Chapter 22

28.1K 596 60
                                    

Nanghihina siyang napaupo nang makita ang dalawang pulang guhit mula sa pregnancy test na hawak niya. Nilapag niya ito sa ibabaw ng kama kasama ng dalawa pang ginamit niya, lahat ito positibo. Binili niya ang mga ito sa isang pharmacy sa kabilang bayan.

Tinitigan niya ang mga ito.

Nagpapatunay na tama ang hinala ni Ora na buntis nga siya.

Wala sa sarili siyang napahawak sa kaniyang tiyan. Bumagsak ang luha niya sa pinaghalong tuwa at lungkot.

Buntis ako.

Nag-bunga ang nangyari sa kanila ni Night.

Masaya siyang may inosenting buhay nang nasa loob ng kaniyang sinapupunan ngunit hindi niya maiwasang maiyak sa tuwing naiisip niya ang kalalabasan kung sakaling may makaalam ng ipinagbubuntis niya.

Si Olivia, siguradong magagalit 'yon ng husto sa kaniya. Baka hindi nito matanggap at palayasin siya.

Kaya naman niyang umalis at mamuhay nang mag-isa pero hindi niya kayang iwan ang bahay kung saan binuo ng mga magulang niya ang masasayang ala-ala. Hindi niya kayang iwan ang bagay na nagpapaalala sa kaniya ng kaniyang mga magulang.

"Risha?"

Mabilis niyang hinablot ang tatlong pregnancy test na nasa kama at itinago sa ilalim ng kaniyang unan nang may kumatok sa pintuan ng kaniyang kuwarto.

Inayos niya ang kaniyang sarili, pinunasan ang kaniyang luha at pilit na ngumiti bago ito pinagbuksan ng pinto.

Bumungad sa kaniya ang isa sa kambal.

"Cressel," tawag niya rito. "M-May ipapagawa ka ba?" tanong niya rito.

Umismid ito. "Nandiyan na naman ang manliligaw mo, ulit. Bumaba ka na kung ayaw mong kaladkarin kita pababa." padabog itong tumalikod. "Bakit ba kasi ako lagi ang inuutusan ni Mommy para i-inform ang babaeng 'yon? Kainis!" bulong nito na rinig naman niya.

Hindi niya ito pinansin.

Isinara niya ang pinto at bumalik sa kaniyang kama. Hinanap niya ang ibinigay ni Night na cellphone at tiningnan ito.

May mensahe ang lalake.

Nagtatanong kung bakit wala siya sa mansiyon. Hindi siya pumasok dahil plano niya talagang siguraduhin ang hinala ni Ora.

Hindi siya nag-reply at itinago ito pabalik.

Iniiwasan niyang makita o malaman ni Olivia na may cellphone siya dahil hindi siya nito pinapayagang magkaroon ng kahit anong gadyet na puwede niyang gamitin para kontakin ang mga kamag-anak niya sa kaniyang ama, lalo na ang kaniyang Lolo Alejandro.

Alam niyang may lihim na ginagawa si Olivia para hindi siya bisitahin ng lolo niya.

Bumaba siya upang harapin si Anthony.

Buo na ang loob niyang sabihin ang kaniyang desisyon.

Nakita niya si Olivia na masayang nakikipag-usap kay Anthony, bihis na bihis ang babae kaya alam niyang may lakad ito. Nakaramdam siya ng pagka-irita nang makitang nakatingin si Olivia sa kaniya pero hindi niya nalang pinansin ang kaniyang iritasyon.

Trapped In Midnight (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon