Chapter 8

33.9K 741 114
                                    

Mula nang masaksihan niya ang kababalaghan ng panganay na apo ni Don Enrico ay iniwasan na niya ito, sa tuwing nakikita o nakakasalubong niya ang lalake ay lagi siyang tumatakbo paalis o 'di naman kaya ay nagtatago para hindi siya nito makita.

"Sa kuwarto mo nalang tayo mag-laro?" aya niya kay Mecy.

Taka siya nitong tiningnan. "Why? Ayaw mo na dito?" sabay libot nito ng tingin sa living area.

Ngumiti siya at umiling.

"Hindi naman pero baka dumating ang mga kaibigan ng Kuya mo at maka-isturbo pa tayo." mahina niyang paliwanag.

Naniwala naman agad si Mecy sa kaniyang rason.

Ang totoo ay ayaw lang niya talagang madatnan siya ng lalake. Ayaw niyang makita ito.

Habang naglalaro sila sa loob ng kuwarto ni Mecy ay natigilan sila biglang bumukas ang malaking pintuan nito.

Halos mabitawan niya ang hawak na laruan nang makita kung sino ang niluwa no'n, ang seryosong mukha ni Maximus.

"Mecy, Lolo wants to see you. He's downstairs." wika nito sa kapatid.

Masayang tumayo si Mecy at tiningnan siya.

"Stay here, okay? I'll be back." paalam nito sa kaniya kaya napatingin siya rito. Hinawakan niya ang kamay ng kaniyang kaibigan.

"P-Puwede ba akong sumama sa'yo?" sobrang hina niyang tanong, hindi gustong marinig ng lalake.

"Hurry, paalis na si Lolo." rinig niyang dugtong ni Maximus.

Mecy tapped her hand. "Don't be scared, there's no ghost in here. Babalik ako kaagad." she assured kaya mabagal na binawi ang kaniyang kamay.

Pag-alis ni Mecy ay naiwan silang dalawa ni Maximus sa loob ng kuwarto.

Agad siyang tumalikod at kunwari'y nagpatuloy sa paglalaro kahit hindi na siya maka-pokus sa kabang nararamdaman niya, mas lumala ang kaba niya nang marinig ang tunog ng paghakbang nito papalapit sa kaniya.

She heard the bed creaked, senyales na umupo roon ang lalake but still, she didn't look at him.

"Are you avoiding me?"

Napaigtad siya dahil sa biglaang tanong nito. Hindi siya sumagot, she continued playing and ignored his dark presence.

"Risha." mahina nitong tawag sa pangalan niya.

Nagpanggap siyang hindi ito narinig.

"Risha," mas mahina nitong tawag, sapat para marinig niya.

Dahil ayaw naman niyang magmukha walang respeto ay hinarap niya ito.

"Bakit po, Sir?" agad niyang saad rito.

She saw how he hardly gulped before he spoke. "About what you saw, I'm sorry. You shouldn't have seen that."

Sinubukan niyang panatilihin ang kaniyang reaksyon, nanatiling seryoso ang kaniyang itsura kahit nanlalamig na ang kamay niya sa kaba.

"Huwag niyo na pong isipin 'yon, Sir." tila hindi apektado niyang untag. "Naiintindihan ko naman po kayo." dagdag niya.

Kita niya ang pagbabago ng ekspresyon nito, his eyebrows furrowed. "You understand what?" he asked, staring at her with an expression of annoyance on his face.

Trapped In Midnight (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon