Nang masigurado niyang nakatulog ang kambal ay bumaba siya sa living area para gawin ang papeles na kailangan niyang maipasa sa susunod na Lunes.
Nakaugalian na niyang magtimpla ng inumin sa tuwing alam niyang magpupuyat siya kaya 'yon naman ang kaniyang ginawa, nagtimpla siya ng kape bago nagsimulang suriin ang mga papeles na nakalagay sa ibabaw ng lamesang nasa harapan niya.
Habang abala siya sa pagbabasa ay biglang tumunog ang door bell kaya hininto niya ang kaniyang trabaho. Tumayo siya para pagbuksan ito.
Ang akala niya ay si Ora ang nasa labas ng pintuan dahil hindi pa ito umuuwi pero nagulat siya nang makita ang lalaking gumugulo sa kaniyang isip buong araw.
"Risha," tawag nito sa kaniya.
Pansin niya ang namumula nitong mga mata na para bang kakaiyak lang, igting ang panga nito at walang emosyon ang mga matang nakatingin sa kaniya.
"N-Naparito ka?" tanging tanong niya dahil wala na siyang maisip na ibang puwedeng itanong rito.
Parang nabura ang mga nasa utak niya. Buong araw niyang inisip ang itatanong at sasabihin niya sa lalake ngayong magkaharap na sila ay tila na-blangko ang isip niya. Hindi na niya alam kung saan at paano magsisimula.
Napansin niya rin ang suot nitong puting t-shirt na pinatungan ng itim na jacket at itim na pantalon. Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong may hawak na brown envelope.
"Can I come in?" mahina nitong hingi ng permiso pero nanatili ang malamig nitong tingin.
Para naman siyang natauhan at tumango. "S-Sorry. Please, do come in." anas niya at binuksan pa lalo ang pinto.
Pinakinggan naman nito ang kaniyang sinabi. Pumasok ito at naglakad sa living area bago umupo sa isang pang-isahang sopang naroon na para bang nakasanayan na nitong gawin.
Sumunod naman siya kaagad.
"May gusto ka bang inumin?" tanong niya nang makalapit siya.
"No, but thank you." agad nitong sagot.
Umupo naman siya sa tapat nitong sopa.
"Naparito ka?" ulit niya sa kaniyang tanong kanina lang.
Tinitigan siya nito bago nilahad sa kaniya ang hawak nitong envelope.
Kumunot ang noo niya at tiningnan ito. "Ano 'yan?" she curiously asked but he didn't respond.
Wala siyang nagawa kundi ang abutin ito, binuksan niya ang bagay na ibinigay nito at nilabas ang papel na nasa loob ng envelope.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang mabasa ang nakasulat sa papel.
"DNA Test R-Report?" basa niya sa papel. Nanghihina siyang nag-angat ng tingin kay Night at nanginginig ang kamay niyang itinaas ang hawak. "Y-You took a DNA test w-without my permission?" halos paos niyang tanong.
"Why did you keep them from me?" he asked back in a firm and cold tone.
"Bakit m-mayroong ganito?" muli niyang tanong. "Why did you t-take a DNA test without my permission?"
BINABASA MO ANG
Trapped In Midnight (Complete)
AcakRiver Shail Embuscado is an innocent young lady who only wishes for her own happy ending and a prince charming that can save her from the evil twin stepsisters and cruel stepmother. They always give her hard time but it was not enough for them, they...