agad din itong lumingon na nakataas ang kilay.

Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon