Pagdating niya sa room kung nasaan si Don Enrico ay nakaramdam siya ng kaba. Hindi niya kayang pumasok lalo na't naalala niyang galit si Mecy sa kaniya. Natigil sa ere ang kamay niya na hahawakan sana ang door knob.
Binawi ang kamay niya at huminga ng malalim bago binaba ang dalang fruit basket sa may pintuan. Naisip niyang huwag tumuloy at iwan nalang ang mga prutas sa labas ng pintuan dahil siguradong makikita naman ng mga ito kapag may lumabas na isa sa kanila.
Tumalikod siya at handa sanang umalis pero napasinghap siya sa sobrang gulat nang sumalubong sa kaniya si Night.
Bakas ang gulat sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.
Inawang niya ang kaniyang labi para magsalita pero walang lumabas na boses mula sa kaniya.
"Kanina ka pa nandito?"
Ito na ang nagtanong sa kaniya.
Pansin niya ang pagod sa mukha nito habang pinagmamasdan siya. Nakasuot ito ng dark blue polo shirt at jeans, magulo ang buhok nito pero nangingibabaw pa rin ang kaguwapuhan nito.
She hardly gulped and averted her eyes off him to calm her heart that's already beating uncontrollably. Gano'n pa rin ang epekto nito sa kaniya.
His presence makes her nervous everytime he's near.
"Kararating ko lang pero paalis na rin ako." halos pabulong niyang sagot.
She reached for the basket and handed it to him with her trembling hands. "Pakidala nalang sa loob." tanging nasabi niya at tipid na ngumiti.
He accepted it as his eyes never left hers.
Dahil sa kaba ay walang salita siyang nag-lakad paalis ngunit nakaka-ilang hakbang pa lang siya ay naramdaman niya ang mainit na kamay nitong bumalot sa kaniyang kamay na siyang dahilan ng paghinto ng kaniyang paghinga ng ilang segundo.
Sinalubong niya ang malamlam na tingin nito sa kaniya. Nanlalamig na ang mga kamay niya dahil sa kakaibang emosyon na gustong kumawala sa kaniyang dibdib.
"Bakit?" she managed to act normal but her nerves were already shaking.
"Puwede ba tayong mag-usap?" malalim ang boses nitong tanong na naghatid ng kakaibang pakiramdam sa kaniyang katawan dahilan para magsitayuan ang balahibo niya mula sa kaniyang batok pababa.
Mabilis niyang binawi ang kamay niya at patagong hinimas ng marahan.
Ano na naman ang nangyayari sa akin?
Sinundan nito ng tingin ang kamay niya, he looked hurt for what she did. Gusto niyang magpaliwanag sa lalake pero walang salitang lumabas sa kaniyang labi.
She stared at his face for seconds before she slowly nodded her head.
Ilang minuto pakatapos, nakaupo na siya sa front seat ng sasakyan nito habang ito ay nasa driver seat. She nervously placed her clutch on her lap and played with the hem of her dress.
"A-Anong pag-uusapan natin?" she suddenly asked to break the silence between them.
She felt him moved but she stopped herself from looking dahil sigurado siyang madadagdagan ang kaba niya.
BINABASA MO ANG
Trapped In Midnight (Complete)
RandomRiver Shail Embuscado is an innocent young lady who only wishes for her own happy ending and a prince charming that can save her from the evil twin stepsisters and cruel stepmother. They always give her hard time but it was not enough for them, they...