Chapter 37

30.7K 572 6
                                    

Two months had passed since Don Enrico died pero hindi pa rin siya makapaniwala na wala na ito. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari.

Nang makumpirmang wala na si Don Enrico ay tinawagan ni Night ang mga magulang nito para sabihin ang nangyari. His parents went home to see his grandfather pero ilang linggo rin ay bumalik ang mga ito sa Maynila dahil sa naiwang negosyo.

She met his parents and she can honestly say that they're very kind, lalo na ang ina ng lalake. They maybe talked about things for a short period of time but she knew enough. Sobrang bait ng mga magulang nina Mecy at Night, hindi na siya magtataka kung kanino namana ng dalawa ang kabaitan ng mga ito.

Ang hindi niya nakayanang tingnan ay si Ora, nang sabihin ni Night ang pagkawala ni Don Enrico rito ay labis na umiyak ang babae. Alam niyang mahal pa rin nito si Don Enrico kaya hindi na niya ito pinakialaman, hinayaan niya itong ilabas ang sakit na nararamdaman.

It was hot Sunday afternoon.

Habang nakaupo sa labas ng hardin ng kaniyang bahay ay pinagmamasdan niya ang kambal na naglalaro kasama ang lalake.

Night was happily playing with the twin. Hinahabol nito ang mga bata habang tumatakbo naman ang mga ito palayo.

Narinig niya ang tili ni Sevyn nang maabutan ito ni Night at kiniliti.

"S-Stop—Papa!" her daughter breathlessly told him dahil sa sunod-sunod na pagtawa.

Huminto naman si Night, hinayaang makabawi ang bata.

Sariwa pa sa utak niya kung paano niya pinakilala ang lalake sa dalawa, naaalala niya kung paano humagulhol ang lalake at lumuhod sa mga ito, humingi ng tawad para sa mga taong nasayang.

Natutuwa siyang unti-unting nahuhulog ang loob ni Sevyn at Iphraim kay Night.

Simula nang makilala ito ng kaniyang mga anak ay araw-araw na itong pumupunta sa kanila, tinupad nito ang sinabi niyang kunin ang tiwala ng kambal. Nakikita naman niyang sinusubukan ng lalake ang lahat at natutuwa siyang masaksihan 'yon.

Minsan nga ay kinukulit siya nitong matulog sa kanila pero lagi siyang umaayaw.

Gusto niya pang makita kung hanggang saan ang kaya nitong tiisin. Gusto niyang sukatin gaano kahaba ang pasensya at gaano katibay ang determinasyon nito.

If he's willing to continue pursuing her and the twin.

"Careful," pigil ni Night kay Sevyn nang muntik na itong matumba.

"Thank you, Papa." matamis ang ngiting sambit nito at pinatakan ng halik ang pisngi ng lalake.

Hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti.

Iba ang sayang umaapaw sa dibdib niya dahil sa tanawing kaniyang nakikita.

Seeing the man she loves with her kids feels so overwhelmingly good.

Wala na siyang mahihiling pa.

Napaayos siya ng upo nang lumapit si Night sa kaniya habang hawak ang water hose. "We're going to water the plants. Don't you wanna join us?" tanong nito sa kaniya.

Trapped In Midnight (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon