Pagkatapos sila ihatid ng lalake, Night didn't show up for four days. Hindi niya alam kung bakit labis na pagka-dismaya ang nararamdaman niya. Hindi malaman-laman kung dahil ba hindi ito nagparamdam o dahil wala siyang narinig sa lalake nang gabing 'yon, kahit tanong ay hindi nito binitawan sa kaniya.
"Ang akala ko may ideya na siyang anak niya si Sevyn at Iphraim pero nagkamali ako. He left that night. Kinarga niya ang mga anak ko papasok sa bahay, nagpaalam siya and then done, umuwi siya agad." pahayag niya kay Bridgette habang kumakain ng chips.
Tumawa naman ang kaniyang kaibigan. She was carrying her son while sitting on the bed and breastfeeding him . "Ano ba ang inaasahan mong gagawin niya sa'yo?" nanunuya nitong tanong.
"Inaasahan ko kasing magtatanong siya o kakausapin ako tungkol sa mga bata pero hindi, eh. Hindi niya ako tinanong, wala siyang reaksyon." sagot niya agad.
Pagkatapos niya sa paaralan ay nagpaalam siya kay Ora na bibisitahin niya ang mag-asawa, iniwan muna niya ang kambal sa matanda. Nadatnan niyang mag-isa si Bridgette dahil may importanteng lakad si Anthony pero sinabi naman nitong babalik din agad.
"Alam mo, ang plano ko talaga dati ay itago ang kambal sa kaniya pero ngayon parang gusto kong isigaw sa mukha niyang siya ang ama ng mga anak ko." dagdag niya.
Pinahiga na ang natutulog nitong anak sa kama bago tumayo at tinakpan ang nakalabas na dibdib. Lumipat ito sa kaniyang kinauupuang sopa at tumabi.
"Pero maiba tayo, Risha." panimula nito. "Paano kung gumawa siya ng paraan para makuha ang mga bata? I mean, kahit naman ako kapag nalaman kong may anak ako sa'yo tiyak na kukunin ko. Anong gagawin mo?"
Paano nga ba kung kunin ni Night ang mga anak niya?
Hindi niya kaya na mangyari 'yon. She's been working all of her life for Sevyn and Iphraim, hindi niya hahayaang kunin lang ito ng lalake.
"Gagawa ako ng paraan para hindi niya malaman ang totoo." wala sa sarili niyang sagot.
"What if he asked for a DNA test?"
Natahimik siya.
That idea never crossed her mind, dahil akala niya ay pagkatapos umalis ni Night ay wala na itong balak umuwi pero mali pala ang inaasahan niyang gagawin nito.
"I...I won't let him."
"Lalo siyang magtataka kung ganoon."
Huminga siya ng malalim at tumingin sa babae. "A-Ano ba ang tingin mong dapat kong gawin? Hindi naman kami puwedeng lumayo ng mga anak ko dahil dito na ang buhay at nakasanayan nila, nandito rin ang trabaho ko. Hindi rin ako puwedeng pumunta kay Lolo Alejandro dahil siguradong tatanungin ako no'n. Lalo na kapag sinabi ko ang dahilan." pagod siyang huminga. "Hindi nga niya matanggap ang pagbubuntis ko sa kambal dati, eh. Hanggang ngayon minsan tinatanong niya kung sino ang ama ng mga anak ko pero wala akong mai-sagot dahil baka mapatay niya si Night."
Simula nang paalisin niya sina Olivia sa bahay ng mga magulang niya ay nagkaroon siya ng komunikasyon sa kaniyang lolo. Sa katunayan ay no'ng medyo lumaki na ang tiyan niya ay sa bahay siya nito nanatili hanggang sa nanganak siya.
Medyo matagal na nga lang hindi nakadalaw sa kanila dahil abala ito sa pag-aani ng mga pananim.
"Hindi ka naman talaga puwedeng umalis nalang basta-basta." sang-ayon naman ni Bridgette.
BINABASA MO ANG
Trapped In Midnight (Complete)
RandomRiver Shail Embuscado is an innocent young lady who only wishes for her own happy ending and a prince charming that can save her from the evil twin stepsisters and cruel stepmother. They always give her hard time but it was not enough for them, they...