♀ Ikatatlumpu't siyam na Kabanata ♀

241 5 0
                                    

♀ Ikatatlumpu’t siyam na Kabanata ♀

Naka-one month na din simula nang kausapin ko sina Luis at Jeff about their work. So it only means na three months na ang nakalipas when I left the real world. Charaught! Hindi… Meaning ko lang, hindi na ako lumabas ng bahay namin since that day na siniraan ako ni Mitzy. Hindi naman literal na di nga ako lumabas ng bahay, syempre, nalabas din sa backyard, frontyard, sideyard… Meganun ba? Pero talagang hanggang dun lang ako. Hanggang sa bakod lang ako ng bahay.

Umaga pa lang ngayon. Nag-text yung tatlo na baka mamayang hapon pa daw sila dumating. Nanunuod lang ako ng tv ng may kumatok sa pinto. Binuksan ko yun at nakita ko si Monette at Kristal.

“Couz!” niyakap ako ni Kristal.

“O? Buti napadalaw kayo? Pasok.”

Pumasok na silang dalawa. Naupo na muna sila sa sofa habang ikinuha ko muna sila ng makakain.

“Di na kami magtatagal dito couz. May gusto lang kaming sabihin sa’yo.” Kristal

“Ano yun?”

 

“Alam namin na laging napunta dito yung tatlo. Sina Jeff, Luis, at Sev.” Monette

“Oo, may problema ba dun?”

 

“Couz, ayaw naman namin na sisihin ka about this pero napapabayaan na kasi ng tatlo yung trabaho nila eh.” Kristal

“Ano?”

 

“Si Jeff… Alam mo na naman siguro yung trabaho niya?” Monette

“Investigator siya, kwento niya sa akin. At may company daw na kumuha sa kanya as investigator.”

 

“Natanggal na siya sa company na yun.” Monette

“Ano? Bakit?”

 

“Ang sabi kasi, di daw niya ginagawa yung trabaho niya. Yung mga pinapa-imbestigahan sa kanya, di niya nagagawa.” Monette

“Hindi lang yun, si Luis pa.” Kristal

“Anong meron kay Luis?”

 

“Humina na yung kita niya. Vet siya, alam kong alam mo yun. Pero kasi, di na siya natanggap ng customers eh.” Monette

“Ano?”

 

“Yung mga may appointments lang yung ginagamot niya ang alaga. Pag walang appointment, di niya tinatanggap.” Kristal

Runaway With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon