Maximus left that day. Ayaw niyang makita niya mismo ang pag-alis nito kaya mas pinili niyang umuwi. Umiyak siya sa bahay. Nangako man itong babalik pero alam niyang malaki ang posibilidad na magbago ang desisyon at isip nito lalo na kapag nasanay na sa buhay sa siyudad.
Base sa mga naririnig niya ay mas maganda ang buhay sa siyudad, maraming trabaho, maraming sasakyan, at maraming babae.
Maraming babae.
Niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang unan.
Paano kung makahanap ito ng babae? Ng maganda? At kasing-edad nito?
Pero nangako siya.
At iyon ang panghahawakan niya habang wala ito.
Napabangon siya at pinunasan ang kaniyang pisngi nang may malakas na kumatok mula sa kaniyang pinto.
Agad niya itong binuksan.
"T-Tita Olivia?" utal niyang tanong nang makita ang taong nasa tapat ng pintuan niya.
Nakahalukipkip ito at seryosong nakatingin sa kaniya. Napaatras siya nang humakbong ito papasok ng kaniyang kuwarto at sinarado ang pinto.
"B-Bakit po kayo nandito? Nasaan si Papa?" tanong niya pa.
Nagulat siya nang itulak siya nito ng malakas kaya bumangga ang likod niya sa paanan ng kama, napadaing siya dahil sa sakit.
"The next time you show your trashy attitude to me, hindi lang 'yang ang aabutin mo sa akin." galit nitong untag at umalis.
Naiwan siyang tulala at hindi makapaniwalang sinaktan siya ng bagong asawa ni Rafael. Totoo ang hinala niya rito, nagbabait-baitan lalo na kapag kaharap ang ibang tao.
Sa tuwing wala sa bahay ang kaniyang ama ay lagi siyang pinagmamalupitan ng babae, lahat ng gawain ay sa kaniya na pinapagawa.
"I'm sorry I didn't cook, pagod kasi ako kaka-linis sa bahay." kunwari'y pagod na wika nito nang minsan silang sabay-sabay na kumain.
Umawang ang labi niya dahil sa sinabi nito, huminto siya sa pagkain, hindi makapaniwala sa kasinungalingan na sinabi nito.
Ako ang nag-linis sa lahat ng sulok ng bahay!
"Hindi ka ba tinulungan ni Risha?" tanong naman ng kaniyang ama.
Nagpanggap itong malungkot. "Hindi, Rafael. You know she hates me but I'm still doing my best para matanggap niya ako." she dramatically wiped her tears.
Siya na naman ang nagmukhang masama.
She didn't speak or defend herself, alam niyang masasaktan na naman siya pag-alis ng ama niya.
"Magre-renovate na ako ng bahay, binigay na sa akin ni Papa ang parte ko bilang Embuscado. Bibilhin ko rin ang lupang sakop ng bahay na 'to." biglang pahayag ni Rafael.
"Talaga?" gulat na tanong ni Olivia.
"Oo, palalakihin ko itong bahay para kay Risha. Para hindi na niya kailangan pang magtayo ng bahay kapag wala na ako at kapag may sarili na siyang pamilya, hindi na niya kailangang lumayo."

BINABASA MO ANG
Trapped In Midnight (Complete)
RandomRiver Shail Embuscado is an innocent young lady who only wishes for her own happy ending and a prince charming that can save her from the evil twin stepsisters and cruel stepmother. They always give her hard time but it was not enough for them, they...