Chapter 4

36.9K 841 54
                                    

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uwi ay napatunayan niya sa kaniyang sarili na nagbago nga ang lalake, hindi lang sa ugali nito kundi rin sa pisikal na anyo. Dati ay labis ang paghanga niya rito kahit ang laki ng agwat ng edad nilang dalawa, she adored him. Tipong lagi niyang gustong sumama sa kaniyang ina na nagta-trabaho sa mga Valencia no'ng hindi pa hiwalay ang kaniyang mga magulang para lang makita si Maximus.

Ngunit lagi rin naman siyang nakakaramdam ng tampo at selos kapag nakikita niya itong nakikipag-landian sa mga babae nito. Bata pa lang siya ay mulat na siya sa pagiging mapag-laro nito sa mga babae.

She was ten back then pero presko pa sa memorya niya ang mga bagay na ginawa niya para lang mapansin ng binata.

Bigla siyang napaisip.

May asawa na kaya siya?

Pero alam niyang imposible dahil kung may asawa na ito ay magkasama silang uuwi.

Girlfriend?

Iyon ang sigurado niyang marami.

Napasimangot siya dahil sa tumatakbo sa kaniyang isip.

Dahil sa lalim ng kaniyang iniisip ay hindi na niya namalayan na dumating na pala sila sa hacienda. Hinila niya ang tali ni Athena para pahintuin ito na agad namang sinunod ng kabayo.

"P-Puwede po bang bumaba na po kayo? Baka po may makakita sa atin at iba po ang isipin nila." medyo hinihingal niyang untag sa lalake dahil sa mahabang daan na tinakbo ni Athena.

Takot siyang magkaroon ng issue. Kung may natutunan man siya mula kay Olivia, 'yon ay ang panatilihing malinis ang kaniyang imahe bilang isang Embuscado. At kung may balita mang kumalat na may kasama siyang lalake ay siguradong makakarating ito kay Olivia na ayaw niyang mangyari.

Hindi gusto ng kaniyang tiyahin ang ideya na magkaroon siya ng kasintahan o may hangaan na lalake.

Minsan na siyang pinarusahan ni Olivia dahil may ilang lalaking nagkaroon ng lakas na loob na ligawan siya at humingi ng permiso sa babae pero imbes na ayawan at pauwiin ang mga ito ay sa kaniya pa nagalit si Olivia.

"If I heard rumors about you flirting with some boy. I will force you into marriage with Anthony."

Iyon ang binitawang banta nito sa kaniya.

Si Anthony ay isang matandang binata na ilang beses nang kinulit si Olivia at hinihingi ang permiso nitong pakasalan siya pero nagmakaawa siya sa babaeng 'wag itong payagan.

Olivia isn't heartless at all dahil pinagbigyan naman siya nito.

Bumalik ang atensyon niya kay Maximus nang maramdaman niya ang paggalaw nito hanggang sa narinig niya ang pagapak ng suot nitong boots sa lupa, senyales na bumaba na ang lalake.

Saka lang siya nakahinga ng maluwag, kanina pa pala siya nagpipigil ng hininga.

Her heartbeats were insanely fast.

Palihim siyang bumuga ng hangin dahil pakiramdam niya ay kakapusin siya ng hangin.

Ang akala niya ay aalis na ang lalake pero nagkamali siya, nanatili itong nakatayo sa may gilid ni Athena.

Trapped In Midnight (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon