"Lolo, hindi ba siya magkakasakit niyan?" alala niyang tanong habang tanaw si Night.
"Hindi 'yan, hayaan mong iparamdam ko sa kaniya ang hirap nang hindi na niya maisipang umalis ulit." sagot ng matanda sa kaniya.
Nakatayo sila sa balkonahe ng bahay ni Alejandro. Pinagmasdan niya ang lalake habang nasa malawak na lupain ng kaniyang lolo, nag-aararo kasama ang ilang magsasaka na nagta-trabaho sa matanda. Halos dalawang linggo nang pinapahirapan ni Alejandro si Night, lahat ng mahirap gawin ng isang magsasaka ay inutos nito sa lalake.
Pag-akyat ng puno, pag-sibak ng kahoy para gawing panggatong, pag-huli at pag-aalaga ng mga hayop katulad ng manok, baboy, kambing, at kalabaw. Naawa na nga siya sa lalake pero hindi niya puwedeng pigilan ang gusto ng kaniyang lolo.
Babad na rin sa araw si Night, she noticed his skin color, medyo naging kulay kayumanggi ang balat nito.
Ang akala niya ay mababawasan ang kaguwapuhan nito pero mas nadagdagan, bagay din pala rito ang pagiging kayumanggi. Kung papipiliin siya ay mas gusto niya ang kulay ng lalake ngayon, he looked hotter with his new tanned skin.
Naputol ang pagtitig niya kay Night nang tumunog ang cellphone niya.
Nang makita ang pangalan ni Mecy sa screen ay nagpaalam siya kay Alejandro at pumasok sa loob ng bahay para sagutin ang tawag.
"Mecy?" bungad niya.
"Thank goodness, you finally answered my call. Ano? Kumusta na? Ano na ang nangyari sa inyo d'yan?"
Umupo siya sa isang bakanteng sopa kung nasaan sina Sevyn at Iphraim habang naglalaro.
"Pasensya na, medyo mahina ang signal dito kaya misan hindi mo ako ma-kontak." aniya. "Okay naman kami rito, ayaw pa rin tantanan ni Lolo si Night. Nag-aalala na ako, baka magkasakit siya sa sobrang pagod. Hindi pa naman siya sanay sa mga mabibigat na trabaho."
"Are you concern about Kuya?" may panunuyang tanong nito sa kabilang linya.
"Of course, I am concern. Ayoko naman siyang nakikitang nahihirapan." amin niya.
"Hayaan mo na ang lolo mo kay Kuya, I am sure he knows what he's doing. Trust him nalang."
Tanging buntong hininga ang naging sagot niya.
Medyo naiinis na rin kasi siya sa part na hindi umaangal ang lalake sa kung anong ipinapagawa at inuutos ng matanda rito, hindi man lang magawang tumanggi.
"Ikaw, kumusta ka na d'yan sa mansiyon? Ang hacienda? Si Nanay Ora?" sunod-sunod niyang tanong.
Pansamantala kasing bumalik sa mansiyon si Ora habang wala sila pero babalik din naman kapag nakauwi na sila nina Night.
"Okay naman kami rito, huwag kang mag-alala. Enjoy your vacation. Pakisabi kay Sir Alejandro na mas pahirapan pa si Kuya nang matuto."
"Mecy," she warned her pero tumawa lang ang dalaga.
"Napaghahataan ka nang mahal na mahal mo si Kuya." asar pa nito.
"Ewan ko sa'yo, Mecy." natawa na rin siya.
She's actually right. Hindi naman kailan nawala ang pagmamahal niya sa lalake, hindi kailanman niya nakalimutang mahalin ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/290158635-288-k7848.jpg)
BINABASA MO ANG
Trapped In Midnight (Complete)
RandomRiver Shail Embuscado is an innocent young lady who only wishes for her own happy ending and a prince charming that can save her from the evil twin stepsisters and cruel stepmother. They always give her hard time but it was not enough for them, they...