Habang naglalakad pauwi ang siyam na taong gulang na babae ay natanaw niya ang kaniyang ina na papalabas sa bahay. Tumakbo siya palapit rito habang hawak-hawak ang kaniyang lumang backpack na pinamigay sa kanilang paaralan galing sa gobyerno.
Madungis ang mukha niyang tiningala ang kaniyang ina at ngumiti, dahil sa kakalaro ay puno na rin ng mantsa ang kaniyang damit.
"Ma, saan po kayo pupunta?" bungisngis niya rito.
Humalukipkip ang kaniyang ina nang masuri nito ang kaniyang itsura niya.
"Ang dumi mo na, Risha." komento nito at pinunasan pa ang pingi niya.
Ngumiti siya. "Naglaro po kami kanina ng mga kaklase ko." walang bahid na kasinungalingan niyang sagot.
Siya naman ang sumuri sa suot ng kaniyang ina.
"Saan ang punta mo, Ma?" tanong niya ulit.
"May selebrasyon si Don Enrico sa kanilang mansiyon kaya kailangan kong pumasok sa trabaho." sagot nito.
Lumawak ang ngiti niya.
"Talaga po?" tuwang-tuwa siyang marinig ang sinabi nito. "Sa mansiyon ng mga Valencia? Sama ako, Ma!" pangungulit niya at niyakap ang braso nito.
Sibusubukang kumbinisihin ang kaniyang ina na isama siya.
"Na ganiyan ang itsura mo? Huwag na, dito ka nalang at hintayin mo ang Papa mo. Darating siya mamaya galing trabaho kaya-"
Naputol ang sasabihin nito dahil sa pag-iling niya. Ngumuso siya at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa braso nito.
"Ma, sasama ako! Hintayin niyo po ako rito, ah? Mabilis lang po ako!"
Hindi na niya hinintay na makasagot ito dahil tumakbo na siya papasok sa kanilang bahay para magbihis. At gaya ng nais niya ay hinayaan siyang sumama sa mansiyon ng mga Valencia kung saan ito nagta-trabaho.
"Huwag kang maglilikot do'n at baka may mabasag ka, wag ka ring magiging pasaway. Naiintindihan mo ba ako, Risha?" pagpapaalala nito habang papunta sila sa mansiyon.
Mabilis naman siyang tumango. "Oo naman, Ma. Hindi naman ako makulit." nguso niya.
"Naku, alam ko kung gaano kalikot 'yang kamay mo at baka kung ano-ano naman ang hawakan mo roon." hindi kumbinsidong anas ng kaniyang ina sa kaniyang sinabi. "Anak, makinig ka sa akin. Gawin mo ang gusto ko. Iwasan mong lumapit sa mga kagamitan nila dahil baka makabasag ka, mas mahal pa mga 'yon kaysa sa buhay natin."
"Grabe naman po. Ibig sabihin po ba magkasing-halaga lang kami ng mga plorera ni Don Enrico?" inosente niyang tanong.
Halos mapahilamos ang kaniyang ina.
"Ewan ko sa'yo, Risha. Sumasakit ulo ko sa kakulitan mo."
Humagikhik siya at yumakap ng mahigpit sa braso nito.
"Dito ka lang sa kusina, ha? Maglilinis muna ako sa taas at babalik ako dito para magluto." her mother told her as she made her sat on the stool. "Huwag kang malikot dahil baka mahulog ka."
Mabilis siyang tumango. "Opo, Ma." sagot naman niya.
Nang makaalis ito ay tahimik niyang pinaglalaruan ang kaniyang mga aliri habang ginagalaw ang kaniyang mga paa. Hindi na mapakali ang kaniyang katawan at gustong-gusto nang bumaba at libutin ang buong paligid.

BINABASA MO ANG
Trapped In Midnight (Complete)
RandomRiver Shail Embuscado is an innocent young lady who only wishes for her own happy ending and a prince charming that can save her from the evil twin stepsisters and cruel stepmother. They always give her hard time but it was not enough for them, they...