"Mabuti naman at naging okay ang pakiramdam mo." ani Ellis nang sabihin niya ang rason kung bakit hindi siya nakapasok sa nakalipas na araw. "Baka na-sobrahan tayo sa pagkain ng mangga kaya sumama ang pakiramdam mo. Nagka-diarrhea rin ako ako kagabi. Mabuti nalang at may gamot si 'Nang Ora kaya naging okay naman."
Natawa siya ng mahina dahil sa sinabi nito. Gusto niyang sabihing hindi maganda ang pakiramdam niya dahil sa pagbubuntis niya pinili nalang niyang manahimik.
"Nabusog nga ako pero ikamamatay ko naman." reklamo pa nito.
Tumigil siya sa pag-abot ng mga dahong bumagsak tubig at nilapag ito sa may tabi ng pool. Pinunasan niya ang kaniyang noo at umupo muna sa gilid.
Medyo mainit ang sinag ng araw pero hindi gano'n kahapdi sa balat. Alas-otso pa lang kasi ng umaga pero ito ang inuna niyang gawin dahil maya-maya ay lalong iinit kaya mas mahihirapan siya sa paglilinis kung hindi niya ito gagawin ng mas maaga.
Mabilis niyang natapos ang paglilinis sa pool area kaya lumipat naman sa bawat kuwarto ng mansiyon, lalo ang tatlong master's bedroom na pag-aari ni Don Enrico, Mecy at Night.
Una niyang nilinisan ang kuwarto ni Don Enrico kahit wala namang kahit anong kalat dahil madalas wala ang matandang Valencia. Nag-vacuum lang siya at nilinis ang bathroom bago nagtungo sa kuwarto ni Mecy.
Wala sa kuwarto nito si Mecy dahil maagang pumasok. Inayos niya ang kama at ang walk-in closet nito, pati na rin ang banyo at nag-vacuum na rin siya.
Pagkatapos niya ay lumabas siya para puntahan ang kuwarto ni Night.
Hindi siya sigurado kung nakaalis na ba ang lalake papuntang hacienda dahil abala siya sa kaniyang trabaho at hindi na in-alam pa.
Pag-pihit niya sa seradura ng pinto ay dahan-dahan niyang i-tinulak pabukas. Nakahinga siya nang makitang wala sa loob ang lalake.
Walang kibo siyang nag-linis.
Night's room is clean, as always. She's been cleaning his room at hindi kailanman niya nadatnan na magulo ito o marumi.
Hinawi lang niya ang malalaking kurtina at nag-vacuum na rin para siguraduhing malinis. Kumuha na rin siya ng pamunas at sinimulang punasan ang ilang mamahaling furnitures na naroon.
Nang mapadpad siya sa bed side table ng lalake ay natigilan, nahagip ng mata niya ang isang picture frame.
Hinawakan niya ito at tiningnang mabuti.
Isang batang lalake, nakangiti ito habang karga ng isang lalake.
Kung hindi siya nagkakamali ay si Don Enrico ang lalaking nasa litrato at si Night ang batang lalake.
Hinaplos niya ang litrato.
Ang saya tingnan ni Night sa larawang 'yon at ganoon din ang matandang Valencia.
May kung anong kirot siyang naramdaman.
Ganito pala sila dati?
Iniisip pa lang niya na masisira ang relasyon ni Night kay Don Enrico ay nahihirapan na siya. Hindi kaya ng konsensya niya.
Mas gugustuhin niyang i-suko ang lalake kaysa tuluyang mawala ang pagmamahal ng mga ito sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Trapped In Midnight (Complete)
DiversosRiver Shail Embuscado is an innocent young lady who only wishes for her own happy ending and a prince charming that can save her from the evil twin stepsisters and cruel stepmother. They always give her hard time but it was not enough for them, they...