Night started dancing kaya hinayaan niya ang kaniyang sariling sabayan ang bawat galaw nito, she's dancing with him.
Nakatitig lang ito sa kaniya, his eyes were clouded with emotion that she can't even guess.
"Happy birthday," mahinang bati nito ulit.
She didn't speak, nanatili lang ang mga mata niya rito. She's staring at his face, too. His well angled jaw, thick brows, those soft looks in his eyes, nose and lastly, his luscious lips.
Napalunok siya nang wala sa oras.
Unti-unting umukit ang ngiti sa labi ng lalake habang nakatingin sa kaniya, binasa labi nito sa pamamagitan ng paghagod ng dila rito bago tuluyang kumawala ang marahang tawa mula rito.
Nagtaka naman siya dahil sa i-pinakita nito.
"B-Bakit?" bigla siyang nahiya.
Pinagtatawanan niya ba ako?
Umiling ito, may ngiti pa rin sa labi.
"Ano nga?" pangungulit niya, hindi papayag na hindi malaman ang nasa isip nito.
Tinitigan siya nito ng ilang segundo habang siya ay nakatingin din rito, naghihintay ng sagot sa kaniyang tanong.
"You exactly did what you said to me years ago." namamaos nitong sambit.
Mas naguluhan siya sa sagot nito.
"Anong ibig mong sabihin?"
She let out a loud gasp when he hugged her waist and pulled her closer.
"N-Night..." sobrang hina nitong tawag na kahit siya ay hindi sigurado kung rinig ba 'yon ng lalake.
"Remember when you told me that you'd grow up?" he lowly asked near her face. Wala sa sarili siyang tumango habang nakatingala rito. "You pretty damn accomplished that."
Pinigilan niya ang sariling mapangiti. Hindi niya alam kung bakit parang gustong magwala ng puso niya dahil sa simpleng binitawan nito.
He can still remember what she said.
She wrapped her arms around his neck tight dahilan para mas mapalapit siya rito.
Ang liwanag ng mga lantern ay tumatama sa mukha nito kaya napagmasdan niya ito ng mabuti.
He looked mature now. Mas lalake nang tingnan, siguro dahil mga pagbabago sa katawan nito at mukha.
He looks more handsome and masculine.
"Baka matunaw ako niyan." biglang sabi nito at ngumisi sa kaniya.
Ibinagsak naman niya agad ang kaniyang tingin sa dibdib nito dahil sa hiya. Humalakhak ito at naramdaman niya ang paghawi ng lalake sa kaniyang buhok.
Pinilit niyang hindi mahawa sa ganda ng ngiti nito kaya sinikap niyang 'wag tingnan ang lalake ngunit hindi siya nagtagumpay. Tuluyan na siyang napangiti at nag-angat ng tingin.
His smile looks genuine, lagi niya itong nakikitang ngumingiti but his smile is different that moment.
"Ang ganda mo." bigla nitong usal nang makita ang kaniyang pinakitang ekspresyon.

BINABASA MO ANG
Trapped In Midnight (Complete)
RandomRiver Shail Embuscado is an innocent young lady who only wishes for her own happy ending and a prince charming that can save her from the evil twin stepsisters and cruel stepmother. They always give her hard time but it was not enough for them, they...