"Umalis sina Tita Sandra at Tito Rafael? Pero bakit?" malungkot na tanong ni Mecy habang nakaupo sila sa kama nito.
"H-Hiwalay na sila kaya umalis si Mama, siguro dahil ang sakit para sa kaniya ang nangyari." nanghihina niyang sagot.
"I'm sorry, Risha. I wasn't with you when you need me." naiiyak na anas nito at niyakap siya.
Humagulhol lang siya at niyakap ito pabalik.
Wala itong dapat i-hingi ng tawad dahil pati siya ay alam sa sarili niya na kahit may dumamay man sa sakit nararamdaman ay hindi magiging sapat para mapawi 'yon.
Madalas na siyang pumunta ulit sa mansiyon ng mga Valencia.
Mecy helped her to forget about her problems temporarily, they always play and hang out. Kung hindi sa mansiyon ay dinadala naman siya nito sa hacienda para maaliw siya sa mga nakikitang hayop na naroon.
She even invited her for a sleep over at dahil wala naman siyang kasama ay pumayag siya.
"Sigurado ka bang hindi magagalit si Don Enrico?" alalang tanong niya.
Inayos ni Mecy ang kama kung saan sila matutulog.
"Anong magagalit? Gusto pa nga niya dito ka na lang daw. Alam niya ang nangyari sa pamilya niyo and I'm sure he's sad about it too." saad naman nito.
Naglakad ito patungo sa isang kabinet at binuksan. Kumuha roon ng isang makapal na blangket.
"Ito ang gamitin mo," lumapit ito at nilahad sa kaniya ang puting blangket. "You can also use those two pillows." nakangiti pang sabi ni Mecy.
Binigyan siya rin nito ng isang pares ng padyama na sinuot naman niya.
Nakipag-kuwentuhan siya rito at panay ang tawanan nila hanggang sa pagsapit ng alas-diyes ng gabi.
"Let's sleep, baka pagalitan tayo ni Manang Ora." Mecy giggled.
"Sige." natatawang sang-ayon niya.
Paglipas ng halos kalahating oras ay nakatulog na si Mecy sa kanang bahagi ng kama habang siya ay mulat na mulat pa.
Ilang beses na niyang sinubukang pumikit at matulog pero tila ayaw siyang dalawin ng antok. Bumangon siya at bumuntong hininga, bumaba siya sa kama at naglakad palabas ng kuwarto para lumanghap ng sariwang hangin.
Pagdating niya sa pool area ay hinila niya pataas ang suot niyang padyama bago umupo sa gilid at nilublob ang kaniyang paa rito.
She sighed deeply.
Madilim ang paligid pero ang buwan ang nagsisilbing liwanag, the water sparkled because of the light coming from the moon.
She touched the water using her forefinger.
"Ang lamig." anas niya sa kaniyang sarili.
"Can't sleep?" muntik na siyang mapasigaw sa gulat nang marinig ang malalim na boses mula sa kaniyang likuran.
Pagtingin niya ay ang lalake pala, nakatayo ito habang nakatingin sa kaniya.

BINABASA MO ANG
Trapped In Midnight (Complete)
RandomRiver Shail Embuscado is an innocent young lady who only wishes for her own happy ending and a prince charming that can save her from the evil twin stepsisters and cruel stepmother. They always give her hard time but it was not enough for them, they...