Halos isang buwan ang nakalipas mula nang manligaw si Night sa kaniya at kahit ilang beses siya nitong binigyan ng bulaklak ay hindi pa rin siya nasasanay sa ginagawa, lagi siyang nasu-surpresa.
The last time they went out for a date, dinala siya nito sa isang kilalang restaurant sa kanilang probinsya. It might not be the expensive restaurant but she happily appreciated his efforts. His simple gestures, his way of showing his sincerity sa panliligaw sa kaniya.
It makes her happy.
But her problem is Anthony, he's still pursuing her, katulad ng gusto ni Olivia. Araw-araw itong nagpapadala ng bulaklak at mga regalo, madalas na ring bumisita kaya nakokosensya siya lagi.
She doesn't like Anthony, alam niya 'yon sa sarili niya. Ngunit dahil kay Olivia ay nagpupursige si Anthony na mapasagot siya dahil binigyan ito ni Olivia ng permiso at kasiguraduhan na sasagutin niya ito kahit wala naman siyang balak.
Pakiramdam niya ay napakasama niya sa parteng 'yon.
Walang alam si Anthony, his intention is pure. Mabait din ito sa kaniya lalo na kay Olivia kaya minsan kapag humihiling ng mga mamahaling bagay si Olivia mula rito ay pumapasok sa isip niyang inaabuso ito ng madrasta niya.
Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay nagsisinungaling siya kay Night at naglilihim na may ibang nanliligaw sa kaniya kahit nasabi na niya sa lalake ang tungkol dito.
Kasalukuyan siyang naghahanda para pumasok sa mansiyon ngunit natigilan siya dahil sa pagtawag ng isa sa kambal sa kaniyang pangalan.
"Risha, may naghahanap sa'yo." anas ni Cressel mula sa labas ng kaniyang kuwarto.
Agad siyang naglakad palabas ng pinto at tiningnan si Cressel. "Sino?" tanong niya sa mahinang boses.
"Si Anthony, sino pa nga ba?" taas kilay nitong tanong. "Tingin mo talaga may iba ka pang manliligaw? Ang kapal naman ng mukha mo." she mockingly spat and walked away.
It didn't ruin her mood, sa halip ay napangiti nalang siya.
Si Night.
Sagot niya sa kaniyang isip, hindi magawang sabihin.
Tinahak niya ang hagdan pababa at tiningnan ang kaniyang bisita.
Si Anthony nga.
Kahit medyo kabado siya ay hinarap niya ito. "Anthony, napadalaw ka?" nakangiti niyang tanong. "Upo ka muna, wala rito si Tita Olivia. Umalis dahil may aasikasuhin sa munisipyo." pahayag niya rito.
Ngumiti pabalik ang lalake sa kaniya, his smile is genuine. Mas nadagdagan ang konsensyang nararamdaman niya.
"Hindi si Olivia ang pinunta ko rito, Risha. Ikaw." sagot nito sa kaniya.
Umupo ito kaya inayos niya ang kaniyang uniporme bago umupo sa tapat nitong sopa.
"Bulaklak nga pala, para sa'yo." lahad nito sa bouquet ng sunflower. Tinanggap niya 'yon at nilapag sa kaniyang kandungan dahil may kabigatan.
"S-Salamat, Anthony." mahinang saad niya rito habang nakatingin sa bulaklak.
It doesn't feel right.
BINABASA MO ANG
Trapped In Midnight (Complete)
RandomRiver Shail Embuscado is an innocent young lady who only wishes for her own happy ending and a prince charming that can save her from the evil twin stepsisters and cruel stepmother. They always give her hard time but it was not enough for them, they...