Chapter 22

11K 437 30
                                    

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 22

--

A N D R E I

Tuliro, balisa, wala sa sarili, at parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Nasasaktan, halos hindi na ako makakain nang maayos, at ang pusoʼy wasak na wasak dahil sa ginawa niyang pananakit.

Charooot!

Ang totoo niyan, nawawala lang ako sa katinuan sa mga oras na ʼto. Halos malibot ko na yata ang buong mansion nina Sir Henry dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Katapusan ko na ba? Katapusan na ba namin ni Sir dahil sa katangahang nagawa ko?

Bakit kasi sa dinami-rami ng convenient store dito sa mundo, doon pa talaga bumili ng condom iyong hayop na iyon?! Oo! Nakita kong may hawak siyang box ng condom noong lumapit siya sa akin upang iligtas ako sa kahihiyang nagawa. Pero bakit nga roon pa siya bumili? Bakit sa kaparehong araw pa kung kailan nag-crave ako ng softdrinks na may picture ng poge?!

Sana nag-adjust na lang siya, 'di ba? Nakakainis! Wala ba siyang sariling isipan? Natatakot na tuloy akong lumabas ng bahay dahil baka iyong hayop na kung sino mang pangalan niya ang makita ko.

Sisisihin ko talaga siya kapag nawalan ako ng trabaho nang hindi nakakatikim ng poge rito sa syudad.

"Yaya, you looked stupid." Nanlaki ang mga mata kong tumingin dito. Nakangisi siya habang may hawak ng bowl na may lamang popcorns.

Nandito kami ngayon sa kanilang movie room kung saan nagyaya itong isa pang demonyo na manood ng Hentai-char, ng Anime talaga iyon. Pero imbes na ituon ko ang sarili sa pinapanood, lumilipad ang isapan ko sa kung ano'ng mangyayari sa akin kapag nalaman ng mga byanan ni Sir Henry na hindi ako babae at nagpapanggap lang na girlfriend ni Sir. Baka nga ipakulong nila ako. Hindi ko alam kung anong kaso, pero posible iyon sa mga mayayaman.

Kung puwede nga lang magsangla ng kaluluwa sa demonyo para lang makalimot iyong lalaking iyon na bakla ako. Isasangla ko ang kaluluwa ni Berting o ni Aunti Dolly, pareho naman silang mukhang alipin ng mga demonyo sa nakikita kong mga palabas.

"Yeah. I know you're stupid but I didn't know you could be so stupid."

"Hoy! Namumuro ka ng bata ka. Gusto mo 'balik kita sa sinapupunan ng nanay mo?" Sinamaan ko siya ng tingin, para sana takutin ngunit ang demonyo ay ngumisi lang at saka ibinalik ang pansin sa malaking TV na nasa aming harapan.

"Nah. You can't do that. My mom died when I was a little, they say."

Parang normal lang sa kaniya sabihin na namatay ang kaniyang ina. Pero kahit anong tago niya sa totoong nararamdaman niyaʼy ramdam ko na nangungulila siya sa kalinga ng isang ina.

"Ewan ko sa ʼyo. Huwag mo na lang akong pansinin, may problema na nga ako't dumadagdag ka pa," sabi ko. Hindi na rin naman siya sumagot pa at itinuon na lang ang sarili sa harapan.

---

Alas-siyete na ng gabi nang matapos si Senyorito manood ng Hentai sa kanilang movie room. Saktong tapos na rin si Aunti Dolly na maghanda para sa kaniyang hapunan. Kaya sa kusina kami dumiretso, kung saan naabutan namin si Sir Henry na mukhang kanina pa naghihintay.

"Good evening po, Sir. Nakauwi na po pala kayo," pagbati ko, sinubukan ko pang ngumiti nang tumingin siya sa akin. Ngunit wala man lang akong nakitang reaksiyon o ni ang pagtango sa kaniya, dahil agad itong tumingin sa kaniyang pagkain at ito'y sinimulang kainin.

Sana pagkain na lang ako, ano? Char!

Pero bakit kaya hindi man lang ako nito tinanguan? Sandali! Hindi kayaʼy may nakarating ng balita sa kaniya na nalaman nung demonyong iyon na hindi talaga ako babae? Napalunok ako at mabilis na lumabas ng kusina, dumiretso ako sa aming tinituluyan dito sa mansion kung saan naabutan ko si Aunti Dolly na kakalabas lang sa kaniyang kuwarto.

"Oh, Andrei, ba't tila nagmamadali ka?" tanong niya, nakakunot ang noo at puno nang pagtataka ang kaniyang mukha.

Tumingin ako rito. "Wala kang pake!" sabi ko't mabilis na pumasok sa loob ng aking kuwarto.

Pagkasaradong-pagkasarado ko sa pinto. Agad kong hinubad ang shorts na suot ko't nag-finge-char! Hinanap ko ang cellphone kong mamahalin. Nanginginig pa ang kamay ko habang dina-dial ang numero ng pinakapangit sa balat ng lupa, si Berting.

"Hello, sino ʼto?" tanong nito at ang taray ni bakla, ang lalim ng boses. Barakong-barako. Pero kung makikita mo lang siya sa personal, mabahong-mabaho.

"Baks, ako lang ʼto!"

"Eh sino ka nga?! Scammer ka, ano?"

Napapikit ako't sinubukang ikalma ang sarili. Baka kapag namuro ito sa akin ay hahablutin ko talaga ang leeg niya over the phone! Makikita niya ang sakal via internet.

"Tangna mo, Berting! Nawalan ka na ba ng utak at nakalimutan mo na ang maganda kong boses?!" singhal ko, pero hindi ko naman nilakasan dahil baka marinig ako sa labas. Mahirap na. May pagkatsismosa pa naman ang mga kasama ko, lalo na iyong babaeng cook na walang ibang ginawa kundi ang maging call center sa gabi. Minsan naririnig ko pang umuungol si gaga habang may katawagan.

"Andrei!"

"Oo ako nga. Na-miss mo ba ako, butanding?!"

"Gaga! Hindi 'no! Assuming ka masyado," anito sa kabilang linya. Hindi ko na lang masyadong pinansin.

"Kumusta nga pala sina Mama at Andrea?" mahinahon kong tanong.

"Maayos naman ang pamilya mo, 'teh. Iyong mama mo, nakakapaglakad na at nagtotong-its na sa kabilang purok. Tapos si Andrea, ayon nag-aaral pa rin naman. Walang bago. At ako naman-"

"Huwag na, hindi ako interesado sa buhay mo."

Bumuntonghininga ako. Masaya ako na malaman kong nasa mabuting kalagayan na sila, na walang nangyayaring masama. Dahil kung mayroon man, ihuhulog ko talaga sa bangin si Berting.

"Eh ikaw, ayos ka lang ba dyan?" tanong nito na biglang nakapagpatigil sa akin.

Ayos lang ba talaga ako? Hindi ko alam. Lalo na ngayon, nasa isang sitwasyon ako na mahirap lampasan. Nakasalalay ang trabaho ko rito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nawalan ako ng trabaho. Papaano na ang hanapbuhay namin? Ayokong bumalik sa pagiging souvenir vendor sa bayan. Napapagod na akong sumigaw nang sumigaw na wala namang bumibili sa paninda mo, dahil iyon nga, kakaunti lang turista sa amin.

Ayoko nang bumalik sa kakarampot lang na kita, na halos hindi magkasya sa pang-araw-araw naming buhay.

"O-Oo naman. Mabait ang mga amo ko at saka masarap," sabi ko, sinubukang pasiglain ang boses nang hindi niya mahalatang kanina pa ako kinakabahan.

"Masarap? Natikman mo ba?"

"'Di pa, beh! Soon!" sagot ko't sabay kaming tumawa.

Nakipagkwentuhan pa ako kay Berting ng ilang minuto. Ang gaga, nasa parlor daw at magpapa-rebond. Shutang iyan! Anong ipapa-rebond niya? Iyong pubic hair niya?

Naputol lang ang kwentuhan namin nang ipatawag ako ni Sir Henry. Kaya kahit kinakabahan, wala akong magagawa kundi ang harapin ito. Kung paaalisin na niya ako dahil lang sa nalaman nung lalaking iyon ang totoo, wala akong magagawa. Alam kong naiipit lang ako sa sitwasyon hindi ko naman ginustong mangyari, ngunit sino ba naman ako para umangal? Mahirap, walang kaya, at walang kalaban-laban ʼpag pera na ang pinag-uusapan.

Ganda lang. Iyan lang ang alam kong laban ko. At saka... Magaling din pala akong mag-BJ! Char!

Lumabas lang ako ng kuwarto matapos kong bumuntonghininga ng halos isang daang beses.

Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon