Chapter 38

30.4K 553 34
                                    

Habang nasa harap sila ng hapag kainan ay tila may nakabarang bato sa kaniyang lalamunan at hirap siyang lumunok ng kaniyang pagkain. Napansin naman ito ni Night na nakaupo sa dulong bahagi ng lamesa habang siya ay nasa bandang kanan nito, ang kambal naman ay magkatabi sa kabila, kasalungat kung saan siya.

"May problema ba?" hindi na napigilan ng lalaking magtanong.

"W-Wala." mabilis niyang sagot. "Wala naman." ulit niya at itinuon ang tingin sa kaniyang plato.

Hindi ito muling nag-tanong pero ramdam niya ang titig nito sa kaniya pero hindi niya tiningnan pabalik dahil baka mabasa nito ang tumatakbo sa kaniyang isip. Alam niyang hindi ito naniwala sa kaniyang sagot.

Kung pupunta bukas ang kaniyang Lolo Alejandro ay hindi nito puwedeng malaman ang tungkol kay Night, hindi niya puwedeng sabihin na si Night ang ama ng kambal, baka kung anong gawin nito sa lalake. Ngunit hindi naman niya puwedeng i-lihim habang buhay sa takot na saktan nito si Night.

Nang matapos ang kambal ay hinatid niya na sa taas para patulugin. Iniwan muna ang lalake sa salas.

Ilang oras din ay nakaidlip ang kaniyang mga anak kaya bumaba siya agad para kausapin si Night at nadatnan niya nga itong pinagmamasdan ang picture frames na naka-display sa isang table na naroon. Nakatalikod ito sa kaniya kaya dahan-dahan siyang humakbang palapit sa lalake para silipin ang tinititigan nitong larawan.

Paglapit niya sa likuran nito ay tumingkayad siya para tingnan ang hawak nito pero dahil hindi niya na-balanse ang kaniyang katawan ay tumama ang dibdib niya sa likod ni Night kaya agad siyang umatras.

Hindi niya alam kung bakit siya pa ang nagulat habang ito ay hindi man kang nagulat na humarap sa kaniya.

"A-Anong tinitingnan mo d'yan?" palusot niya agad mula sa katangahang ginawa niya.

Pinakita nito ang picture frame sa kaniya."How did you manage to take care of yourself when you're pregnant with Sevyn and Iphraim?"

Tinanggap niya 'yon at tiningnan din. Isang larawan niya na no'ng buntis pa siya, sa pagkakaalala niya ay si Anthony ang kumuha ng litratong 'yon sa kaniya. Nakasuot siya ng off-shoulder dress habang nakatayo malapit sa lawa kung saan siya dinala ng lalake para libangin.

Ngumiti siya at binalik ang larawan sa dating kinalalagyan nito bago tumingin kay Night.

"It was hard lalo na't kambal ang dala-dala ko ng mga oras na 'yon pero masaya rin kasi alam kong magiging worth it ang hirap kapag lumabas na ang mga anak ko which really did happen." mahina niyang tawa, bumabalik ang mga ginawa niya noong nagbubuntis pa siya.

Kung may nahirapan man ay si Anthony, ang lalake ang tumanggap ng ugali at mood swing niya.

Napawi ang ngiti niya nang hawakan ni Night ang kaniyang kamay, he squeezed her hand. "Gusto kong malaman lahat ng pinagdaanan mo habang wala ako sa tabi mo. Your good and bad experiences when you're pregnant, your cravings, things that make you sad and happy that time." he muttered and pulled her to him gently.

Hinayaan niya ang sarili niyang tangayin ng paghila nito.

"Baby, tell me. I want to know everything, please." halos nangungusap nitong bulong sa kaniya, marahang hinawi ang kaniyang buhok na nakalugay sa kaniyang balikat.

Trapped In Midnight (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon