Chapter 35

29.1K 517 140
                                    

"Mali ba ako?" mahinang tanong niya kay Bridgette habang nakahiga at tulala sa kawalan.

Naramdaman niya ang paglapit nito sa kaniya. "Ang alin? Iyong paninisi mo kay Maximus o 'yong pangtataboy mo sa kaniya?"

Dahil sa sinabi nito ay napalingon siya sa babae. Tinitigan niya ito saglit bago marahas na bumuntong hininga, bumangon siya at umupo paharap rito. "Masiyado ba akong naging masama?"

Mula kahapon nang mag-usap sila ni Mecy ay hindi mawala sa isipan niya ang mga binitawan nitong mga salita sa kaniya. Pakiramdam niya ay 'yong ang tanging tumatakbo ng paulit-ulit sa kaniyang utak. Wala siyang ibang makausap at mapagsabihan kaya tinawagan niya si Bridgette at inimbitahan sa kaniyang bahay. Mabuti nalang at pumayag ito, ilang minuto ay dumating ito kasama si Anthony at ang anak nilang dalawa.

Kasalukuyan nga lang na nasa living area si Anthony, kasama si Arjun. Naroon din ang kambal dahil naglalaro ang mga ito kaya nagkaroon sila ni Bridgette ng oras para makapag-usap tungkol sa sitwasyon niya.

"Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa, ah. But I think what you did was too much. Kasi naman, you made him feel worthless about himself."

"That's the only way I can voice out my anger. Alam mo naman na hindi ako basta-basta bumibitaw ng masasakit na salita sa isang tao."

"Alam ko naman pero puwede ka namang maglabas ng sama ng loob na hindi sinsisi 'yong tao, Risha. Iyong ginawa mo? Iyong sinabi mong siya ang dahilan ng pag-kawala ng anak niyo? Habang buhay niyang dadalhin 'yon at habang buhay niya ring sisisihin ang sarili niya."

Lalo siyang nakaramdam ng konsensya.

"Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin, Bridgette. Nagsisisi ako na ewan."

Humarap ito sa kaniya ng maayos. "Be honest with me." saad nito. "Do you still love him?"

Problemado siyang napahilamos at naluluhang tumingin sa babae. "O-Oo. Mahal na mahal ko 'yon, Bridgette. Mahal na mahal ko pa rin siya."

Umiiyak na niyang amin.

Bigla siyang natawa sa kaniyang sarili dahil sa sobrang pagiging emosyonal pagdating sa lalake. Pinunasan niya ang kaniyang luha at inabot ang unan bago niyakap ng mahigpit.

"Lahat nalang ginawa ko para lang makalimutan siya pero wala, eh. Lalo akong nakukulong sa nakaraan, the more I remember, the more I miss him." she helplessly admitted.

Matamis na ngumiti ang kaniyang kaibigan na para bang kinilig sa kaniyang mga sinabi. "Iyon naman pala, eh. Mahal mo pa." sabi nito, hindi mawala ang ngiti sa labi. "How about him, mahal ka niya?"

Nagkibit-balikat siya.

Hindi naman talaga niya alam kung mayro'n pa bang natitirang pagmamahal ang lalake para sa kaniya.

"Pero sigurado akong mahal ka niya." hindi na nito napigilan ang kilig. "Ano bang pumipigil sa'yo? Ang nakaraan?"

Tumango siya.

Lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. "Walang may kasalanan sa nangyari, Risha. Lahat kayo nasaktan, lahat kayo biktima. Huwag nang magsisihan." anito ngunit biglang napaisip na animo'y may naalala. "Mayro'n pala. Kung may dapat sisihin sa lahat, si Olivia. Siya ang may pakana ng lahat ng 'to. She wants you to live a miserable life and that's the truth. Sadly, she succeeded. Namuhay ka nang puno ng lungkot at galit."

Trapped In Midnight (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon