♂ Ikapitong pu't siyam na Kabanata ♂

79 0 0
                                    

♂ Ikapitong pu't siyam na Kabanata ♂

(A/N: Present...)

"Excuse me, may nakita ka bang babae? Mga ganito siya katangkad tas mukhang grade school pa lang." Tanong ko sa isang babae na nandito sa park.

"Wala eh."

Nandito ako sa park ngayon, bagong tayo 'to. Medyo malawak din ang ground nito. Ito kasi yung dating high school na pinapasukan ko eh. Di'ba nga nilipat na yun sa ibang lupa kaya na-abandunado na yung luma. Naisip naman ng mayor namin, gawin na lang park yung ground ng school. Kaya eto, naisipan ko na ipasyal dito si Keriel. At tsaka, hiniling niya din sa akin yun.

Dalawang taon na ang lumipas simula nang magtampo ang anak ko sa akin kasi nga daw tungkol sa mommy niya. At ewan ko kung gagawin niya nga ang sinabi niya sa akin nag magv-valedictorian siya. Sabagay, matalino siya. Kasama siya sa top 10 ng klase nila noong Grade 5. At ngayon Grade 6, malaki nga ata ang chance.

Ano Reign? Excited ka pa na maging valedictorian ang anak mo? Gago! Paano ang regalong gusto niya?

Hindi natin masasabi... Aish! Bahala na! Nawawala na nga ang anak ko, yun pa ang inisip ko.

Binuklat ko ang wallet ko. Nakita ko na may picture nga pala dun si Keriel. Kinuha ko yun at pinagtanong kung nakita nila pero iisa lang ang sagot nila sa akin, hindi.

Kinuha ko ulit ang cell phone ko. Kanina ko pa siya tinatawagan pero di naman siya nasagot eh. Susubukan ko lang ulit kung sasagot na siya ngayon...

Wala pa din.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa medyo napunta na ako dito sa hindi mataong lugar. Garden 'to... Kung tama ang pagkakaalala ko, dito din yung garden ng school. Ibig sabihin, di pala nila dinamay 'to sa pagsira. Sabagay, maganda naman ang garden eh, bakit sisirain pa di'ba?

"Really?"

May narinig akong medyo matinis na boses. Mas nilapitan ko yung pinanggalingan ng boses. At tama ako, si Keriel nga.

Lalapit na sana ako nang mapansin ko na may kausap pala siya.

"And then he sang a song for me."

"Is he good at singing?" Keriel

"Yes. If you can only hear his voice while singing that, it's like you're in a fairytale. You're the princess and he's the prince."

"Oh, what happened next?" Keriel

"Well, he said that he's going to court me."

"Did you agree?" Keriel

Mukhang nage-enjoy ang anak ko sa usapan nila kaya di ko na muna siya nilapitan. Medyo nagtago muna ako sa mga bush doon tapos naisipan kong humiga na lang muna sa damuhan. Damuhan naman eh kaya ayos lang. Medyo rinig ko pa din ang kwentuhan nila. Pero bago ako makahiga ng ayos, tumingin muna ulit ako doon. Di ko kita yung kausap ni Keriel, anak ko lang yung nakikita ko. Basta ang alam ko, nasa ilalim sila ng puno na yun... Ang puno namin ni Kerby.

"Why?" Keriel

"Kasi maraming hadlang."

"Oh..." Keriel

"But he insisted."

"He didn't gave up?" Keriel

"Yup! And he court me pa rin."

"Did you sagot him?" Keriel

"I was going to but nagkaroon kami ng misunderstanding before ko siyang masagot. So yun, he got mad at me at lumayo siya."

Runaway With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon