Chapter 14

32.4K 852 59
                                    

"Mag-iingat ka." aniya sa lalake habang nakasilip sa pintuan, nakahandang isara ito.

Hindi ito pumayag na hindi siya maihatid pabalik sa kanilang bahay kahit ilang beses niyang sinabing kaya niyang umuwi mag-isa.

"Lock the doors properly." he reminded. "Good night, Risha."

Tumango siya. "Good n-night din." she replied in a low voice, dahan-dahang sinara ang pinto.

At nang maisara niya 'yon ng tuluyan ay hindi niya naiwasang mapangiti at magtatalon sa tuwa, agad din siyang natauhan kaya kinimkim nalang niya sa kaniyang sarili ang sayang nararamdaman.

"Liligawan niya ako?" hindi makapaniwala niyang wika habang nakangiti. "Liligawan ako ni Night?" ulit niya. Pumikit siya ng mariin at kinagat ang kaniyang labi dahil sa kilig.

Wala sa sarili siyang napahawak sa kaniyang labi.

Bumalik ang alaala ng paghalik nito sa kaniya.

Eksperto itong humalik, alam na alam nito kung paano angkinin ang labi niya. Sa mababaw na paraan man o malalim, lagi siyang nawawala sa kaniyang sarili pagdating sa halik nito.

May kung anong kumikiliti sa kaniyang tiyan na tila nagwawala. Mabilis ngunit walang ingay siyang umakyat sa kaniyang kuwarto.

Ibinagsak niya ang kaniyang katawan sa kama nang marating niya ito.

Dahil sa tuwang nararamdaman niya ay hindi niya namalayan kung kailan siya nakatulog.

Nagising siya kinabukasan na may ngiti sa labi. Maaga siyang bumangon at naligo bago bumaba sa kusina para magluto.

"Anong nakain mo?" napalingon siya sa pintuan ng kusina ng marinig ang boses ni Cressel.

Pinatay niya ang stove bago ito tiningnan ulit. "Bakit?" tanong niya.

"You've been smiling the whole time, kanina pa kita tinitingnan. Mukha kang tanga." walang preno nitong untag sa kaniya.

Lumapit ito sa ref at binuksan, kumuha ito ng pitsel ng tubig at nagsalin sa isang baso bago uminom.

Sa halip na masaktan ay mas lumawak ang ngiti niya.

"Wala lang," sagot niya.

She was just looking at her as if she's weird.

"Prepare the foods and stop smiling like an idiot." kontra nito at inirapan siya.

She just shrugged her shoulders and continued cooking.

Pagkatapos ng kaniyang trabaho sa kanilang bahay ay nagbihis siya ng kaniyang uniporme bago pumasok sa mansiyon ng mga Valencia.

Masaya siyang pumasok sa kusina at nadatnan si Ora na nagluluto.

"Magandang umaga po, Nanay Ora." bati niya at lumapit rito para tumulong.

"Magandang umaga rin, mukhang maganda ang gising ng inaanak ko, ah." nakangiting pansin nito sa kaniya habang humihiwa ng sibuyas.

"Kung alam niyo lang po, 'Nay Ora." mahinang tawa niya. "Ano pong maitutulong ko?" tanong niya at sinuot ang apron na nakasabit sa tabi ng ref.

Trapped In Midnight (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon