♀ Ikadalawampu’t tatlong Kabanata ♀
Sumakay na kami ni Miel sa van at nag-drive na ulit si kuya Manny. Alam niya naman kasi yung mga pupuntahan namin kasi unang-una, anak po siya ni Nay Midang. Pero yun nga, dahil driver namin siya, nandun siya sa Manila tas si Nay Midang, nandito. Ayaw niya din daw kasi sa Manila. Si Kuya Manny kasi, di lang basta driver, pinag-aaral din kasi siya nina mama kaya kasama namin siya sa Manila.
“Nga pala Kerby, di’ba boyfriend mo ako ngayon?” Miel
“Uhm, oo nga ‘no.”
“Bakit ang pakilala mo kay Nay Midang, kaibigan mo lang ako at di boyfriend? Ikaw ha, wala kang isang salita.” Miel
“Pag sinabi kong boyfriend kita kay Nay Midang, siguradong malalaman yun nina mama ‘no.”
“Sabagay.” Miel
Nakarating na kami sa susunod naming pupuntahan.
“Nandito na tayo.”
“Bahay ulit? Inyo din ba ‘to?” Miel
“Sa lola ko ‘to. Tara!”
Hinila ko na siya papunta sa pinto ng bahay. Tapos nun, kumatok na ako.
“Lola! Lola!”
Lumabas naman ang lola ko.
“Lola!” at niyakap ko siya. Na-miss ko kasi siya eh.
“O hija...” ihinarap niya ako sa kanya. “Eby?!”
BINABASA MO ANG
Runaway With You
ФанфикшнI'm willing to do everything for you. I will accept all the pain I will feel for the sacrifices I can give. For these things, there's only one reason. I love you... And someday, I want to RUNAWAY WITH YOU.
