Chapter 24

28.2K 502 6
                                    

"Kailan mo ako palalabasin? Kanina pa ako nandito no'ng alas-diyes pa ng umaga, Night. Anong oras na? Halos alas-tres na ng hapon. Kailangan kong mag-trabaho, baka biglang mag-taka si 'Nay Ora na hindi ako nakabalik." reklamo niya at pilit kinakalas ang pagkakayakap sa kaniya. "Hindi ka ba nangangalay? Kanina ka pa nakahawak sa akin."

Umiling ito at mas hinigpitan ang pagkakayapos sa baywang niya habang nakasubsob ang mukha nito sa kaniyang dibdib. "I can hug you like this forever." he murmured to her chest.

Medyo nagulat siya nang bigla nitong inangat ang ulo at tumingala sa kaniya na para bang may pumasok na ideya sa isip nito. "Huwag ka nalang kaya umuwi tapos dito ka nalang matulog sa kuwarto ko ngayong gabi-Aw!" he groaned in pain.

Palihim niya kasing kinurot ang tagiliran nito.

"Hindi ako puwedeng matulog dito dahil baka pagalitan ako sa bahay." mahinang paliwanag niya.

"Just for this night?" pamimilit pa nito.

Sinubukan niyang kalasin ang braso nito.

"Fine, hindi na. I won't force you to sleep here tonight but at least let me be with you before you go home." bulong nito sa kaniya bago bumalik sa dating posisyon nito.

Malalim siyang huminga at ipinagpatuloy ang paghaplos sa buhok ni Night.

"Baby," he lowly called her.

"Hmmm?" she responded as if she's used of it.

"Do you want to study again?" he randomly asked.

Nagtaka naman siya, hindi inaasahan ang tanong nito. Ang akala niya ay kukulitin pa siya nitong mag-overnight.

"Study? Ang ibig mo bang sabihin ay bumalik sa pag-aaral?"

She felt him nodded.

"Yeah, do you want to?" he questioned again.

Mapait siyang ngumiti, mabuti nalang at hindi kita ng lalake dahil sigurado siyang magtatanong ito.

"H-Hindi na siguro." mahina niyang sagot.

Kahit naman gustuhin niya ay imposible. Hindi papayag si Olivia, at kung sakaling pumayag man ito ay paniguradong may kapalit.

"Why?"

Umalis ito mula sa pagkakasubsob sa kaniyang dibdib at umupo, sumandal ito sa headboard ng kama. He tapped his right arm, nagbigay ng senyales na lumapit sa bisig nito at sinunod naman niya. Ginawa niyang unan ang braso ni Night at yumakap sa katawan nito, nakadantay ang kamay niya sa matigas na tiyan ng lalake habang ang kaniyang pisngi ay nasa bandang dibdib nito.

She felt so comfortable being with Night.

"Hindi ko rin naman kasi kaya, senior high lang ang natapos ko 'tsaka isang taon na ang nakalipas mula no'ng tumigil ako, wala na akong matandaan sa mga naituro sa akin kaya baka masayang din kapag nag-enroll pa ako tapos puro bagsak na grado lang ang makukuha ko." mababang boses niyang paliwanag.

Hindi naman niya puwedeng sabihing ayaw ng madrasta niya dahil alam niyang magtataka ito at mas hahaba pa ang kanilang usapan.

She looked up to him, seryoso rin pala itong nakatingin sa kaniya.

Trapped In Midnight (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon