Chapter 11

33.2K 683 31
                                    

Umiling siya at iwinaksi ang kaniyang nasa isipan, sa tuwing naaalala niya ang mga pait na pinagdaanan niya sa mga taong lumipas ay bumabalik din ang sakit. Kaya mas gugustuhin nalang niyang 'wag nang isipin at abalahin nalang ang kaniyang sarili sa ibang bagay.

"Anong plano mo Risha sa nalalapit na kaarawan mo? Ilang araw nalang labing siyam na taon ka na rin katulad ni Mecy." natutuwang sabi ni Ora.

Nilapag niya sa mahabang lamesa ang niluto nilang agahan para sa dalawang apo ni Don Enrico bago binigyan ng pansin ang sinabi ng matanda.

"Wala ata, Nanay. Alam niyo naman po si Tita Olivia, magagalit 'yon kapag sinabi ko pa ang tungkol sa bagay na 'yan." sagot niya.

"Aba, pati ba naman sa pag-celebrate ng birthday mo ay hindi puwede? Sumusobra na ang babaeng 'yon. Kapag ako hindi na nakatiis, susugurin ko siya at pagsasampalin nang makita niya kung gaano kakapal ang mukha niyang manatili pa sa bahay ng Mama at Papa mo."

Natawa siya ng mahina dahil kita niya ang inis sa mukha nito.

Inayos niya na rin ang mga plato at baso sa lamesa.

"Huwag na po kayong magsayang ng oras sa mga 'yon, pabayaan nalang natin."

"Anong pabayaan? Hindi puwede. Pumunta ka dito sa akin at magluluto ako para sa birthday mo."

"Sinong may birthday?"

"Ay, Sir!" gulat na sambit ni Ora. "Magandang umaga, Sir Maximus. Saktong-sakto ang pagbaba niyo, tapos nang magluto itong inaanak ko." nakangiting wika nito.

Muntik na rin siyang mapatalon sa gulat nang makita si Maximus na kakapasok lang sa dining room pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. Mabilis niyang tinapos ang kaniyang ginagawa at umatras bago yumuko. "Magandang umaga po, S-Sir." mahina niyang usal.

"Sinong may birthday?" ulit nitong tanong at humila ng silya bago umupo, nakatingin ito sa kanilang dalawa ni Ora na para bang naghihintay ng sagot.

"Si Risha po." sagot nito nang matantong wala siyang balak na sagutin ang tanong ng amo niya.

"Risha? Is that true?" paninigurado ng lalake.

Tumango siya.

Bakit siya nagtatanong? Iniiwasan ko nga, eh!

"We need to celebrate then," Maximus uttered.

Nag-angat siya ng tingin at pinanlakihan ito ng mga mata, sinubukang pigilan kung ano ang sasabihin nito pero mukhang walang pakialam.

"Kailan ang exact date?" tanong ni Maximus kay Ora.

"May 12 po."

"Next week, right?"

Tumango ang matanda.

Hindi na sinundan pa ng tanong ng lalake. Tahimik itong nagsalin ng tubig at uminom bago nagsimulang kumain.

Nakita niya ring dumating si Mecy, she waved her hand at her bago tumabi sa kapatid nito. Ngumiti naman siya bago umalis kasama si Ora.

Sa kusina sila tumambay, hinihintay na matapos kumain ang magkapatid.

Umupo siya sa isang stool habang ang kasama niya ay nagsimulang magbalat ng mansanas sa tapat niya sa kanilang dalawa.

Trapped In Midnight (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon