"Night came here yesterday, Anthony. At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na 'yon. I was so afraid na baka makita niya ang mga anak ko." she hysterically narrated. "Mabuti nalang at tanghali kaya tulog sila."
Tamad na nakaupo si Anthony sa sopa habang umiinom ng beer. Ang asawa nito ay nasa hardin kasama ang kaniyang kambal na anak, nakikipag-laro sa mga ito habang silang dalawa ay naiwan sa salas.
"Tapos ito pa, tinanong ko ang totoong dahilan kung bakit siya pumunta rito at alam mo ang kung ano ang sinabi niya? He wanted to know if I am okay." dagdag pa niya. Tinuro ang iniinom ng lalake. "At 'yang mga beer mo sa refrigerator ko, napansin niya rin. Alam niyang hindi ako umiinom ng alak. 'Tsaka ito," she showed her wrist. "Napansin niya rin ang tattoo ko. Ang talas ng mata niya."
Narinig niyang tumawa ito. "Wala naman kasi sa itsura mo ang magpapalagay ng tattoo." untag nito sa kaniya.
"It's a minimalist tattoo of my late baby's name, Anthony." paliwanag niya.
"I know it's Wren's name."
Bigla siyang nawalan ng kibo ang marinig ang pangalan ng dapat na ikatlong anak niya. She's supposed to have a triplets baby pero dahil sa nangyari ng gabing 'yon ay nawala ang isa sa mga anak niya.
Nawala ang kapatid nina Iphraim and Sevyn.
Two months sa tiyan niya at alam niyang fetus pa lang ito pero hindi pa rin nagbabago ang katotohanang may nawalang buhay sa kaniya.
Nawala ang buhay ng anak niya.
"Wait, how did you know the baby you lost was a she or he?" Anthony asked out of the blue.
She glared at him. "Kaya nga Wren ang ipinangalan ko dahil puwede sa babae at lalake."
"Okay," agad nitong sagot dahil napansin ang kaniyang inis.
"Ikaw nga pinangalan mo na ang baby niyo ng Arjun no'n kahit hindi mo pa alam ang gender niya." asar niya rito.
"But at least I predicted my baby's gender correctly." pagmamayabang nito at uminom mula sa hawal nitong beer.
"Alam mo bang minsan mali rin ang sinasabi ng Doctor? Sasabihing lalake ang gender pero paglabas ng baby, babae pala." iling niya, sinusubukan kung madidismayado ito.
"Babae man o lalake, I'll love my child unconditionally just like how I love my wife." he responded.
Sakto namang dumating ang asawa nito kakapasok lang kasama ang kaniyang mga anak na si Iphraim at Sevyn.
"Ang sweet naman ng mahal ko," nakangiting komento nito dahil sa sinabi ng asawa.
Kahit simpleng floral dress ang suot ni Bridgette ay napakaganda pa rin, litaw na litaw na ang puti ng balat nito. Dahil na rin siguro sa pagbubuntis ng babae.
Mabilis na tumayo si Anthony, binitawan ang beer at inalalayang makaupo ang asawa katabi kung saan ito nakaupo kanina lang. Bumalik sa pagkakaupo ang lalake at hinaplos ang maumbok na tiyan ni Bridgette.
"Mama, is it true po?" lapit ni Sevyn sa kaniya.
Umupo rin ito sa tabi niya habang si Iphraim naman ay sa kabilang side niya.
BINABASA MO ANG
Trapped In Midnight (Complete)
RandomRiver Shail Embuscado is an innocent young lady who only wishes for her own happy ending and a prince charming that can save her from the evil twin stepsisters and cruel stepmother. They always give her hard time but it was not enough for them, they...