♀ Ikaapat na pu't apat na Kabanata ♀

217 7 1
                                    

♀ Ikaapat na pu't apat na Kabanata ♀

Two o' clock na ng hapon. Teka, pupunta pa ba ako? Di ko naman kasi alam kung saan yung party na yun eh. Pero kasi, utos yun sa akin. Yes, I take that as a command. Lagot naman ako sa lalaking yun pag hindi ako pumunta. Siguradong ipapamukha na naman niya sa akin na PA niya ako kaya dapat ko siyang sundin.

From: Reign Sungit

Where are you?

Haha! First time kong magpangalan ng ganyan sa contacts ko. Bihira talaga ako maglagay ng ganyan. Pag nagre-register kasi ako ng number sa phone ko, name lang ang nilalagay ko, wala ng kung ano pa. Pero sa case kasi ni Reign, talagang nilagyan ko na ng ganyan. Nabwibwisit talaga kasi ako sa kanya eh.

To: Reign Sungit

Two o' clock pa lang naman ah. Atat much?

 

From: Reign Sungit

Just make sure you're coming. I hate waiting.

"Tss. Arte talaga nito!"

Ibinaba ko na yung phone ko. Maliligo na ako. Todas pa ako dun eh. Matapos maligo, nag-shirt na lang muna ako at maong shorts. Okay, fine, yun lang kasi ang meron ako eh. Luma na nga kasi ang mga pants ko. Sinuot ko na din yung flats na binili ko kahapon. Nilagay ko na lang sa paper bag yung pumps ko tapos naka-hanger pa din yung dress ko para di magusot. Then dinala ko na din yung bag. Sumakay na ako sa car at nilagay ang mga gamit ko dun. Tiningnan ko na muna ang cellphone ko.

"Thirty-two messages agad?!"

Tiningnan ko kung kanino galing. May isang message galing kay Sev, Luis, Jeff, Tyler. Kahit kay Monette at Kristal, meron din. Tig-iisa silang messages sa akin. Tapos nun, ang twenty six messages, galing na kay...

"Ano na naman bang problema ng Reign na 'to?!"

Ang dami kasi niyang messages eh. At alam ninyo kung anong laman?

If you don't come, I'm going to hunt you. Kidnap you and turn you into tiny little pieces. So don't ever try to run away or I'll really kill you.

Oh gosh... Nag-send pa ng death threat ang loko. Sobrang nakakatakot ha. Baka nga kasi gawin niya. Ehem! Note the sarcasm please.

Nag-compose na ako ng message na nagsasabing pupunta na ako. I was about to send it nang bigla siyang tumawag.

"Hell-..."

What do you think you're doing? Are you trying to escape from me?

"Ano? Bakit naman kita tatakasan?"

I don't know. Maybe you're just a coward and you're not ready to face the crowd. After all, you're Rhina Salazar, the once-famous star that faded her popularity.

Runaway With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon