Chapter 29

25.4K 604 49
                                    

"Diyos ko, grabe na talaga ang pinagbago ni Sir Maximus. Ang lupit na niya sa amin 'tsaka laging galit! Hindi ko alam kung dahil ba may sakit si Don Enrico o dahil gano'n na siya ngayon."

Nilapag niya ang kakatimpla lang niyang inumin sa lamesa na nasa salas bago tiningnan si Ellis na nakasimangot habang nilalabas ang hinaing nito sa kaniya. Madalas bumisita si Ellis sa kanila tuwing weekends kaya hindi na siya nagtaka nang dumating ito kanina lang.

Halos limang araw na ang nakalipas mula no'ng makita niya si Night at hindi na niya muling nagakasalubong ang landas nila. Dahil na rin siguro sa pagiging abala niya sa kaniyang pagtuturo at sa dami niyang ginagawang dokumento na dapat maipasa, lalo na ngayong malapit na ang recognition day ng kanilang paaralan.

"Paanong galit?" kuryuso niyang tanong at umupo sa tabi nito.

"Galit. As in 'yong galit na galit. Kunting pagkakamali pagsasabihan ka. Alam mo 'yong pakiramdam na hindi siya sumisigaw kapag galit, pero 'yong mukha at boses niya, 'te. Gusto ko nalang magtago. Nakakatakot." sumbong nito at niyakap ang maliit na unan ng kanilang sopa. "Tumakas nga ako ngayon, mabuti nalang at nandoon ngayon si 'Nang Ora. Hindi niya mapapansing wala ako sa mansiyon."

"Baka hanapin ka nila niyan."

"Hindi 'yan," kampante nitong sagot. "Si 'Nang Ora ang bahala."

Hindi siya nagsalita dahil baka kung ano pa ang isipin nito kung magtatanong pa siya kahit kating-kati na siyang tanungin kung kaano-ano ni Night ang babaeng kasama nito pero pinili niyang manahimik lalo na dahil alam niyang may alam din ito sa nangyari noon sa pagitan nila ni Night. Alam nitong may nakaraan sila ng lalake simula no'ng kumalat ang balita tungkol sa kanila ni Anthony.

Bahagya siyang nagulat nang mahina siya nitong hinampas sa braso.

"Si Ma'am Mecy! Dumating na rin no'ng isang araw. Kung noon ay ang ganda niya. Ay, 'te. Ngayon ay diyosa na. Nag-mature na siya." kuwento nito sa kaniya. "Tinanong ka nga niya sa akin kung saan ka ba raw nakatira ngayon, ang sabi ko sa dating bahay mo. Baka bisitahin ka no'n dito."

Bisitahin?

Nakaramdam siya ng kunting kaba.

Hindi ito puwedeng pumunta sa kanila dahil makikita nito ang kambal.

"Hindi mo pa rin ba sasabihin ang tungkol sa kambal?"

Bigla siyang natauhan dahil sa tanong na narinig mula sa babae.

Seryoso siyang tumingin rito. "Wala akong balak na sabihin kahit ano sa kaniya o sa kanila." mariin niyang sagot.

Makasarili man para sa iba kung iisipin pero 'yon ang alam niyang makakabuti.

Bakit ko sasabihin ang tungkol sa kambal kung sa simula pa lang ay hindi niya tinanggap ang mga anak ko?

"Wala na siyang karapatan sa kanila simula no'ng araw na i-tinaboy niya ako palabas ng mansiyon dahil mas pinili niyang paniwalaan ang isang kasinungalingan kaysa sa akin." she bitterly stated.

"Ay, labas ng hinanakit?" basag ni Ellis. "Hayaan mo na si Sir, naka-move on na rin siguro 'yon." saad nito.

Nabuhay na naman ang kuryusidad niya.

Trapped In Midnight (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon