♀ Ikalimampu't isang Kabanata ♀

139 4 0
                                        

♀ Ikalimampu't isang Kabanata ♀

"Mhie..."

"Mhie..."

"Mhie, pansinin mo naman ako." Tapos kinalwit niya ako.

"Ano ba Reign? Matutulog ako eh."

Nakahiga kasi ako dito sa kama. Nakatalikod ako kay Reign ngayon. At tanghali tapat din pero matutulog ako? Oo naman, pwede naman matulog ng tanghali ah.

"Mhie, kausapin mo muna ako." Reign

"Ano ba kasi yung gusto mong pag-usapan?"

"Galit ka ba?" Reign

"Saan?"

"Sa nakita mo kanina." Reign

"Alin dun? Yung hinalikan ka ng fan mo o yung hinalikan mo din siya?"

"Galit ka nga..." Reign

"Hindi ako galit, antok lang ako."

"Galit ka eh." Reign

"Hindi nga. Wag mo na lang akong istorbohin, ayos na ako mamaya."

"Mhie naman..." Reign

"Reign, ano ba, itigil mo na yang pag-Mhie mo."

"Tawag ko nga sa'yo yun di'ba? Ikaw si Mhie. Ako si Dhie. Tawagin mo akong Dhie." Reign

"Pwede ba Reign, itigil mo na yan."

"Hindi mo na ako mahal?" Reign

"Bakit yan na naman yung usapan dito? Syempre Reign, mahal pa din kita. Wag ka lang makulit ngayon please."

"Psh. Nilalambing lang eh." Reign

Tumayo na siya sa kama tapos umalis na. Luh! Siya pa ang nagalit ha! Bahala siya...

"Aish! Sabi ko nga, di ko kayang galit siya sa akin."

Tumayo na din ako tapos sinundan ko siya. Nakita ko naman na nasa sala siya at nanunuod ng tv. Nilapitan ko naman agad siya.

"Reign..."

"Reign, kausapin mo nga ako."

"Hoy Reign, pansinin mo naman ako."

Tss. Sabi ko nga, di niya ako papansinin na Reign lang ang tawag ko sa kanya.

"Dhie..."

Tumingin naman siya sa akin.

"Ano ulit yun?" Reign

"Alam mo, abusado ka eh!"

"Psh. Bahala ka." Sabi niya tapos inirapan ako. Argh!

"Dhie..."

"Ano ulit?" Reign

"Dhie..."

"Di ko narinig eh. Pakilakasan nga." Reign

"Dhie...!"

"Ano ba yan! Wala man lang feelings!" Reign

"Dhiiiieeeee..."

"Wala man lang I love you?" Reign

"Uy, grabe ka na ha!"

"Psh. Di mo nga ako mahal." Reign

Mas lumapit ako sa kanya tapos niyakap ko siya.

"Dhie... I love you..." tapos nag-kiss ako sa cheeks niya. "Bati na tayo ha."

Runaway With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon