Chapter 2

39.5K 946 62
                                    

Kinabukasan ay pumasok siyang namamaga ang kaniyang mga mata dahil sa pag-iyak buong gabi. Hindi matanggap ang ginawa ng babae sa kaniyang kabayo.

Abala ang mga ibang kasambahay sa paglilinis at hindi niya alam kung ano ang dahilan.

Hindi na rin niya makita ang kaniyang kaisa-isang kaibigan dahil nasa paaralan pa ito, alam niyang alas-kuwatro pa 'yon darating.

Si Don Enrico naman ay palaging wala sa mansiyon dahil sa pagiging abala nito sa hacienda.

Iba talaga kapag mayaman.

"Nanay Ora, iyong hardin po ba ay tapos nang linisan?" tanong niya sa matandang babae habang nasa kusina sila, nagpupunas siya ng mga plato habang ito naman ay naghuhugas.

"Tapos na." nakangiting sagot nito.

Ang matandang babae ang tumatayong Nanay niya sa trabaho, bukod sa ito lang ang nakakatanda sa lahat ng kasambahay ay matagal na itong nagsisilbi sa pamamahay ng mga Valencia kaya alam na alam nito kung ano ang kalakaran sa mansiyon.

"Ano po bang iba kong gagawin? Mamaya na po tayo magluluto, 'di po ba?" tanong niya muli.

"Oo, mamaya pa." nagpunas ito ng kamay na tila may naalala. "Anak, puwede bang linisan mo muna ang kuwarto ni Sir Maximus? Sa pagkakaalala ko ay ngayon ang uwi ng batang 'yon."

Huminto siya sa pagpunas. "S-Sir Maximus?"

Ngayon lang niya narinig ulit ang pangalang 'yon.

"Oo, naalala mo 'yong kapatid ni Ma'am Mecy?" tanong nito kaya naman ay umiling siya agad. "Kung sa bagay ay napakaliit mo pa noon, siguro ay sampong taon ka pa habang si Sir ay dalawampu't dalawang taong gulang na."

Parang bumalik ang alaala niya no'ng panahong na-imbeta sila ng kaniyang ina sa malaking pagdiriwang ng mga Valencia, iyon ang unang pagkakataong nakita niya ang panganay na apo ni Don Enrico.

"Ngayon po siya darating?" she curiously asked.

May kung anong tuwa ang bumalot sa dibdib niya.

"Oo, ako sana ang maglilinis ng kuwarto niya pero aalis pa ako mamaya para mamalengke. Puwede bang ikaw nalang, Risha?" the old woman hopefully asked.

Alinlangan siyang tumango. "S-Sige po."

"Maraming salamat, hija."

Nang matapos nila ang trabaho ay agad nagpaalam ang babae para umalis papuntang palengke habang siya naman ay kinuha ang ilang gamit panlinis upang simulan ang bilin nito.

Kumuha siya ng vacuum cleaner at tinahak ang hagdan papunta sa kuwarto.

Pinihit niya pabukas 'yon at halos maubo siya nang pumasok agad sa ilong niya ang alikabok sa loob ng kuwarto.

"Ang dumi naman." komento niya habang nakangiwi.

Naglakad siya papasok ay lumapit sa malalaking bintana, madilim ang kuwarto kaya hinawi niya lahat ng kurtinang naroon at binuksan ang bintana.

Pati ang mga salamin ay puno na rin ng alikabok.

Nagsimula siya sa pag-vacuum sa rug na nasa kuwarto, she removed the curtains, bed sheets and pillowcases para labhan ang mga 'yon. Pakiramdam niya ay magkakaroon siya ng sipon dahil sa nalalanghap niyang alikabok.

Trapped In Midnight (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon