Habang naglalakad siya pauwi ay parang may kung anong kaba siyang naramdaman kahit wala naman siyang alam na rason para kabahan. Inalis niya 'yon sa kaniyang isip at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa natanaw niya ang kanilang bahay.
Pagdating niya sa pintuan ay itinulak niya ito pabukas.
Mas nadagdagan ang kaba niya nang makitang medyo madilim ang salas dahil nakapatay ang ibang ilaw. Lumapit siya sa isang switch at pinindot ito dahilan para lumiwanag ang buong salas.
Wala siyang marinig na ingay kaya hindi niya maiwasang hindi magtaka.
Umakyat siya sa hagdan para tingnan ang kambal at si Olivia pero napahinto siya nang mahagip ng kaniyang tingin na nakaawang ang pinto ng kaniyang kuwarto. Dahan-dahan siyang lumapit at binuksan ito.
Para siyang tinakasan ang dugo nang makita si Olivia na nakaupo sa kaniyang kama habang hawak ang tatlong pregnancy tests.
"T-Tita?" nanginginig na ang boses niyang tawag rito dahil sa takot.
Napalunok siya at bumaba ang kaniyang mata sa hawak nito.
Halos mapaupo siya sa sobrang panghihina nang mag-angat ito ng tingin gamit ang nanlilisik sa galit nitong mga mata.
Tumayo ito at lumapit sa kaniya, inangat ang hawak na pregnancy tests.
"Kanino 'to?" she sternly asked.
Sa sobrang takot ay bigla nalang umagos ang luha niya. "T-Tita..." humihikbi niyang tawag sa babae.
"Sagutin mo ang tanong ko, Risha. Kanino itong tatlong pregnancy test?" tumaas ang boses nito dahil sa pagpipigil ng galit. "Sa'yo ba ang mga ito?" dagdag pa nitong tanong.
Hindi niya magawang sumagot, tanging pag-iyak ang nagawa niya.
"Sumagot ka!" she shouted.
Napatili siya nang malakas nitong itinapon ang pregnancy tests kaya tumilapon ang mga ito sa kung saan at wala na siyang oras para alamin pa.
Pumikit siya habang patuloy sa pagluha bago dahan-dahang tumango. "O-Opo-"
Hindi pa siya tapos magsalita ay dumapo na ang palad nito sa kaniyang pisngi kaya lumakas ang hikbi niya.
"Malandi ka! You ruined my plan for you!" muli siya nitong sinampal at sa pagkakataong 'yon ay mas masakit.
Nanlalabo ang mga mata niyang tiningnan ito. Marahas itong napahilamos habang pabalik-balik ang lakad sa kaniyang harap.
"What am I going to do? Ano na ang sasabihin ko kay Anthony? Sa pamilya niya? I've promised to them that you'll ended up together, Risha! Pero anong ginawa mo? Nagpa-buntis ka? You're such a slut!" buong galit nitong sigaw. "I stopped you from going to school para maiwasan mo ang ganitong pangyayari but you still..." puno ng pandidiri siya nitong tiningnan. "Napaka-landi mo." she spat.
May kung anong kinuha pa ito mula dress nito. "At ano 'to?" tanong pa nito.
Nanlaki ang mata niya nang makita ang ibinigay na cellphone sa kaniya ni Night.
"May cellphone ka na ngayon? You kept it from me? Para ano? Para matawagan ka ng lalake mo? So you can see each other? Ha!?" bulyaw nito.
BINABASA MO ANG
Trapped In Midnight (Complete)
AléatoireRiver Shail Embuscado is an innocent young lady who only wishes for her own happy ending and a prince charming that can save her from the evil twin stepsisters and cruel stepmother. They always give her hard time but it was not enough for them, they...