"Risha, please take a seat."
Napahinto siya paglalakad nang biglang magsalita si Night, nakaupo ito kasama ang kaniyang dalawang anak sa waiting chair na nasa labas ng delivery room. Night was sitting between her twin. He was comfortably holding her kids' hands at ang kaniyang dalang bag kanina ay nakapatong sa hita ng lalake.
Kinuha kasi nito kanina sa kaniya habang papasok sila ng ospital para puntahan si Bridgette.
"Mr. Valencia is right, Mama. You've been walking back and forth since we came in." Sevyn agreed and moved, tinapik ang espasyo sa tabi gamit ang maliit nitong kamay. "Take a seat beside me po. Here, Mama."
"I can't, baby. Your Tita Bridgette-" naputol ang sasabihin niya nang marinig ang mahabang sigaw ni Bridgette mula sa loob ng delivery room.
Mas kumabog ang dibdib niya. Hindi na alam ang dapat gawin, hindi na siya mapakaling malaman kung ano ang lagay ng kaniyang kaibigan.
Ilang minuto ang lumipas ay bumukas ang pinto at niluwa mula ro'n si Anthony at ang isang babaeng Doctor. Agad niyang nilapitan ang mga ito.
"Doc, how's the patient? A-And the baby? Are they fine?" alala niyang tanong.
The Doctor removed her gloves and mask before she smiled at her. "Congratulations, the patient successfully gave birth to a healthy baby boy and she's perfectly fine."
'Tsaka lang siya nakahinga ng maluwag. "Diyos ko, thank you po." she thankfully prayed.
Para siyang nawalan ng batong nakaharang sa kaniyang lalamunan.
"The patient will be moved to private room para makapag-pahinga ng maayos." anas pa ng babae. "Uh, maiwan ko muna kayo rito, I still have patients to check." muli nitong tiningnan si Anthony.
"Congratulations ulit." anito bago bumaling sa kaniya. "Excuse me."
She nodded her head. "Maraming salamat po."
Nang makaalis ang Doctor ay nilapitan niya si Anthony na nakatulala. Hinawakan niya ang balikat nito.
"Hey, are you okay?" mahinang tanong niya rito.
"T-Tatay na ako..." rinig niyang sambit nito.
Tiningnan niya ito ng mabuti at umawang ang labi niya nang makitang umiiyak ang lalake.
"Tatay na ako. M-May anak na kami." he muttered again as he looked at her, namumula na ang mga mata nito.
Hindi na niya napigilang tumawa at niyakap ang lalake, hinaplos niya ang likod nito.
"Come on, Daddy. Cry all you can dahil ito na ang huling araw na puwedeng umiyak. You're a father now, you need to be strong for your wife and son." saad niya rito.
Naramdaman niya ang pagyakap niyo pabalik sa kaniya. "I am so h-happy." he whispered.
Ngumiti lang siya at mahinang tinapik ang likod nito.
"That's enough."
Mabilis siyang kumalas mula sa yakapan nila ni Anthony nang marinig niya ang malalim na boses sa kaniyang likuran at muntik na siyang mapaatras sa gulat nang makitang nakatayo na si Night sa likod niya, bitbit ang kaniyang brown na bag.
BINABASA MO ANG
Trapped In Midnight (Complete)
AcakRiver Shail Embuscado is an innocent young lady who only wishes for her own happy ending and a prince charming that can save her from the evil twin stepsisters and cruel stepmother. They always give her hard time but it was not enough for them, they...