Chapter 3

37.5K 1K 99
                                    

"Diyos ko, Risha. Bakit basang-basa ka?" alalang tanong ni Ora nang makita ang itsura, para siyang basang sisiw na nahulog sa tubig.

"N-Nasira po kasi ang shower ni Sir k-kaya pinatingnan niya sa akin pero biglang bumuhos ang tubig kaya nabasa ako." pagsisinungaling niya.

Gusto niyang sabihin ang totoo pero natakot siyang baka iba ang isipin nito kahit wala naman siyang ginawang masama.

"Sige, umuwi ka na muna. Bukas ka nalang bumalik kasi wala naman masiyadong gagawin ngayon. Kami nalang ni Ellis at ang ibang kasambahay ang bahala dito." payag nitong sabi.

Yumuko siya at nagpasalamat bago dumaan sa likod ng mansiyon para umuwi.

Habang tinatahak niya ang daan papunta sa kanilang bahay ay yakap-yakap niya ang kaniyang sarili dahil sa lamig na nararamdaman niya.

Pagdating niya ay diretso ang lakad niya sa kaniyang kuwarto para maligo at makapag-bihis na rin. She stripped her clothes off and walked under the shower head.

Nang bumagsak ang tubig sa kaniyang hubad na katawan ay bumalik sa kaniya ang ginawa ng lalake. The way he cornered her, the way his eyes stared at her.

May kung anong kiliti siyang nadama sa kaniyang kaloob-looban.

Umiling siya at pilit na inaalis sa kaniyang isip ang namumungay na mga mata ni Maximus.

Inabot niya ang shampoo at binuksan 'yon, nagbuhos siya ng kunti sa kaniyang palad at pinahid 'yon sa kaniyang buhok.

Nang matapos siyang maligo ay nagbihis siya ng simpleng t-shirt at shorts.

Habang sinusuklay niya ang kaniyang buhok sa harap ng malaking salamin na nasa may tabi ng kama ay may biglang kumatok kaya tinigil niya ang kaniyang ginagawa.

"Risha, are you there?"

Si Cressel!

Mabilis niyang binaba ang hair brush at pinagbuksan ito ng pinto. Sumalubong sa kaniya ang mataray na itsura nito.

"May i-uutos ka ba, Cressel?" mahinahon niyang tanong.

Inawang pa lalo ang pinto para magkaroon ng laya ang babae na makapasok sa kaniyang kuwarto kahit alam niyang minsan lang pumasok si Cressel, sa tuwing galit lang ito at kapag gustong sunugin o gupitin ang mga damit niya.

"Nakatanggap ka ba ng invitation galing kay Mecy?" taas-kilay nitong tanong habang nakahalukipkip.

Bigla naman siyang nagtaka. "H-Hindi, ano bang mayro'n?"

Umirap ito at tiningnan siya gamit ang mapanghusgang mga mata nito.

"You're friends but you don't even know na birthday niya sa Tuesday? So stupid."

Umawang ang labi niya at halos mapahilamos nang matanto ang sinabi nito.

Oo nga pala, birthday ni Mecy!

"Nawala sa isip ko sa dami ng ginawa ko ngayong araw." paliwanag niya.

"Tss. Ang sabihin mo, you're not really friends. You don't treat her as your friend, nakikipag-kaibigan ka lang sa kaniya because she's rich." Cressel harshly said.

Trapped In Midnight (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon