Kinabukasan ay tila sobrang bigat ng kaniyang pakiramdam dahil sa nangyaring pag-aaway nila ni Night, para bang hirap siyang bumangon at walang ganang simulan ang kaniyang araw. Gusto nalang niyang magkulong sa kuwarto buong araw at huwag munang lumabas pero alam niyang kailangan niyang kumilos para sa kambal.
Ang akala niya ay pagkatapos sabihin lahat ng mga salitang gusto niyang i-bato sa lalake ay gagaan ang pakiramdam niya, na mawawala lahat at magiging okay ang sitwasyon ngunit kasalungat ang nangyari, sa tuwing naalala niya ang mukha ni Night habang umiiyak sa harap niya ay nasasaktan din siya ng husto.
Pagsisisi at sakit, iyon ang nangingibabaw sa mukha nito kagabi.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago bumaba mula sa pagkakahiga, inayos niya ang kaniyang kama at binuksan ang ilang bintana bago tinahak ang banyo para maligo.
Sabado na naman kaya kailangan niyang maglinis, iyon ang pinili niyang oras para sa bagay na 'yon dahil masiyado siyang maraming ginagawa tuwing Lunes hanggang Biyernes.
Ginising niya ang kambal at sinabihan ang mga itong maligo para makapag-almusal.
"Mama, are you okay?"
Biglang tanong ni Iphraim sa kalagitnaan ng kanilang pagkain.
Isang pilit na ngiti ang ipinakita niya rito at tumango. "Of course, baby. I am okay." mahina niyang sagot.
Napansin naman ni Ora ang kaniyang pananamlay. "Okay ka lang ba, 'nak?" may pag-aalala nitong tanong.
"O-Opo, Nanay." ngiti niya ngunit hindi nakumbinsi ang matanda sa kaniyang sagot.
"Kanina mo pa hindi ginagalaw ang pagkain mo." komento nito.
Bumagsak ang tingin niya sa platong nasa harapan niya at tama nga ito. Hindi man lang niya nagawang galawin ang kanin.
"Wala po akong gana, 'Nay." nanatili ang tingin niya s pagkaing nakahain sa kaniya.
Ilang sandali siyang nakatitig rito bago ibinalik ang tingin kay Ora. Nakita niya ang pag-aalala sa mukha ng babae pero hindi nalang siya umimik pa na naintindihan naman agad nito dahil hindi na muling nagtanong.
Pagkatapos nilang mag-agahan ay nagpaalam ang matanda sa kaniya para pumasok sa mansiyon ng mga Valencia.
Ilang minuto rin ay tumawag si Anthony sa kaniya at sinabihan siyang darating ito sa kanilang bahay para sunduin ang kambal.
"Pasensya na pero sa akin muna ang kambal. My wife missed them so much that she wants to kill me kapag hindi ko sila nasundo agad."
Hingi ng pasensya ng lalake habang hawak ang kaniyang mga anak.
"Okay lang, maglilinis din naman ako ngayong araw." sagot niya rito.
"Ihahatid ko rin sila before three in the afternoon."
Tumango siya at yumuko para kausapin ang dalawa. "Huwag kayong mag-iingay at maglilikot do'n, ah? Kapapanganak lang ni Tita Bridgette niyo, kailangan pa rin niya ng pahinga. Don't stress her, okay?"
"Yes po." agad naman saad ni Sevyn.
"Are you going to be fine alone, Mama?" tanong naman ni Iphraim.

BINABASA MO ANG
Trapped In Midnight (Complete)
CasualeRiver Shail Embuscado is an innocent young lady who only wishes for her own happy ending and a prince charming that can save her from the evil twin stepsisters and cruel stepmother. They always give her hard time but it was not enough for them, they...