Chapter 12

33.8K 763 28
                                    

"Halika na dito, samahan mo akong e-entertain itong manliligaw mo." Olivia emphasized the last words she said.

Napatingin siya kay Anthony na nakangiti habang may hawak na isang bouquet ng bulaklak at isang kulay pulang box na sa tingin niya ay regalo.

Anthony is way older than her, kung tutuusin ay kasing edad lang ito ni Olivia.

Nagdalawang isip pa siya kung lalapit siya sa dalawa o lalagpasan ang mga ito pero alam niyang hindi 'yon magugustuhan ng babae kaya pinili nalang niyang sundin ang kagustuhan ni Olivia.

Umupo siya sa tabi ng babae.

"Risha, bulaklak nga pala para sa'yo." lahad ni Anthony sa kaniya.

Tiningnan niya ang bulaklak bago rito. "P-Pasensya na po pero hindi ako tumatanggap ng bulaklak." tanggi niya.

Anthony's smile disappeared.

Napangiwi siya nang maramdaman ang masakit na kurot ni Olivia sa kaniyang tagiliran. Palihim nitong ginagawa sa kaniya.

"Accept the flowers, Risha. Nakakahiya naman kay Anthony, nag-effort pa siyang bilhan ka ng bulaklak." nakangiti ngunit may diing utos nito sa kaniya.

Hindi pa rin siya binibitawan mula sa pagkaka-kurot.

Wala siyang nagawa kunti ang tanggapin 'yon.

"S-Salamat, Anthony." napipilitan niyang saad at pilit na ngumiti.

Saka lang siya pinakawalan ni Olivia.

Sigurado siyang mag-iiwan na naman ng pasa ang pag-kurot nito sa kaniya.

"At regalo ko rin para sa'yo. Nasabi kasi ni Olivia na mahilig ka sa tsokolate kaya ito." sunod nito sa pulang box.

Tinitingnan niya si Olivia, malawak ang peke nitong ngiti sa labi at tinaguan siya upang magbigay ng senyales na tanggapin nalang ulit ang regalo.

Inabot niya 'yon at nilapag sa maliit na lamesang nasa pagitan nila. "Salamat ulit." wika niya.

Nagsinungaling si Olivia. Hindi siya mahilig sa matamis, kung mayro'n mang mahilig kumain ng tsokolate sa kanilang apat ay ang kambal, si Cressel at Cressley.

"Wala 'yon, Risha. Masaya nga ako at pumayag ka nang bumisita ako ako rito."

Wala akong alam sa pagpunta mo dito.

Gusto niyang i-sagot rito pero pinigilan niya ang kaniyang sarili dahil sa kaisipang magagalit na naman ang babae sa kaniya.

"Akin na ang hawak mo. Tumayo ka na at ipaghanda mo ng makakain si Anthony." at kinuha ni Olivia ang bulaklak mula sa kaniya.

Sinunod naman niya ito dahil gusto niyang makalayo sa dalawa.

"Maiwan ko muna kayo." paalam niya sa dalawa at tinahak ang kusina.

She prepared something for Anthony and Olivia pagkatapos ay dinala sa kinauupuan ng mga ito. She put the drinks and two plates of sweet course above the small table before she went back to her seat.

Trapped In Midnight (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon