Chapter 26

26.3K 560 147
                                    

"Okay class, may limang minuto pa tayo para tapusin ang quiz na nasa pisara. Just raise your right hand if you have question. Is that clear?"

"Yes po, Teacher Risha." sabay-sabay sagot ng mga bata.

"Very good. You may continue your activity." ngiti niya sa mga ito at bumalik sa kaniyang desk to finish her lesson plan.

Habang nagsusulat ay napahinto siya nang may kumatok sa pintuan ng silid-aralan kung saan siya ang adviser.

"Excuse me, Ma'am. Nandito po ako para mag-deliver kay Miss River Shail Embuscado."

A deep voice interrupted.

Pag-angat niya ng tingin ay napangiti siya nang makita ang mukha ni Anthony na nakatayo sa may pintuan.

"Hi, kids." bati nito sa kaniyang mga estudyante.

"Hello po!" bati naman pabalik ng mga bata.

Maingat siyang tumayo at inayos ang pencil skirt ng kaniyang uniporme bago naglakad sa kinaroronan nito. Napansin niya ang pagkakalukot ng collar ng suot nitong polo shirt kaya inayos niya agad.

"Hey, handsome." bati niya sa lalake pagkatapos. Pinatakan niya ng halik ang pisngi nito bago tiningnan ang hawak na brown paper bag. Bigla siyang nakaramdam ng gutom nang masinghot niya ang mabangong amoy ng pagkain.

"Hello, pretty." he greeted her back with a sweet smile on his lips.

"Ano 'yang dala mo?" nguso niya sa hawak nito.

"I bought foods for you. Alam kong hindi ka na naman bibili ng pagkain sa canteen." sabay lahad sa harap niya.

She smiled at him and accepted it. "Thank you, I don't really know what to do without you. Ikaw ang nagsisilbing reminder ko, eh." tumawa siya ng mahina.

Minsan kasi sa sobrang busy niya sa pagtuturo ay nakakalimutan na niyang kumain at magpahinga.

She's focused and very passionate in teaching her students.

Handling fifth grade students wasn't easy, it needs patience and understanding. Mga bata pa at kailangan silang gabayan sa lahat ng bagay, though she loves them so so much kaya kahit halos two years mula no'ng nagsimula siyang mag-turo ay napamahal na siya sa kaniyang mga naging estudyante.

Ayaw niyang nag-a-absent, nangyayari lang kapag may sakit siya o may importanteng lakad para sa kanilang paaralan kaya minsan ay si Anthony mismo ang pumipilit sa kaniyang mag-pahinga kahit isang araw man lang but of course, she always says no.

"No problem." ngiti ng lalake pabalik at hinaplos ng hintuturo ang kaniyang ilong. "Sige na, ituloy mo na ang klase mo. Nakaka-isturbo pa ako. May dadaanan na rin kasi ako sa market."

"Okay." she softly responded. Aalis na sana ang lalake pero agad niyang hinawakan ang damit nito para pigilan.

"Wait, I almost forgot. Can you please fetch the twins for me? Mali-late kasi ako ng uwi, may meeting kami mamayang alas-tres, baka hintayin nila ako. Matatagalan pa naman ang meeting." hingi niya ng pabor rito.

"Roger, Ma'am." he immediately answered and saluted.

"Thank you." she sincerely told him. "Sige na, may importante ka pa atang pupuntahan." pakunwari'y taboy niya rito.

Trapped In Midnight (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon