Chapter 15

31.6K 668 56
                                    

Pagdating nila ng mansiyon ay walang kibo ang lalaking bumaba mula sa kabayo pagkatapos ay ginabayan na rin siya pababa. Hindi man lang siya tiningnan. She removed the jacket and handed it to him na tinanggap naman nito but he remained silent, he didn't look at her either.

Nauna itong maglakad habang hawak ang tali ng kabayo at ibinigay ito sa isa sa mga tauhan nito.

"Nasaan si Don Enrico?" tanong ni Night sa lalake.

"Umalis po, Sir. Kasama si Mayor."

Hindi na dinugtungan ang tanong nito.

Tahimik din siyang nasa likuran nito, hindi magawang magsalita. Nang mapansing walang balak na kausapin siya ng lalake at tumikhim siya kaya napatingin ito sa kaniyang direksyon.

"Kung wala na po kayong sasabihin ay papasok na po ako sa loob ng mansiyon dahil marami po akong gagawin." aniya sa mababang boses at nilagpasan ito.

Hindi niya alam kung bakit biglang bumigat ang pakiramdam dahil sa pagiging tahimik ni Night.

Galit ba siya sa akin? Wala naman akong ginawang masama.

Ilang hakbang pa lang niya ay naramdaman niya ang mainit nitong kamay na humawak sa kaniyang bandang siko. Natigil siya sa paglalakad ngunit hindi niya ito nilingon.

"Paki-handa ang sasakyan sa labas, aalis kami." anito sa lalake, 'tsaka lang niya ito tiningnan.

"A-Aalis ka?" mahina niyang tanong.

"Aalis tayo." he repeated.

"Tayo? Saan tayo pupunta?" taka niyang tanong.

"We'll have a date, that's your punishment."

"Punishment?" bahagya siyang ngumuso. "Hindi mo nga ako kinausap mula kanina, hindi pa ba 'yon parusa?"

"No." hindi nakangiting sagot nito.

Bigla siyang nainis.

Masiyadong malamig ang pakikitungo nito.

"Ayokong makipag-date sa'yo, basted ka na." untag niya at tinalikuran ito.

Nauna siyang pumasok sa mansiyon, diretso ang kaniyang lakad ngunit ramdam niya ang pagsunod ng lalake sa kaniya. Mas binilisan niya ang paglalakad hanggang sa natanaw niya mula sa engrandeng hagdan ang kaniyang kaibigan kaya huminto siya.

Bigla siyang kinabahan.

"Risha, I've beeng looking for..." her eyes bore to the person behind her. "Kuya?" bumagal ang pagbaba nito, palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

Hindi siya tumingin sa kaniyang likod pero alam niyang nasa likuran niya si Night dahil sa presensya nito.

Nang makalapit sa harap niya si Mecy ay humaluķipkip ito. "What's going on here? May nangyayari na ba sa inyo na hindi ko alam?" her right eyebrow arched.

Agad siyang umiling bilang tanggi. "W-Wala, Mecy. Pinuntahan lang ako ni Sir Maximus-"

"It's Night, Risha. And you don't have to deny it in front of me." rinig niyang sagot ni Night sa kaniyang likuran.

Trapped In Midnight (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon