"Bakit hanggang ngayon hindi ka pinapayagan ng Tita Olivia mo na mag-aral? That's so unfair." tanong ng kaniyang matalik na kaibigan. They were friends mula no'ng bata pa sila, si Mecy Ilyana Valencia.
Tumigil siya sa pag-tahi ng kaniyang palda. Dinala niya ang ilang gamit niyang pangtahi upang ayusin ang kaniyang mga lumang damit, minsan lang kasi itong binibili ng ikalawang asawa ng kaniyang ama, si Olivia.
Nasa ilalim sila ng isang malaking puno ng mangga kung saan sila laging tumatambay pagkatapos ng klase ni Mecy. Nakasandal siya sa puno habang si Mecy ay nakaupo sa kaniyang tabi, kinukunan ng litrato ang paligid at minsan ay sa kaniya tinatapat ang camera nito.
Gustong-gusto niya ang sariwang hangin at magandang tanawin ng malawak na plantasyon, at siguro'y gano'n din ang kaniyang kaibigan dahil lagi siya nitong sinasamahan.
"Hindi ko rin alam, Mecy." mahina niyang sagot. "Naka-pagtapos naman ako ng highschool kaya okay lang." ngiti niya.
Nilihim pa niya 'yon kay Olivia kaya no'ng nalaman nito ay pinarusahan siya ng husto. Kinulong siya ng babae sa kuwadra ng halos isang linggo at tanging tubig at kanin ang binibigay nito sa kaniya.
Marahas na binuksan ni Mecy ang dala nitong potato chips at nilapag sa berdeng damuhan. "So unfair. Lolo can offer you a scholarship kung papayagan ka ng Tita mo. Sayang nga lang, she doesn't want you to study." anito habang ngumunguya.
Mecy is beautiful, mukha talaga itong anak mayaman. Kung paano ito manamit at paano dalhin ang sarili. Hindi na nga siya nagtataka kung bakit ang daming nanliligaw rito kahit labing walong taon pa lang ito.
Magka-edad sila kaya nagkakasundo sila sa lahat ng bagay. Nagkakaroon sila ng tampuhan pero hindi umabot sa malala at pisikal na away. Lagi naman kasi siyang humihingi ng pasensya kapag nagkakatampuhan silang dalawa at 'yon din ang ginagawa ni Mecy.
"Kung buhay lang si Tita Sandra, I know she won't let this happen. Hindi niya hahayaang apihin at saktan ka ng mga 'yon."
Yumuko siya at pinagpatuloy ang ginagawang pagtahi sa kaniyang palda, napunit 'yon dahil sa galit ni Cressel. She was mad at her at hindi siya nito mahanap kaya ang mga damit niya ang pinagdiskitahan nitong gupitin, pati ang kaniyang ilang pantalon ay hindi nito pinalampas.
"Risha, are you okay? Did I say something bad?" Mecy asked her, napansin ang kaniyang pananahimik.
"Wala naman." angat niya rito ng tingin at ngumiti.
"I'm sorry." hingi ng tawad nito nang makita ang lungkot sa kaniyang mga mata. "I was insensitive, I'm sorry." yumakap ito sa kaniyang braso at sinandal nito ang ulo sa kaniyang balikat.
Her mother died pero wala siyang ideya kung ano ang ikinamatay nito, she was with her new husband that time.
Bata siya pero naghiwalay na ang kaniyang mga magulang, nag-asawa ang kaniyang ama at gano'n din ang kaniyang ina.
She was young back then pero alam niya kung ano ang nangyayari.
Galit siya sa kaniyang ama nang iwan siyang mag-isa, mas pinili ang bago nitong pamilya. Pero wala siyang magawa. She loves her father so much kaya nang humingi ito ng tawad ay hindi niya natiis na hindi ito patawarin.
After three years, her father died at sa mga oras na 'yon ay kasama ng kaniyang ama ang bagong pamilya nito. They told her na may pumutok na ugat sa ulo nito kaya ito namatay pero hindi 'yon kayang tanggapin ng kaniyang sarili. At dahil wala na ang kaniyang mga magulang at kasal pa rin ang kaniyang ama sa bago nitong asawa ay nakuha ni Olivia lahat ng ari-arian ng kaniyang ama, ang bahay at ang lupang kinatatayuan ng bahay. Nakasaad din sa huling testamento na si Olivia ang kaniyang magiging guardian kung sakaling mawala ang kaniyang ama.
BINABASA MO ANG
Trapped In Midnight (Complete)
RandomRiver Shail Embuscado is an innocent young lady who only wishes for her own happy ending and a prince charming that can save her from the evil twin stepsisters and cruel stepmother. They always give her hard time but it was not enough for them, they...