They were passionately kissing but she immediately pulled away when something beeped from Night's pants. Para naman siyang natauhan at agad lumayo rito, inayos niya ang kaniyang sarili.
She was gasping for air because of the long kiss they've shared.
Tiningnan niya ang lalake, nakatayo ito habang nakatingin sa kaniya. Mukhang lasing pa sa kanilang halikan. He licked his parted lips before he closed it, hirap itong lumunok habang nakatitig sa kaniyang labi pataas sa kaniyang mga mata.
"A-Ano 'yon?" tanong niya nang medyo kumalma ang kaniyang sarili.
May kung anong kinuha ito mula sa bulsa ng pantalon nito. Isang mamahaling cellphone. He swiped his finger on the screen and read something.
"They're coming. I need to go." anito at tinago pabalik ang cellphone sa bulsa nito. "I'll talk to you later when we're done, okay?" mahinang wika nito sa kaniya.
"Uuwi ako mamayang ala-sais." aniya rito.
He stopped for a moment. "I'll go to your house then-"
"H-Hindi puwede, hindi ka puwedeng pumunta sa bahay. Papagalitan ako ni Tita." agap niya.
"We'll tell her that I am your boyfriend now at para na rin tumigil 'yang mga manliligaw mo." he said.
Tiningnan niya ito ng mabuti kung nagbibiro lang ito pero walang bahid na pagbibiro ang itsura nito, seryoso ang lalake sa sinabi.
"Hindi gano'n kadali, b-bigyan mo ako ng oras hanggang sa handa na akong ipakilala ka sa kanila."
"We'll keep our relationship as a secret, yeah?" he sarcastically asked.
"Night..." she softly muttered his name. "Hayaan mo muna akong humanap ng tamang tiyempo na sabihin ang t-tungkol sa atin."
He was staring at her, halatang hindi sang-ayon sa gusto niyang mangyari. Sa huli ay marahas itong bumuntong-hininga.
"Okay, I'll let you take over this time." suko nito.
Ngumiti siya ng matamis rito. "Salamat." sambit niya.
"Huwag mo akong ngitian ng ganiyan." saway nito sa kaniya.
Napawi ang ngiti niya. "P-Pangit ba?" she felt embarrassed.
"Of course not, you look beautiful when you smile like that. Baka hindi ako makapag-pigil at makulong kita dito sa kuwarto ni Manang Ora." mahina itong humalakhak dahilan para mamula ang mukha niya.
"Puro ka talaga kalokohan." inis niyang untag rito dahilan para lumakas ang tawa nito.
"Damn, baby. You look so cute." gigil nitong sabi at kinulong ang kaniyang magkabilang pisngi gamit ang dalawang kamay nito.
He showered her face with light kisses, pati ang kilay niya ay hindi nito pinapalampas.
Mahina siyang natawa at marahan itong tinulak. "Salubungin mo na ang mga bisita niyo." saad niya rito.
Tumigil naman ito at hinalikan siya sa noo bago lumayo. "Wait for me, okay? Babalikan kita dito."
"Hindi na, tutulungan ko pa si Nanay Ora na ihanda ang mga pagkain para sa dinner niyo kaya sa labas nalang kita hihintayin pagkatapos ng trabaho ko."
![](https://img.wattpad.com/cover/290158635-288-k7848.jpg)
BINABASA MO ANG
Trapped In Midnight (Complete)
LosoweRiver Shail Embuscado is an innocent young lady who only wishes for her own happy ending and a prince charming that can save her from the evil twin stepsisters and cruel stepmother. They always give her hard time but it was not enough for them, they...