Pag-alis ng mga Gomes ay 'tsaka lang siya nagpasyang umuwi. "Alis na po ako, 'Nay Ora. Alas-otso na po kasi at baka hanapin ako ni Tita Olivia." paalam niya rito.
"Sige, mag-iingat ka sa daan, ah? Dala mo ba 'yong flashlight na sinabi ko?"
Hinanap niya ang maliit na flashlight at pinakita rito. "Ito po, dala ko." aniya rito.
"Oh, siya. Umuwi ka na at tumatakbo ang oras."
Tumango siya at kumaway rito bago kumabas ng mansion. Habang inaayos ang flashlight at handa nang umalis ay may mainit na kamay ang humawak sa kamay niya.
Kahit hindi niya lingunin ay alam niya kung sino ito.
Hinila siya nito at dinala sa madilim na parte ng mansiyon.
"Anong kailangan mo?" tanong niya nang magkaharap na silang dalawa.
Hawak pa rin nito ang kamay niya, marahan niyang binawi ang kamay niya mula rito. Sinundan ng tingin ni Night ang paglayo ng kamay niya rito.
"M-May problema ba tayo?" Night asked in a worried tone.
Umiling siya bilang sagot. "Wala, Night. Tinatanong ko lang kung anong kailangan mo at nang makauwi ako dahil lumalalim na ang gabi."
Taimtim siya nitong tiningnan, sinusuri kung nagsasabi siya ng totoo.
"You're being cold." he commented and held her right hand again.
Sa pagkakataong 'yon ay marahas niyang nilayo ang kaniyang kamay. "Ano ba, Night. Kung wala kang kailangan sa akin ay uuwi na ako." asik niya at akmang tatalikuran ito pero mabilis na kumilos ang lalake.
Hinawakan siya nito sa balikat at sinandal sa malamig na pader.
"You're not going anywhere until you tell me what the hell is going on." saad nito sa seryosong tono.
Masamang tingin ang pinukol niya rito. Unti-unting nagbago ang emosyon sa mukha ng lalake. He looked at her softly. "Galit ka ba sa akin? May nasabi ba ako kanina na hindi mo nagustuhan? Dahil ba hindi ko sinabi ang tungkol sa atin?"
"Hindi!" agad niyang sagot. "Mas mabuting hindi mo sinabi ang tungkol sa atin." dagdag niya.
"Kung iyon ang rason kung bakit ka galit then I am sorry, I just thought you don't want anyone to know about us for now-"
"At ayokong malaman nila kahit kailan dahil nakikipag-hiwalay na ako sa'yo ngayon pa lang, Night. Tapos na tayo." matapang niyang sabi rito. "Kung ano man ang mayro'n tayo ay pinuputol ko na. Binabawi ko na." she continued.
Her words left him stunned kaya kinuha niya ang pagkakataong 'yon para umalis.
Mabilis siyang naglakad palayo sa mansiyon hanggang sa naging takbo na ang ginawa niya. Naramdaman niya ang pagbagsak ng kaniyang luha sa kalagitnaan ng pagtakbo niya.
Panay ang punas niya pero panay din ang pagbuhos ng mga ito.
Nang makarating siya ng bahay ay dumiretso na siya sa kaniyang kuwarto, ibinuhos ang lahat ng nararamdaman niya sa pamamagitan ng pag-iyak.

BINABASA MO ANG
Trapped In Midnight (Complete)
AléatoireRiver Shail Embuscado is an innocent young lady who only wishes for her own happy ending and a prince charming that can save her from the evil twin stepsisters and cruel stepmother. They always give her hard time but it was not enough for them, they...