"Wala ka bang balak na pumasok sa pagiging yaya mo sa mga Valencia? Dalawang araw ka nang nandito sa bahay at naiinis na ako sa pagmumukha mo. Buwesit!" sigaw ni Cressley sa kaniya nang mapansing ilang oras na siyang nagpupunas sa sala ng kanilang bahay.
Nakayuko lang siya at hindi tumigil sa paglilinis kaya napaigtad siya sa gulat nang tumayo ito at binagsak ang hawak na magazine sa lamesa.
"Stay out of my sight. Nasisira ang araw ko sa tuwing nakikita ko ang mukha mo." untag pa nito at padabog na umakyat ng hagdan.
Saka lang siya huminto at huminga ng malalim.
Dalawang araw ang nakalipas mula no'ng may mangyari sa kanila ni Maximus pero wala siyang maalala sa mga sandaling 'yon.
Nagising siya ng ala-singko ng umaga, dama niya agad ang pananakit ng kaniyang katawan lalo na ang kaniyang baywang, bandang hita at ang kaniyang pagkababae.
Hindi siya anghel para hindi malaman kung ano ang nangyari sa kanila ng lalake dahil kita mismo ng dalawang mata niya ang bahid ng pagkawala ng kaniyang pagka-birhen sa bed sheet nito. Hindi na niya hinintay pang magising si Maximus dahil agad siyang umalis. Wala siyang balak na harapin ito o kausapin dahil hindi siya handang makita ang lalake kaya dalawang araw na rin siyang hindi pumapasok sa trabaho.
Alam niyang magtataka si Ora pero hindi na niya naisip pa ang bagay na 'yon.
Sumandal siya sa upuan at tumingala.
"Paano na ako makakapasok nito?" halos mangiyak-ngiyak niyang anas at mahinang sinasampal ang kaniyang noo.
"Anong ginagawa mo? Have you gone crazy?"
Napatayo siya agad nang marinig ang boses ni Cressel, bumababa ito ng hagdan at bihis na bihis ang babae.
"A-Ah, wala." kinakabahan niyang sagot.
"Pagbuksan mo ako mamayang gabi, may group project ako kaya baka gabihin ako." anito.
"Walang problema, Cressel." sagot naman siya agad. Nang makalapit ito ay pinasadahan siya nito ng tingin.
Mukha itong nandiri nang makita ang suot niya. "Anong trip mo at naka-turtle neck ka na naman?" usisa nito.
Agad naman umangat ang kamay niya sa kaniyang leeg at marahang hinaplos 'yon.
"I-Ilang araw na kasi akong nilalamig kaya ganito." palusot niya at yumuko.
Ang totoo ay 'yon lang ang klase na damit na puwedeng takpan ang mga kiss mark sa kaniyang leeg at dibdib na iniwan ni Maximus. Kapag nakita ng kambal ay iba ang iisipin nila at halatang isusumbong sa ina ng mga ito.
"You're so manang." insulto nito. "Aalis na ako." irap nito at naglakad palabas ng bahay.
Sinundan naman niya ito ng tingin at nakahinga siya ng maluwag nang tuluyan itong makalabas.
Si Cressley nalang ang tao sa bahay dahil si Olivia ay nasa baranggay hall, matagal na itong nagtata-trabaho bilang secretary ng Chairman sa kanilang baryo.
Gabi pa darating si Cressel at Olivia kaya si Cressley nalang ang problema niya.
Pagkatapos niyang magsawa na punasan lahat ng gamit sa sala na gawa sa salamin na wala namang dami o alikabok ay bumalik siya sa kaniyang kuwarto upang pag-isipan ng mabuti ang dapat niyang gawin.
BINABASA MO ANG
Trapped In Midnight (Complete)
RandomRiver Shail Embuscado is an innocent young lady who only wishes for her own happy ending and a prince charming that can save her from the evil twin stepsisters and cruel stepmother. They always give her hard time but it was not enough for them, they...